Diyos ko... hanggang kailan po ba itong paghihirap ko na ito? Parang hindi na namin nakikita ang mga sarili naming nakaalis ng buhay sa lugar na ito. Tumingala ako upang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Sina Mommy, nag-aalala na sila niyan sa akin. Hindi na naman sila nakakatulog dahil sa kapasawayan ko. Sina Kayden at ang mga hudlong. Alam kong kinagagalitan na naman niyan nila si Maurence kasi pinabayaan niya kami. Si Jaxon... ewan ko kung buhay pa ba 'yon pero ilang beses niya na rin ako iniligtas sa mga kaaway ko.
Tuluyan ng kumawala ang mga luhang pinipigilan ko. Yumuko ako at pinunasan iyon. I miss them so much... I miss the bond we always have. I miss my family, my friends, my bike and my school. I miss everything I have before. Ilang araw na ba kami rito? Para kaming mga stranded sa isang isla at hindi alam kung paano makakabalik kung saan talaga kami nakatira. Ang hirap na nito... isang karma na naman ang nakasagupa ko.
Akmang isasara ko na muli ang bintana ng may maaninag akong isang pamilyar na tao sa may daan. Nakapamaywang siya habang lumilinga sa paligid at mayroong tinatawagan. It's Adriel! Siya 'yon! Siya nga. Naroon siya sa may daan, malapit lang sa gate ng bahay na ito, naroon siya sa may poste at parang may tinitignan. Kinalabog ko ang glass na ito pero hindi ako sumigaw, baka marinig ako ng mga naroon sa ibaba, hindi ko naman pwedeng hayaang masira ang pagkakaton na ito.
Kinalabog ko ng kinalabog ang salamin at nagbakasaling maririnig at makikita niya ako ngayon. Nabuhayan ang pag-asa ko nang lumingon siya sa gawi ko. Tumabingi ang kaniyang ulo at kumunot ang noo. Pinagmasdan niya lang ako at para bang may sinisipat. Pinagpatuloy ko lang pangangalabog ngunit parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang nagkibit balikat lang siya at bumalik sa pagcecellphone niya. Ilang saglit lang ay tuluyan na siyang umalis.
Stupid, Adi! Sasakalin talaga kita kapag nakalabas na ako rito! Hindi mo ba ako nakita ha?! Hindi mo ba napapansin na may tao rito?! Siguro hindi mo na naman ako nakita dahil sa pamamaga ng mukha ko! Nang hindi ko na siya makita ay saka ako tuluyang nanlambot at napaupo na lang sa sahig at doon na humagulgol. Abot kamay ko na ang susi para makatakas kami sa lugar na ito pero pinagkait na naman ng pagkakataon!
Tangina, wala na ba talagang pag-asa?!
————————————————
ADRIEL'S POV
Ilang araw na naming hinahanap si Heira dahil... nawawala siya. Maging si Kenji ay hindi na rin namin makita. Nag-aalala na ang Lola at Lolo niya. Mayroon kaming mga tinawag na tao para lang tulungan kami sa paghahanap sa dalawa. I was no longer able to sleep because I was worried about where they were! Nasapo ko ang aking noo nang hindi pa rin namin sila mahanap matapos ang tatlong araw.
"Tita... have you reported them at the police?" I asked the mother of Heira. Maging sila ay nag-aalala na rin sa kapakanan ng anak niya. Walang araw na pumunta kami rito na hindi siya umiiyak. The father of Heira is always on her side dahil palaging nawawalan ng malay si Tita.
"Yes... yes... they are doing their best to find my daughter and the friend of my daughter." She answered between her sobs.
Naaawa na rin ako sa kalagayan niya ngayon, kung narito lang si Heira ay baka mapigilan niya pa ang kaniyang ina mula sa pag-iyak ng malakas. Hindi na rin daw kumakain si Tita, mayroon ding mga nakaagapay na doctor kung sakali mang mayroong mangyaring hindi maganda. Hope no one pleases like that.
"We'll do everything to find, Heira, Tita. Just don't... let yourself drown in tears. Magagalit si Heira kapag nakita niya kayong ganiyan." Sabi ko, hindi siya sumagot sa akin. Nag-iwas siya ng tingin. I let out a heavy sight before stepping out of the living room. Pumasok ako sa isang kwarto kung saan palagi kaming nagkikita-kita para mapag-usapan ang gagawin namin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 247
Start from the beginning
