"Hindi mo naman sinabi sa aking super hero ka na pala ngayon?" Dominic sarcastically said. Pinawala ko sa aking mukha ang emosyon ko. I am looking at him coldly but deadly. Kung kaya ko lang siyang sapakin ngayon ay nagawa ko na. His laughs. His smiles... too devilish!

"Ang usapan nating lahat ay ako lang! Ako lang ang sasaktan niyo! Huwag niyong idadamay ang bata sa kawalang-hiyaan ninyo. Mga gago kayo!" Hindi ko na mapigilan pa ang humagulgol habang nagpupumiglas sa mga hawak ng dalawang tauhan niya. Nakatali ang dalawa kong kamay habang nakahawak sa dalawa kong braso ang mga tauhan niya.

"Usapan lang naman 'yon pero wala naman akong sinabing tutuparin ko. Hindi na sana namin gagawin 'yon pero pinilit niya kaming gawin sa kaniya 'yon. Siya rin ang makulit kaya siya ang sisihin mo." Sagot niya sa akin. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

"Paano mo nagagawa ang lahat ng ito? Nagpacheck-up ka na sa doctor? Nakita mo na ba na mayro'n kang puso ha?! Sa mga ginagawa mo ay parang puro apdo na langa ng mayroon ka!" Masyado ka kasing mapait!

Ngumisi siya at hinawakan ang aking panga at iniharap sa kaniya. Napapikit agad ako dahil sa higpit ng pagkakasakmal niya. Malambot ang mga kamay niya pero... masyadong marahas at madumi ang mga iyon! Masyado na siyang walang hiya. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawa na ganito noon. Ni wala nga akong halos mapatay sa mga kalokohan ko pero tignan niyo! Heto ako at halos malagutan na ng hininga dahil sa paghihirap na binibigay nila.

"Wala ka rin namang puso noon, Heya. Ngayon ka lang naman tinubuan ng kabutihan sa budhi mo. Pero noong nasa Sta. Luiciana ka pa ay katulad lang din kita! Wala ka ring puso kagaya ko. Kaya huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganiyan dahil binabalik ko lang kung ano man ang mga ginawa mo noon!" Sigaw niya sa pagmumukha ko bago niya ako pabiglang binitawan. Napayuko ako at bumagsak ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha.

Bumilis ang aking paghinga at umusbong ang galit ko sa kaniya. Akala ko ay kaya kong tanggapin lahat ng mga pagpapahirap at galit niya sa akin pero ngayon, sumusobra na siya. Kung sinapak ko siya noon, labis naman na ata ang ginagawa niya ngayon. Hindi pa ba sapat na bugbog sarado na ako ngayon? Dalawang araw pa lang ang nakakalipas noong huli nila akong ginawang punching bag!

"Mayroon akong puso, Dominic..." Saad ko. Natigilan siya at gulat na tumingin sa akin. Sa likod ng suot niyang maskara ay ramdam ko ang takot niya na tila ba natauhan dahil alam ko ang kaniyang pangalan. "Hindi ako kagaya mo na mamatay tao! Na nanakit ng iba para lang maging masaya. Ako! Nanakit ako ng iba dahil I have a trauma from my past! Kung totoong kilala mo ako ay malalaman mo iyon!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi mo na ako malilinlang pa, Heya. Hinding-hindi na! Hindi na ako tangang tao na nagbubulag-bulagan sa mga kasamaan mo. Hindi ko nga alam kung bakit ka pa nagkaroon ng kaibigan bukod kay Zycheia, e napakasama at napakatangina mong babae ka!"

"E 'di ako na itong masama dahil lang sa nagawa ko noon! Ako na itong demonyo dahil nagawa kong pahirapan ang mga walang muwang na tao. Ako na ang pinakawalang hiyang babae! Iyan ba ang gusto mong marinig mula sa akin ha?! Ayan! Narinig mo na! Narinig mo ng gago ka!" I shouted on the top of my lungs.

Hindi siya sumagot. Nakita ko kung paano nagliyab ang kaniyang mga mata sa galit at naging madilim ang mukha niya na para bang ano man oras ay magagawa niya akong patayin. Nandidilim ang paningin ko sa kaniya dahil sa galit ko. Kapag nakatakas ako rito ay hindi pwedeng hindi ko mabali ang mga buto niya. Walang kwenta ang paghingi ko ng tawad kung demonyo rin naman ang nasa harapan ko. Masama na kung masama pero iniligtas ko lang naman sa kapahamakan si Kenji.

Mayroon siyang sinenyas sa mga tauhan niya. Naramdaman ko na lang ang unti-unti nilang pag-angat sa akin mula sa upuan. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang mahigpit ang hawak nila sa akin. Kumuha ng dos por dos si Dominic at walang anu-ano niyang inihampas iyon sa aking tiyan. Napaatras agad ako dahil sa lakas ng impact noon sa akin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon