I am looking at them expressionless. Ano na naman kaya ang gagawin nila sa akin ngayon? Nakamaskara na naman si Dominic Takisito. Akala mo naman ay hindi ko siya makikilala, I have your ID, hell you! Lumapit siya sa akin dala ang saklay niya. Ngayon ay parang maliwanag sa kaniyang mukha, is he giving me a good news?
"Oh, kamusta ka naman d'yan?" Natatawang sabi niya pero wala namang nakakatawa roon. Umakto akong walang narinig. Dumada ka lang ng dumada r'yan, wala akong pakialam sa mga sinasabi mo.
"He's talking to you, Heya!" Hiyaw noong isang babae. Napanting ang tainga ko, parang mayroong karayom ang dumaan sa eardrums ko, ang nipis at talim ng boses niya. Ang sakit sa tainga. Funny isn't it? Kilala nila ako pero ako... hindi ko sila kilala, kahit pangalan o mukha man lang nila ay hindi ko makilala.
"Ay, kinakausap ba niya ako?" Sarcastic kong tanong sa kaniya. "Pasensya na, hindi kasi ako nakakarinig ng mga boses daga." Dagdag ko pa. Mukhang pagsisisihan ko na naman ang pagiging bitch ko ngayon. Dapat ay nanahimik na lang ako. Napakadaldal kasi, Heira!
"What the fuck did you say?" Inis na sabi nung Dominic. Kalaking tao napakapikunin. Isang beses ko pa lang siyang inasar, pikon na kaagad. Hindi pala kami pwedeng maging close ng lalaking 'to. Hindi siya kaugali ng mga hudlong.
"Go, Yakie. Kaya mo 'yan." Kenji cheered me up. Tumawa na lang ako, kapag ikaw niyan ang namataan ng mga suntok nila, tiklop kang bata ka. 'Yung isang babae naman ay lumapit sa kaniya, akmang sasabunutan niya na siya nang pamulahanan siya dahil sa pagkindat sa kaniya ni Kenji. Psh! Love at first sight ang tangina.
"Sabi ko... hindi ko kasi nagrinig, ulitin mo na lang para marinig ko." Nanunuyang sabi ko kay Dominic Takisito. Mas lumapit pa siya sa akin at dinakma ang aking pisngi. Napangiwi agad ako dahil sa sakit. Ang hapdi noon sa pisngi.
"Huwag na huwag mo akong kakausapin ng ganiyan dahil una sa laha—!"
"Una sa lahat, hindi tayo close gano'n?" Pagpuputol ko sa sinabi niya, nahirapan pa akong magsalita dahil hawak niya ang aking mga pisngi. Inangat niya ang aking mukha, nakatingala na ako ngayon. Tinatawanan naman ako ng mga tao sa likod niya. Kayo kaya ang ganituhin ko, mga bonakid kayo!
"Fuck your words, Heya. Wala ka na ngayon sa kalingkingan namin! Hindi mo na kami kayang hawakan ko saktan man lang dahil hindi rin kami papayag na gawin mo 'yon sa amin!" Aniya at mas lalong hinigpitan ang kaniyang hawak sa akin. Paano ko naman iyon magagawa e nakagapos nga ako, paano ko naman sila mahahawakan kung nakatali ang mga kamay ko?
"Ano?! Magsalita ka! Lumaban ka!" Sigaw noong isang babae, kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yung sumipa sa akin noong isang araw. Siraulong babae 'to. Siya kaya ang sakmalin ko at sabihin kong magsalita siya. Magagawa kay niya? Gago ba siya? Binitawan ako ni Dominic at pinagpagan ang sarili niyang mga kamay. Nagtangis ang bagang ko. I gritted my teeth while looking at them sharply. Ang sakit noon.
"Oh, ano?! Lalaban ka? Lalaban ka? Kaya mo ba?" Ngumisi siya. Kaya ko, kung papakawalan mo ako ngayon. Kaya kong lumaban, kaya kong ubusin kayong lima kahit ako lang mag-isa. Ikaw lang naman itong duwag.
"May sinabi ba akong lalaban ako?" Ngumisi na naman ako sa kaniya. "Kung gusto mo pala ng bakbakan, pakawalan mo ako, ilock niyo lahat ng mga pwedeng labasan at takasan para hindi ako makawala. Kahit kayong lima pa ay kaya ko kayong patumbahin." Pagmamayabang ko. Dahil ang alam lang nila ay ang pananampal at paninipa. Hindi pa siguro sila nakapasok sa isang gulo na halos maubos na ang dugo.
"Kahit ano pa ang gawin mong pagmamayabang sa amin ay hindi namin iyon gagawin? At anong sinabi mo? Kaya mo kaming patumbahing lima. As if you can. You're such a little bitch! Matapang ka lang noon dahil wala kaming kaya sa 'yo." Anang isang babae. Mas napangisi tuloy ako.
"Matapang pa rin naman ako ngayon pero kayo? Wala pa rin kayong kaya sa akin mula noon... hanggang ngayon." Inasar ko sila kahit na walang emosyon ang aking mukha ngayon.
I am supposed to say sorry to them about what I did before. Kahit lumuhod pa ako para lang makuha ang kapatawaran nila ay gagawin pero kung ganito lang ang mga ginagawa at sinasabi nila... I am preserving my words until they are ready to listen to me. Sa ngayon ay alam kong sarado pa ang mg isipan nila dahil sa kanilang galit. Alam kong marami ang mga taong kinamumuhian ako because of my past.
But now! I am doing everything to make them right. Paano ako makakaalis sa masalimuot kong nakaraan kung sila mismo ang manghihila sa akin pabalik doon? I want to be a better person. Hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko noon pero sadyang matalino ang tadhana, kung kailan ako nagmomove-forward ay saka niya ibabalik ang lahat ng mga pangyayaring hindi ko natapos mula sa nakaraan.
"Tignan mo nga ang sarili mo ngayon. Nanghihina ka, para kang isang basang sisiw na walang magawa kundi ang sumilong na lang dahil sa panghihina." Ngumisi rin ang isa. Lumapit siya sa akin at sinampal ako. "Para 'yan sa kapatid kong isaksak mo ng ballpen." Aniya bago niya ako sinampal ng isang beses pa. "Para 'yan sa akin! Para 'yan sa mga ginawa mo noon... para 'yan sa paninira mo ng buhay ko... ng kinabukasan ko! Wala kang awa, Heya! Lahat ay nagawan mo ng masama." I felt a pang on my chest when I saw her crying. I looked away habang sinasalo ang mga sampal niya.
Siguro nga ay ito ang karma ko sa mga ginawa ko noon. Siguro nga ito na ang kabayaran sa mga reckless na ginawa ko... and that was their anger.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 245
Start from the beginning
