"Hindi ko naman ginusto 'to, Ji. Hindi bale sana kung ako lang mag-isa ang haharap sa kanila pero kung ikaw? Kung ikaw ang kasama ko? Sa tingin mo ba ay kaya ko pa ha?!" Tuluyan na akong humagulgol. Siya naman ay patagong humihikbi. "Tangina... pagod na rin naman akong lumaban pa, pagod na pagod na pagod na akong saluhin lahat ng sakit pero tinitiis ko dahil gusto kong ilayo ka sa kanila. Gusto kong maging ligtas ka habang narito tayo." Pabulong na saad ko. Rinig ko rin ang kaniyang mga paghagulgol.

"Yakie... hindi mo naman kailangang intindihin pa ako. Kaya ko ring lumaban sa kanila. Kaya ko rin naman! Kaya nating dalawang makaalis dito. Hindi mo kailangang ibuwis pa lahat para lang hindi nila ako saktan." Aniya. Marahas akong umiling sa kaniyang sinabi.

"Hindi ko iyon pwedeng gawin, Ji. Galit siya sa akin... galit sila sa akin dahil sa mga nagawa ko noon and I fucking deserve all their hatred. All their burning angers. Sinasaktan nila ako ngayon dahil sinaktan ko sila noon. Ito na 'yung ganti nila sa akin. Binibigay lang nilang muli ang mga sakit na binigay ko sa kanila noon. Pagkatapos nito... alam kong magiging ayos na ang lahat. Sigurado akong mapapatawad na nila ako pagkatapos ng lahat ng ito." Paliwanag ko sa kaniya.

"Magtitiis ka? Hindi naman kasi sapat 'yung galit nila sa 'yo para ganituhin ka nila. Oo! Galit sila sa 'yo pero... bakit ganito sila? Ano ba ang mga ginawa mo noon sa kanila para gantihan ka nila ng ganito?" Umiiyak na tanong niya sa akin. Inilagay ko ang likod ng palad ko sa aking mga mata at doon umiyak. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano nga ba ang mga nagawa ko noon sa kanila para parusahan nila ako ng ganito.

Did I messed up with their privacy? Did I do something that affected their lives? Hindi ko alam. Wala akong ideya sa lahat ng ito. Ang tanging alam ko lang ay galit sila sa akin, mayroong malalim na pinanghuhugutan ang lahat ng mga pagkamuhi nila sa akin. Ngayon, buong-buo kong tinatanggap lahat ng iyon. Kung pananakit at pagpapahirap ang tangging magagwa nila para makuha ang kapatawaran nila, bakit hindi ko iyon kukunin? It's my chance to prove myself to them... na nagbago na ako.

Tahimik na kumain si Kenji. Sa isang sulok ay doon siya kumakain habang lumuluha. Sa tuwing kakausapin ko siya ay hindi siya sumasagot. Alam kong may pagtatampo rin siya sa akin. Alam kong hindi siya sang-ayon sa mga sinagot ko sa kaniya kanina. Ang nagawa ko lang ay ang humagulgol habang iniisip ang lahat ng ito. Mukhang malas talaga ako sa buhay ko ngayon kaya ito nangyayari sa akin.

Para kaming mga bilanggo sa iisang selda na walang ibang tao kundi kami lang. Ang mumumunting ilaw lang ang nagsisilbi naming liwanag. Ni hindi na nga namin alam kung ano pa ba ang mga pwedeng mangyari kapag lumabas kami sa lugar na ito. Parang naghihintay na lang kami ng sentensya namin... death penalty para matapos na ang lahat. Hindi na ako dinalaw ng gutom o ng antok dahil ano mang oras ay ilalabas na naman nila kami rito para ipanood kay Kenji ang pagpapahirap nila sa 'kin.

Hindi naman na ako nagkamali sa aking hinala. Pagkatapos kumain ni Kenji ay nakapagpahinga lang siya saglit bago pumasok ang mga tauhan ni Dominic. Biglaan nila kaming kinuha at tinali ang bibig saka ang kamay. Binalik nila kami sa lugar kung saan nila kami tinali nang nakatayo. Ngunit ngayon, si Kenji lang ang ginapos nila. Ako itong pinaupo nila sa upuan at binantayang mabuti. Sumisigaw ako pero dahil sa busal ko sa bibig, walang salita ang kumakawala sa akin.

Kenji tried to kick them but he didn't accomplish. Ni hindi niya nga nagawang abutin ang mga lalaki, napahiyaw na lang ako nang hampasin nila ang kaniyang binti. Pinag-usapan na namin 'to ah! Ako lang ang sasaktan nila. Hindi si Kenji! Napakawalang hiya nilang lahat!

"Tama na!" Sigaw ko nang alisin na ni Dominic ang takip sa aking bibig. "Tangina, tama na! 'Yung pananakit niyo sa akin kaya ko pa pero kapag siya na! Tangina niyong lahat!" Sigaw ko sa kanila. Kita ko ang iniindang sakit ni Kenji ngayon dahil sa natamo niyang hampas mula sa mga gagong 'to.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin