"Iyan ay para sa mga paninira mo sa aking buhay!" Sigaw ni Dominic sa akin. Muli niya akong hinampas ngunit sa binti ko naman. Pakiramdam ko ay ilang beses akong binalian ng buto. "'Yan ay para sa mga ginawa mong kagaguhan sa mga kagaya kong inosente at walang alam sa 'yo!" Sigaw niya, gigil na gigil lang siya. All I can do is to cry ans cry because of the pain I am feeling right now. Parang kumakawala sa akin ang diwa at kaluluwa ko.
"Ito?! Para sa ito sa sakit na ginawa mo sa akin... hindi lang sa katawan ko kundi pati na rin sa mga katauhan ko!" Sigaw niya. Isang hampas sa aking likod ang nakuha ko mula sa kaniya. Napabuga ako ng dugo dahil sa kaniyang ginawa.
Lumabas ang dugo mula sa aking bibig at ilong habang patuloy niya akong pinaghahampas ng mga bagay na nahahawakan niya. Wala akong magawa! Nawalan ako ng lakas! Gusto kong manlaban ngunit naging malakas ang mga pumipimigil sa akin ngayon. Wala siyang tinira sa akin, lahat ng mga parte sa katawan ko ay nakaranas ng mga sakit. Ngayon pa lamang ako nakakita ng ganitong klase nang tao.
Napaluhod na lang ako sa sahig nang matapos niya akong bugbugin. Nagawa niya pa akong duraan sa ulo. Ramdam ko ngayon ang panggigigil niya sa akin. Ramdam ko ang nag-aapoy na galit niya na kung saan ay halos wala na akong alam na pwedeng ibuhos sa kaniya para mapalamig siya. Para akong naliligo sa sarili kong dugo habang umiiyak ako.
"Gago! You deserve that! Kulang pa 'yan! Kung pwede lang kitang patayin ngayon! Gagawin ko!" Nanggigigil na sabi niya habang sinasakmal ang aking bibig. Napahagulgol na lang ako. Panginoon... tapusin niyo na po ang lahat ng ito... kung ito ang kabayaran sa lahat... kukuhanin ko na pero sana po ay huwag niyo po muna akong hahayaang sumuko na lang basta-basta.
"Yakie!" Kenji called me. "Lumaban ka naman! Yakie, alam kong kaya mo 'yan. Alam kong gagawin mo ang lahat para makaalis tayo rito. Shishūta, fight for us..."
Tila gantilyo iyon ng baril na siyang tumama sa akin. Nabuhayan ang aking galit, nawala lahat ng sakit na iniinda ko kanina. Nawala ang mga hapdi ng mga sugat ko. Yumuko ako at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam kung paano ko nagawa. Nawalan ng emosyon ang aking mukha. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha. Umakyat sa aking mukha ang kuryente ng galit ko. I composed myself. Kinuyom ko ang aking mga kamay at buong lakas na tumayo para bigyan ng isang malakas na sipa si Dominic sa mukha.
Napaatras agad siya at nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang bibig. Sinunod ko naman ang mga tauhan niyang sabay-sabay na umatake sa akin. Ang tanging maganda ko lang na naaninag ay ang pagkawala ni Kenji mula sa pagkakatali sa kaniya. Sipa roon... sipa rito, suntok doon... suntok dito. Iyan ang mga naging enkwentro namin ng mga tao rito. I am about to punch the man's face when a person grabbed my hair tightly.
Umatras ako at alam ko na kung sino ang lalaking 'yon. Mayroong malamig na bagay na tumatama sa aking leeg. Kutsilyo iyon. Napapikit na lang ako, baka gilitan ako ng lalaking ito. Kinuyom kong muli ang aking mga kamay... hindi. Hinding hindi niyo na ako masasaktan pa.
"Hindi ako papayag na pagtulungan niyo ulit ako... Hindi ako papayag na saktan niyo ako... Hindi papayag si Heira na masaktan pa." Patuloy na bumabalik sa isipan ko ang mga salitang iyon. I mumbled them until I saw myself defending my body. Umikot ako at hinawakan ang palapulsuan ni Dominic.
Ngunit agad niya akong naitulak. Nakakita ako ng isang tubo at iyon ang nagamit kong pansalag mula sa pag-atake ng kaniyang kutsilyo. Parehas kaming galit ngayon. I gave him the most dangerous smile I never give on someone. Ngayon pa lang ako naging ganito karahas. Mayroon akong mga natamong sugat... malalim na sugat dahil sa talim ng kutsilyo.
"Hindi ako papayag na pagtulungan niyo ulit ako... Hindi ako papayag na saktan niyo ako... Hindi papayag si Heira na masaktan pa." Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi habang nakatingin sa kaniya.
"Baliw ka ng babae ka!" Sigaw niya. Masamang titig ang ipinukol ko sa kaniya. "Siraulo ka! Baliw! You're such a crazy woman!"
Dahan-dahang umangat ang gilid ng aking labi. Kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. I smirked. Unti-unti akong lumapit sa kaniya, siya naman itong umatras ng umatras.
"Kung baliw ako... ano ka sa tingin mo? Takas sa mental?" Tanong ko sa kaniya kaya mas lalo siyang umambang aatakihin ako. "Sinasabi ko na sa 'yo, wala ka ring laban sa akin kapag nakawala ako. Matapang ka lang naman dahil nakatali ako." Muli akong humakbang, akmang susugurin ko na siya ng marinig ko ang pagsigaw ni Kenji.
Agad akong napalingon sa kaniya at nakita kong nasa sahig na siya at namamalipit sa sahig. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang sipain ako ng malakas ni Dominic, dahilan para tumimbawang ako sa sahig. Nabitawan ko ang aking hawak, siya naman itong pinagsisipa ako sa aking tiyan. Tuluyan na akong nanghina at parang nawawalan na ng paghinga. Binunot niya sa kaniyang bulsa ang isang baril.
"Hindi ko hahayaang makaalis ka ng buhay rito. You better die than being happy with your family, Heya."
Ngunit bago niya pa makalabit ang baril ay bumukas ang pinto at sunod-sunod na ingay ang narinig ko. Isang tawag sa pangalan ko ang umugong sa aking pandinig bago ako tuluyang nawalan ng malay. I hope this is end...
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 248
Magsimula sa umpisa
