Wala na akong makitang maayos dahil ramdam ko ang pamamanhid ng mga talukap ng mga mata ko, tila ba babagsak na ang mga ito sa isang pitik lang. Ang mga hapdi sa aking kilay at labi ay nararamdaman ko na rin dahil alam kong putok na ang mga ilo. Kulang na lang ay gilitan nila ako ng buhay dahil sa galit nila. Pinapanalangin ko na sana ay huwag silang makitang baril o kutsilyo na kayang mapadali at mapaikli ang buhay ko.

I heard them laughed. Mga halakhak na palaging umuugong sa aking pandinig. Paulit-ulit, nakakademonyo na. Ayaw ko ng marinig pa ang mga iyon... ayaw ko na. Pumikit ako ng mariin. Bakit ba ang lakas ng epekto ng mga tawa nila sa akin? Parang nanghihina ako at unti-unti akong nawawala sa sarili. Ayaw kong palabasin ang kabilang katauhan ko dahil alam ko... magiging bayolente ako at magiging malala lang ang mga nangyayari ngayon.

Kuya Charles is just staring at us. Hindi niya nagawang lumapit sa amin dahil sinabi niya na kahit na anong mangyari ay hindi niya kami magagawang saktan. Kaya nanatili lang siya sa lamesa sa may kalayuan habang pinapanood niya kaming nasasaktan ngayon... kung hindi man niya kami napakawalan, naiintindihan ko pa rin siya dahil alam kong ginagawa niya lamang iyon para sa trabaho niya. I am still glad that he never tried to punch or to hurt us. Sa kaniya ko na lamang ibibigay ang kapakanan ni Kenji. Sana ay maitakas niya ang lalaki.

I saw his apologetic but sad smiles. Kung may lakas lang ako ay kakayanin ko pang ngumiti sa kaniya pabalik. Siguro ay dahil tatay na rin siya kaya hindi niya kami magawang pagbuhatan ng kamay. He's just an employee and his employer is the son of Satan. Kuya Charles... alam kong mabuti ka, sana ay huwag mo ng ipagpatuloy pa ang lahat ng ito. Sana ay huli na ito.

"Tama na? Wala pang sinasabi si Boss na tama na... hangga't pwede pa ay... gagawin ka naming palasuntukan. Wala kaming pakialam kung babae ka... nag-eenjoy pa kami!" Pagtawa nung isa na palaging amoy alak at sigarilyo. Masunog sana ang baga mo!

"Hindi ko na po kaya... kung... kung may a-awa pa... k-kayo... pakiusap... nagmamakaawa na ako... tama na po." Pakiusap ko pa habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Halos hindi ko na nga makilala ang boses ko. I can barely talk. Nahihirapan na rin ako sa pagsasalita ko.

"Paano kung ayaw namin?" Gigil na sabi nung isa habang hawak ang aking panga at marahas niya akong ihinarap sa kaniya. Inangat niya ang aking mukha. "Bata, ito ang trabaho namin... ito ang nagbibigay sa amin ng pera... ikaw ba? Kapag ba sinunod ka namin mabibigyan mo ba ako ng kwarta? Hindi naman! Kaya bakit kita susundan? Walang utak!" Gamit ang kaniyang daliri ay pinaduldulan niya iyon sa aking sentido. Napaatras ang aking ulo.

"M-masakit na po..." Hindi ko inaasahan na iiyak ako ng ganito sa harapan ng mga tao. Nagmamakaawa na ako kasi sumusuko na ako! Mayroon ding limitasyon ang lakas ko! Tumawa lang sila sa pagmamakaawa ko. May ganito pa lang tao... masyadong nagiging masama dahil sa pera.

Bakit ganoon? Kapag pera na ang pinag-uusapan bigla na lang nagbabago ang isang tao? Can't they remain the natural them? Hindi ba nila magawang maging mabuting tao kahit na mayroong kagipitan sa pera? Maraming mga trabaho ang naghihintay sa kanila pero mas pinili nila itong ilegal at nakakasama, hindi lang sa kanila kundi pati na rin sa mga nagiging biktima nila.

Kenji is just crying while begging this men to stop beating me. Sinubukan niyang sipain ang mga lalaking ito, nagpupumiglas siya ngunit mayroong dalawang lalaki ang humawak sa kaniyang mga binti at tinali iyon sa isang upuang metal kaya hindi niya na ito magalaw pa. All he can do is to give them his angriness, his screams and shouts. Iyon na ang pinakamadilim at masakit na pangyayari sa buhay ko.

Seeing him crying because of me makes my heart to tear into pieces. He became a little brother to me. Kaya nga palagi ko siyang inaalagaan dahil pakiramdam ko... nagkakakapatid ako sa kaniya... nakababatang kapatid. Ginawa niya ang lahat para pigilan ang mga lalaking ito pero wala rin siyang magawa. I know that he was hurting too... naging malapit na rin ako sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Onde histórias criam vida. Descubra agora