"Kung makakatakas tayo?" Nagniningning ang kaniyang mga mata. Tumango naman ako sa kaniya. "Oo... alam kong makakatakas pa tayo rito... hindi ko nga lang alam kung kailan... o kung hanggang anong araw ba tayo rito." Sagot niya sa akin. Sa isang batang kagaya niya... paano niya naisip ang mga ganoong bagay?
"Paano mo nasabing may tutulong sa atin? Kung mayroon man, sana ay matagal na tayong nakaalis dito. Hintayin na lang natin na mayroong mabuting puso ang pakawalan tayo." Ayaw kong panghinaan ng loob pero anong magagawa ko?
Iyon ang nararamdaman ko. Hindi kagaya noon na kapag nawala kami ng ilang oras ay mayroon na agad tutulong sa amin. Naroon na agad ang mga hudlong o kaya naman si Kio. Maybe I was too... attached to them? Siguro ay masyado na akong dumedepende sa kanila? Alam ko namang hinahanap nila ako ngayon... hinahanap nila kami ngayon. Sadyang nahihirapan lang siguro sila dahil malaking tao itong kalaban namin. Walang awa at maimpluwensiya.
"Sina Kayden... sa tingin mo ba ay hindi nila tayo mahahanap? Mayroong mga ways si Master Kayden, tiwala ka lang sa kaniya. Alam mo namang patay na patay 'yun sa 'yo." Kinindatan niya pa ako. Umiwas ako ng tingin, pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking pisngi! What the hell! Bakit sinabi niya pa 'yun? "Yiee! Kinikilig siyan! Ikukwento ko 'yan kay Kayden kapag nagkita na kami." Tumawa siya ng pandemonyo. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Buong oras ay nagkukwentuhan lang kami ng batang hapon. Iniisip kung ano ang magandang plano para lang makatakas kami sa bahay na 'to. Ang laki ng mga mansion na 'to tapos walang nakatira. Palaging wala si Dominic, pinaghahandaan na ata ang funeral home para sa akin. Pero hindi niya iyon magagawa sa akin dahil siya ang ilululan ko sa mga binili niya. King-ina siya!
Nakatulog na naman kaming gutom. Hindi ko kasi nakita 'yung kuya na palaging nagbibigay ng pagkain sa amin. Dalawa lang ang mga taong nagbabantay sa amin. Nagpahinga ba siya o inilipat ang pwesto niya? Sa lahat ng mga dapat ilayo sa amin, siya pa talaga? Bakit kami pinapahirapan ni Tadhana? Madilim pa sa labas noong magising ako. Buti na lang at walang lamok dito.
Nakatingin lang ako sa maliit na bintana at pinanood kung paano umangat ang araw, kung paano palitan ng liwanag ang dilim. I smiled, kahit pala ganito ay mapapanood ko pa rin ang mga ganoong pangyayari. Humikab ako. Ilang araw o linggo pa ba kami rito? Sumasakit na ang likod ko dahil sa pagtulog namin ng hindi maayos. Ikaw ba naman ang matulog ng nakatayo?! Sinong hindi sasakit ang likod doon?
"Ji..." Tawag ko sa kaniya. Nagulat kasi ng bigla siyang magmulat ng mga mata niya. Parang may napanaginipan siya tapos biglang nagising dahil sa takot niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi niya makita na natatawa ako sa itsura niya. Bagong gising, walang ligo... walang sipi-sipilyo. Siguro ay kahit hininga lang namin ay pwede na naming pinanlaban sa mga bastardong iyon. Pinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata at umiling ng marahas. Sa tingin ko ay ginigising niya pa ang kaniyang diwa.
"Oh, ano naman ang napanaginipan mo?! Share mo naman sa akin." Natatawang sabi sa kaniya. Napatulala pa siya sa kawalan, syempre bagong gising lang siya kaya wala pa siya sa hulog. Humikab pa siya at nagluha ang kaniyang mga mata. Bagong gising nga. "Hoy," sinipa-sipa ko ang kaniyang paa gamit ang mga paa ko, nagpabigat lang ako sa lubid.
"Nasa isang malaking lugar daw ako tapos puno ng pagkain. Sinubukan ko raw kumain kaso nagalit sa akin 'yung isang litsong manok kaya hinabol ako. Tapos... tapos nahulog daw ako sa ilog ng melted chocolate. Hinigop daw ako ng isang malaking tube tapos... aaaaah!" Napapikit siya ng mariin, sa tingin ko, masamang panaginip nga.
"Sa chocolate factory 'yon ah. Ang kaibahan lang nung napanaginipan mo, ikaw payat ka, 'yung nasa palabas, mataba kaya huwag kang mag-alala, hindi ka babara sa mga tubo." Natatawang sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 245
Start from the beginning
