"Fuck you!" Sigaw niya bago niya tuluyang nilisan ang lugar na iyon. Kung nakita ko lang si Dominic ay baka magmakaawa pa akong pakawalan kami saglit at pakainin. Nakakapanghina.

Sa orasan na nakita ko ay nabasa kong alas otso na ng umaga pero wala pa rin kaming nakakakain. Iyong mga nagbabantay sa amin ay umiinom na ng alak pero kape ang chaser nila. Gusto 'ata nilang mamatay ng maaga dahil sa matinding acid.

Pinikit kong muli ang mga mata ko noong maramdaman ko ang panlalambot ng aking katawan. Kaya mo 'yan, Heira. Kakayanin. Isipin mo na lang na parte 'yan ng diet mo, isipin mo na lang na naka-fasting ka. Buong oras ay pinapanood ko ang bawat galaw sa paligid. Tinitignan ko kung may mga bagay ba sa malapit na kaya kong abutin para makatakas kami ni Kenji.

"Yakie..." Boses niya iyon kaya naman agad ko siyang nilingon. Ngumiti ako sa kaniya, sinubukan niya ring ngumiti sa akin pero tipid lang iyon. Namumutla ang kaniyang mga labi at malamlam ang kaniyang mga mata.

"I'm... sorry... I'm sorry, Ji." Sa unang pagkakataon paglipas ng maraming mga araw at buwan ay nasabi kong muli ang dalawang salita na iyon. Halos hindi ko kayang bitawan ang mga salita na 'yon dahil pakiramdam ko... napakalaki at napakaimportante ng kahulugan noon."Hindi ka sana nahihirapan ngayon kung hindi dahil sa akin." Pagpaumanhin ko. Bakit ba kasi nasali pa siya e!

"Wala kang kasalanan, Yakie. Isang araw pa lang tayong nandito at alam kong makakatakas tayong dalawa. Magtiwala ka lang." Aniya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang seryoso.

"Gutom ka na ba?" Pag-iiba ko sa topic na pinag-uusapan naming dalawa. Baka mag-iyakan pa kami kapag hindi ko iyon ginawa. Bahagya siyang tumango. "Tiisin mo muna. Papakainin din tayo ng mga 'yan."

"Paano ka naman nakakasiguro? Kagabi nga hindi nila tayo pinakain." Ngumuso siya. Natawa ako ng bahagya. Iniinda ko pa rin ang sakit ng sikmura at sugat sa labi ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya. Wala siyang alam dahil natutulog siya kanina.

"Papakainin nila tayo. Kapag tayo namatay sa gutom... paano pa nila tayo papahirapan ng mas matagal, 'di ba? Ano, gano'n-gano'n na lang?" Pagbibiro ko. Umiling-iling na lang siya. Kahit ako ay... hindi sigurado kung makakapag-almusal pa ba kami ngayon, mukhang wala ang amo nila.

"Pst. Kuya." Tawag ko sa isa sa kanila. Lumingon naman sila sa akin. "Pwede pong makahingi ng isang tinapay? Kahit isa lang po. Alam ko naman pong mabuti ang puso ninyo... ang amo niyo lang ang hindi." Nagpaawa effect pa ako. I used my puppy-dog eyes.

"Nako, bata. Baka mayari kami kay Boss kapag ginawa namin 'yan. Hindi kami pwedeng gumawa ng mga hakbang na hindi niya naman pinag-uutos." Lamyang sabi nung isa. Bumagsak ang mga balikat ko.

"Hindi naman po ako ang kakain." Sabi ko. "'Yong kasama ko ang pakainin niyo po. Hindi naman siya kasama sa plano, hindi ba?! Ako lang naman 'yong gusto niyong makuha, nadamay lang siya. Kaya sige na po... kahit siya na lang ang pakainin niyo." Pagmamakaawa ko. I am feeling guilty, baka kung ano pa ang mangyari kay Kenji kapag hindi pa siya nakakain ngayon.

"Pero, Miss—!"

"Hindi po ako magsasalita... hindi po ako magsusumbong. Bigyan niyo lang po ng pagkain 'tong batang 'to." Nginuso ko si Kenji. Ang payat-payat na nga lang niya, gugutumin pa. Nabuhayan ako ng tuwa nang makitang tumayo ang isa sa kanila.

"Maghintay ka. Pasalamat ka ay wala si Boss ngayon dahil may pinuntahan siya." Sabi niya, tumango-tango ako sa kaniya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kusina. Binalik ko ang tingin ko kay Kenji.

"Ikaw na lang muna ang kumain. Babawi na lang ako next life. Baka masarap ang ulap doon." I said jokingly. Wala namang chicken pastel doon, wala ring carbonara at chuckie kaya hindi pa ako pwedeng mategi.

"Pero... paano ka niyan?" Tanong niya. "Baka hindi mo na ako ilibre sa susunod kapag ako lang ang kumain ngayon."

"Diyos miyo, Kenji." Kulang na lang ay sapuin ko ang aking noo dahil sa sinabi niya. "Kahit naman ayaw ko, obligado pa rin akong ilibre ka sa pagkain mo tapos... 'yung ngayon, sa tingin mo ba ay papayagan nila akong makakain? Sinabi kong ikaw lang... " I looked away when I saw the sadness passes through his eyes.

Bumalik na ang lalaki, may dala siyang isang plato na mayroong lamang kanin at adobong baboy. Huminga siya ng malalim at tumayo sa gilid ni Kenji. Natawa pa ako ng makitang hindi niya alam ang gagawin niya.

"Wala kaming tinapay, para lang iyon sa amin. Ito lang ang natira kagabi, hindi pa naman 'to panis kaya ininit ko." Aniya saka sinimulan ang pagpapasubo ng pagkain kay Kenji.

"Salamat po..." Ngumiti ako sa kaniya ng matapos niyang pakainin si Kenji. Pinainom niya pa siya ng tubig. Nag-burp pa si Kenji kaya alam kong nabusog siya. Bawing-bawi siya ngayon. Hindi siya kinalagan dahil baka makatakas daw kami kay naman sinubuan na lang siya.

Kahit pala ganoon silang tao ay mayroon pa rin silang mabuting katangian... mayroon pa rin silang mga good sides. Siguro ay dahil na rin sa kagipitan kaya naman mas pinipili nila ang gumawa ng mga masasamang bagay. Well, yeah. Money can buy everything.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now