"Yakie naman ih... ang sama talaga ng bunganga mo!" Aniya, nagmamaktol pa ata siya.
"Mukhang gutom ka na talaga kaya ganoon ang napapanaginipan mo." Pagbibiro ko pa sa kaniya. Mas lumakas ang aking pagtawa nang marinig ko ang pagtunog ng kaniyang tiyan. "Kuya!" Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang lalaking palaging nagpapakain sa amin.
Luminga-linga ako sa paligid, doon ko lang nakitang siya lang ang nagbabantay sa amin. 'Yung mga buldog na nagbabantay sa amin ay wala, siguro bumili sila ng gin. Agad naman siyang lumapi sa amin dala ang isang platic. Amoy pa lang noon ay alam ko nang pagkain 'yon. He smiled at us. Well, among those men, he's the only with a pure and soft heart in the inside.
"Alam kong gutom na kayong dalawa. Pinakain ba nila kayo kagabi?" Tanong niya sa amin. Mami iyong binili niya, inilagay niya sa isang malaking mangkok. Umiling kaming dalawa ni Kenji. "Papakainin ko kayo ngayon, wala pa naman sila ngayon kaya hindi nila kayo makikita. May misyon silang dapat gawin." Paliwanag niya.
"Salamat po talaga! Hulog po kayo ng langit." Sabi ko sa kaniya. Tumawa naman siya. "Bakit po pala wala kayo kagabi? Kayo lang po ang hinihintay namin para makakin kami kasi alam naming hindi naman kami papakainin nung mga tuko na 'yun." Pagsusumbong ko sa kaniya.
"May ginawa lang ako. Kinailangan kong umuwi para sa pamilya ko. Nagsabi akong pakainin ka nila pero hindi nila ginawa. Mga walang hiya talaga." Napailing-iling na lang siya. Parang hinaplos ang puso ko. Kahit na ganito pala... iniisip niya pa rin ang kaniyang pamilya. Umalis siya saglit para kumuha ng mga kutsara pagbalik niya at umupo siya sa harapan namin, sa lamesa siya umupo.
"Hindi ko kayo kayang kalagan, hija, hijo. Iyon ang trabaho ko. Ayaw kong mapahamak tayo pare-pareho kaya pasensya na kayo kung nahihirapan kayo." Sabi niya sa amin. Hinipan niya ang sabaw saka sinubuan si Kenji, sunod naman ay ako.
"Ayos lang po iyon. Alam ko naman pong natatakot din kayo sa mga amo niyo. I know you are doing this because of your family, right?" Nakangiting saad ko. Pero... hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Pwede naman niya kaming pakawalan ngayon ay sabay-sabay kaming tatakas pero naiintindihan ko naman siya, kailangan niya ng pera.
"Oo. May sakit ang anak ko. Hindi naman ganito dati ang aking trabaho pero noong nagkagipitan na, wala akong pagpipilian kundi ang humawak at kumapit sa patalim." Mababang boses na sabi niya sa akin. Tumango-tango ako sa kaniya.
"Alam ko po. Hindi niyo naman po kailangang ipaliwanag sa amin ang lahat. Pero sana po... huwag po sana kayong maging kagaya nila na halos pumatay na ng tao para lang sa pera." Sabi ko sa kaniya bago niya ako subuan.
"Hindi ko kailanman ginawa ang pumatay. Alam ko ang pakiramdam ng namatayan, hanggang pagbabantay lang ang ginagawa ko. Hindi kaya ng konsensya ko ang kumitil ng buhay ng iba." Ngumiti siya sa akin.
Well, I guess he's a kind and good man. Talagang kapag kagipitan na ang usapan ay wala na tayong magagawa roon kundi ang sumanib sa masama. Just like what he said, may sakit ang anak niya. Kung wala iyon... baka hindi ganito ang trabaho niya pero... kung wala siya rito, wala ring magpapakain sa amin. Everything happens for a reason.
Matapos niya kaming pakainin ay iniligpit niya ang pinagkainan namin para raw hindi mahalata ng boss nila ang pinakain kami. Natatakot din siyang mahuli dahil baka raw mawalan siya ng trabaho dahil sa ginawa niya. Pagkatapos noon ay halos matawa ako sa pagbabagong anyo niya. Naging maangas na naman siya at parang walang pakialam sa amin pero... kita naman sa postura niya na nagpapanggap lang siya, minsan ay nginingitian niya ako. Buti nga ay hindi siya nahahalata ng mga kasama niya.
Bumukas ang pinto. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Dominic together with the woman that punched me at mayroon pang iba pa ang nakasunod sa kaniya. Hinanda ko na naman ang katawan ko sa mga masasalo kong sakit sa katawan. Alam kong kapag narito sila... magkakapasa o kaya naman ay magkakasugat ako.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 245
Start from the beginning
