Unti-unting nilang inaalis at kinakalag ang mga tali sa aking mga paa at kamay. Kung paano ang posisyon ko habang nakatayo ako ay ganoon din ang posisyon ko hanggang sa makawala ako sa mga tali. Dahil sa kawalan ko ng lakas at muntikan na akong matumba kung hindi lang ako sinapo ni Kuya Charles. Binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas.
Pinikit ko na ang mga mata ko matapos kong makita na kinalagan na rin nila si Kenji. Tuluyan ng bumagsak ang aking katawan at nagpatianod na lang sa mga pwersa sa paligid. Naramdaman ko na lang ang paglalakad ni Kuya Charles, umakyat kami sa second floor ng bahay. Nakikita ko lang ay ang sahig ng mansion. Mayroon silang binuksan na isang kwarto. Maingat akong inihiga ni Kuya Charles sa kama at hinaplos ang aking pisngi.
"Pasensya ka na... kung hindi kita natulungan. Hindi mo dapat nakuha ang lahat ng sakit na iyon. Kung may magagawa lang talaga ako..." Umiling-iling siya bago niya ako tuluyang iniwan doon. Kandado ang narinig ko pagkatapos noon.
All I heard are the sobs and cries of Kenji. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako, kung kaya ko pa ba, kung anong nararamdaman ko ngayon... kung buhay pa raw ba ako. Umupo siya sa tabi ko, ako itong nakahiga sa isang malaking kama. Malambot. Tangging electric fan, kama, banyo at upuan lang ang narito sa loob ng kwartong ito. Maliit na ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"W-wala bang m-masakit sa 'yo?" Tanong ko kay Kenji. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto. Walang kumot, walang unan. Parang bodega lang ang lugar na ito. "S-sinaktan ka ba nila?" Tanong kong muli sa kaniya. Hindi ko siya kayang tignan man lang dahil ayaw kong makita niyang nasasaktan ako.
"Wala... Yakie naman, bakit hindi ka lumaban sa kanila? Bakit hinayaan mo silang ganituhin ka?" Umiiyak na tanong niya sa akin. Sinubukan niya akong hawakan pero naiiwan din ang kaniyang mga kamay sa ere. Natatakot siyang masaktan din niya ako.
"Wala akong lakas p-para lumaban... h-hindi ko kayang gumalaw ng m-maayos dahil nakatali ako..." Paliwanag ko sa kaniya. Pinigilan ko ang magpakawala ng mga hikbi. "M-mabuti naman na hindi ka nila sinaktan... ayos lang sa akin... I deserve all this pain.. all this bruises, and wounds. Ayos lang sa akin basta ligtas ka."
"Yakie! Sa tingin mo ba ay makakaya kong tignan kang ganiyan? Kung... kung ikaw nakayanan mo, ako hindi... paano kapag hindi mo natiis ang lahat at bumigay ang katawan mo?" Tuluyan na siyang humagulgol. Dahil doon, nag-init ang aking mga mata pero I did everything just to stop my tears to flow down.
"Hindi iyon m-mangyayari... h-hindi ko hahayaan na... mawala ako ng h-hindi ko nasisigurong ligtas ka." Bulong ko sa kaniya. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para hindi niya makita ang pagdaan ng sakit doon.
"Yakie... hindi ko kayang mawala ka. Ikaw lang ang nagsisilbing ate sa akin... my sister isn't good as you. Hindi mo siya kagaya." Pag-iyak niya. I smiled. It made my day. Kahit iyon lang ang narinig ko mula sa kaniya. Masaya na ako. "At isa pa... papatayin ako ni Master Kayden kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo."
"All this time... sa kaniya ka pala natatakot, 'no?" I said sarcastically. "Huwag mo ng iisipin ang K-kulapo na 'yun... m-mukhang wala naman na s-siyang balak iligtas tayo... tayong dalawa..." I uttered. I trust Kayden and Kio, even Jaxon. I know that they are now finding us. Pero hanggang kailan kami maghihintay na mahanap nila kami? Kapag ba tuluyan na akong sumuko? Kapag ba tuluyan na akong nanghina?
"May magagawa pa si Master Kayden, Yakie! Gagawin niya ang lahat mailigtas lang tayo. Maalis lang tayo sa lugar na 'to." Sagot naman niya at suminghot. May halong sipon pa talaga, e 'no, Ji?
"Paano mo naman nasabi 'yan? Alam kong umaaksyon na siya kasama ang mga hudlong pero... kita m-mo naman... apat na araw na t-tayo rito pero ni hibla ng buhok nila a-ay wala t-tayong makita." Sagot ko sa kaniya. Bilang ko ang mga araw na namalagi kami rito.
Apat na araw at limang gabi ng paghihirap.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko na lang si Kenji na magsalita at magkwento. Ito ang kwento na matagal ko ng gustong marinig sa kaniya.
"Nung araw na... t-tinatanong mo ako... k-kung ano ang nangyari at bakit may s-sugat ako." Panimula niya at suminghap. Nanatili akong nakapapikit. Ito lang ang kaya kong gawin para maibsan ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.
Ang sakit! Ang sakit ng mga sugat ko. Ramdam ko pa rin ang mga paghampas nila, para nayayamos na ang aking katawan. Tila ba gusto ng humiwalay ng kaluluwa ko sa aking katawan. Ni hindi ko na magawang gumalaw pa dahil sa simpleng paggalaw lang ng mga daliri ko, parang mayroong kuryenteng dumadaloy sa akin.
"Sina Ate at Kuya." Roon pa lang ay napasinghap na ako dahilan para manikip ang dibdib ko. "Sa tuwing kasama ko sila sa bahay... palagi silang nagagalit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. I am the youngest among the group... pero hindi ko man lang naramdaman na espesyal ako sa kanila... kaya ayaw kong mawala ka dahil ikaw... sa 'yo ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang ate."
I haven't noticed that my tears flows down to my eyes and senses. Ji, ginagawa ko iyon dahil mahalaga ka sa akin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 246
Start from the beginning
