Nanghihina kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga palad na tumatampal sa aking mga pisngi. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa gutom. Iyon ang unang beses na natulog ako ng gutom at nakatayo. Nangangawit na ang mga kamay ko at nakikita ko na rin ang pangingitim ng aking mga palad. Agad kong tinignan si Kenji kung nasa tabi ko pa ba siya.

Nakahinga naman ako ng maluwang ng makita ang mahinahon niyang mukha. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Paano niya nagawang matulog ng maayos kahit ganito ang posisyon naming dalawa? Bakit ba kasi hinayaan ko pa siyang tumakbo! Kung hindi ko na lang sana siya pinilit na magpaliwanag sa akin ay baka wala kami ngayon sa ganitong sitwasyon.

"Oh, good morning, Sleeping beauty." Anang isang lalaking nakaitim. Isa siya sa mga nagbabantay sa amin kagabi. I automatically looked at his eyes sharply. "Huwag mo akong titigan ng ganiyan, baka matunaw ako."

E 'di matunaw ka! Hindi ka naman chocolate! Oo, kulay dark brown ka pero hindi naman katunaw-tunaw. Itinaas niya sa ere ang dalawa niyang kamay habang natatawa. Bugahan kita ng hininga r'yan e! Kakagising ko pa lang naman, pwede ka pang himatayin sa bagsik ng aking hangin.

"Mukhang wala yata sa hulog ang bitag ah. Huwag mo kaming artihan ng ganiyan, babae. Hindi uubra sa amin 'yan." Sabi naman nung isa pa. Ang aga-aga amoy alak sila. Kaya siguro mukha silang mga aning ngayon.

"Kapag nakawala ako rito, yari kayo." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa kanila. Ang baho kaya ng hininga nila, ang hirap tiisin no'n. "Mas malakas ang tama ng sipa ko kaysa sa mga ininom niyo." Dagdag ko pa.

"Mayroon kang binubulong?! Share mo naman, baka gumagawa ka na ng isang sumpa sa amin." Pagtawa nung isang bundat. Ang laki ng tiyan niya. Ayan, alak pa. Liver lover, boy, dapat. Malaki pa ang tiyan niya sa buntis.

"Kasumpa-sumpa naman talaga ang mga mukha niyo." Inis na sabi ko sa kanila. Nalukot ang mga mukha nila. Oh, ano kayo ngayon! Tiklop kayo 'no!

"Boys... lumayo kayo sa kaniya." Mayroong bagong dating na babae.

Mukha siyang namatayan este mukha siyang isang agent. Agent black. Mula kasi sa buhok hanggang sa mga kuko niya sa paa ay kulay itim siya. Pati na ang suot niya, ang balat, laman, dugo at mata na lang ang hindi. Pati siguro singit nito maitim. Madilim ang kaniyang mukha ng lingunin niya ako.

"Buti naman at nadatnan pa kitang buhay at humihinga." Sabi niya sa akin sabay buga ng usok na mula sa kaniyang vape.

"Mayroon bang buhay na hindi humihinga?" Sarcastic kong tanong sa kaniya. Minsan talaga puro damit lang ang nagdadadala sa mga astig e. Hindi 'yung pag-iisip. Mayroon bang patay na humihinga pa? Bobo ba siya?

"Sinisira mo ba ang araw ko, Heira?" Inis na sabi niya, nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan, ayaw lumapit sa akin. Takot din siguro siyang mabugahan ng aking amihan. Hindi pa ako nakakapaghilamos at nakakapagmumog.

"Gusto mo bang buoin ko? Pakawalan mo ako tapos sasapakin kita para mapunta ka na talaga sa araw." Nagawa ko pa ring ngumisi kahit ang totoo... nagwawala na ang mga dragona ko sa tiyan ko. Ano bang klaseng mga kidnappers ang mga 'to, hindi man lang nila kami nagawang pakainin.

"Sinong nagsabing gagawin ko 'yon?" She asked.

"Ako. Hindi mo ba ako narinig?" I fired back. Doon ko nakita kung paano umusbong ang panggagalaiti sa kaniyang mga mata. Ngumiti na lamang ako. "Ah..." Napapikit na lamang ako ng sipain niya ang sikmura ko. Ang sakit naman sa katawan ng almusal na 'to.

"Don't you fucking dare to talk to me like that! Hindi na ako ang dating walang kwenta at walang muwang na kilala mo!"

"Ah, talaga ba?" Mas ngumisi pa ako. Sinipa na ako e. Dapat sagarin ko na para worth it ang natamo ko sa kaniya. "Sorry hindi kita kilala e." Tumawa ako pero nawala rin 'yon ng tumama ang palad niya sa aking mukha. Nalasahan ko agad ang dugo mula roon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now