I saw how his eyes turned into dark. Burning eyes. Iyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Puno ng galit. Kahit ako ay ganoon din ang nararamdaman ko ngayon sa mga lalaking ito. Sino nga bang hindi magagalit kung... mayroong magtanggal ng lakas mo kahit wala ka namang ginagawa sa kanila?

Sa amo nila ako may atraso, hindi naman sa mga bastardong ito. Bakit sila ang nananakit sa akin? Bakit sila ang nagpapahirap sa akin? Kung makita man ako ni Dominic na ganito ang sitwasyon ko, magiging masaya ba siya? Do he can get the validation he want? Iyon ba talaga ang gusto niya? Galit siya sa akin e! Malamang sa malamang ay halos isumpa na niya ako noon. The man is about to hit me again when Dominic and Filideya came. Suot na naman nila ang kulay itim nilang mga damit.

Agad kong nakita ang mga ngisi nila sa mukha. Of course they are happy now as they can see me suffering from pain. Noon... hindi ko nagagawang maging masaya kapag nasasaktan ko ang iba because I am not that ruthless as them! Ano nga ba ang magagawa ng galit? Marami... puro masasama ang mga iyon. Ngunit kahit na ganito ang ginagawa nila sa akin ay hindi ko pa ring magawang... gantihan sila because I understand them well.

Ginagawa lang nila ito dahil nasaktan din sila noon. Ginagawa nila ito kasi galit sila sa akin dahil sa nagawa ko sa kanila noon. Ginagawa nila ito dahil gusto nilang pagdaanan ko ang mga naranasan nila noon. They are giving me the vengeance... the revenge they want. Kasalanan ko ang lahat, kung sana ay pinag-isipan ko ng mabuti ang mga ginagawa ko noon ay baka ayos lang ang lahat ngayon.

"Mukha ka ng bugbog na baligtad na kamatis. What a shit." Filideya laughed at me. Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan, mula ulo hanggang paa atsaka ngumiwi. Sino ba naman ang hindi magmumukhang lamog kung ilang beses kang pinaghahampas hindi ba?

"That's enough for now... hayaan niyo muna siyang magkaroon ng lakas ulit bago niyo siya parusahan muli." Ani Dominic saka bumaling sa akin. "Ikaw... magpalakas ka muna, Heya. Paulit-ulit kitang papahirapan... paulit-ulit kitang dudurugin hanggang sa magmakaawa ka na lang sa akin na patayin na lang kita."

"B-bakit hindi mo na lang ako patayin? B-bakit kailangan mo pa akong unti-untiin?" I almost whispered. Mayroong tumutulong dugo mula sa aking kilay, ilong at bibig. Tumawa naman siya ng malakas.

"Para maramdaman ang galit ng inapi!" Sagot niya. Muntikan pa akong matawa, galing ba 'yon sa palabas? "Hindi kita papatayin ngayon, gusto kong magdusa ka... gusto kong saktan lahat ng parte ng katawan mo, maging ang mga ugat mo sa katawan! Wala akong ititira sa 'yo. You don't fucking deserve to be live happily! Kahit saan ka man ay mahahanap kita. Kahit saan ka magpunta, kahit magtago ka pa!"

"You don't even deserve to live, Heya. Hindi ka na dapat pang mabuhay dahil salot ka sa lipunan." Ani Filideya. She's the woman always come here just to kick my ass or my stomach. Iyon lang ang palagi niyang pinupunta rito. Kapag tapos na siya ay saka siya aalis.

"Sige na. Kalagan niyo silang dalawa. Wait for my signal. Ikulong niyo silang mabuti sa isang kwarto rito sa bahay, siguraduhin niyo lang na hindi sila makakatakas dahil kapag nangyari iyon, papasabugin ko ang mga ulo ninyo!" Utos ni Dominic bago sila tuluyang umalis na.

Nabuhayan ako ng pag-asa. Matapos ang apat na araw na pagkakatayo. Magagawa ko na rin ang umupo at humiga, kahit iyon lang, I will feel relieve when that happens. Ilang minuto ang hinintay namin hanggang sa marinig na namin ang pag-andar ng mga sasakyan, signal iyon na umalis na sila. Bumibilis ang aking paghinga. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit sa katawan ko.

"Napakaswerte mo, Heya. Akalain mo, nagawa pa ni Boss na pakawalan ka muna saglit. Akala ko pa naman ay tuloy-tuloy na e!" Anang isa. Wala na akong lakas pa para sumagot sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now