Dahil sa ilaw ay medyo nasilaw ako. Pinikit ko ang isa kong mata para mabasa ang hawak ko. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng mabasa kung sino ang nasa ID. Kung ano ang pangalan ng nasa ID. Nanginig ang mga kamay ko, ganoon din ang mga labi ko. Kung hindi lang ako nakagapos ngayon ay baka natakpan ko na ang aking bibig dahil sa gulat ko.
Dominic Takisito.
That name. Pinikit ko ang aking mga mata para alalahanin kung sino ba ang lalaking iyon. Sumasakit ang ulo ko habang iniisip ang lahat. Tama nga ako. Isa siya sa mga nakaaway ko noong nasa Sta. Luiciana pa ako. Paanong nakalimutan ko siya? Hindi naman ako matandain lalo na sa mga pangalan. Mahigpit kong hinawakan ang ID na iyon. Ito lang ang impormasyong mayroon ako na tungkol sa kalaban namin.
Kaya pala ganoon na lang ang galit niya sa akin dahil... mayroon akong atraso sa kaniya. Matagal ko ng pinagsisihan ang mga ginawa ko noon. Lahat ay kinalimutan ko na dahil gusto ko ng magkaroon ng maayos na buhay. Sa paglipat namin ng bahay ay isinabay ko na rin ang paglilipat ng mga magagandang memories. Hindi iyong mga away, mga alitan.
Akala ko ay naayos na nina Mama at ni Kio ang lahat noon. Hindi pa pala. Iyon ang mga naging kamalian ko noon. Hindi ko man lang naisip kung ano ang magiging epekto ng lahat ng mga ginagawa ko sa ibang tao. I am naive and... miserable that time. Nagbago na raw ako simula noong maaksidente ako.
Isa rin ang aksidente na iyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magulo pa rin ang lahat sa akin. Ni ang mga ala-ala ko sa mga nakalipas na limang taon ay hindi ko na maaalala. Iilang mga memorya lang ang alam ko... ang naalala ko noong nasa Sta. Luiciana pa ako. Puro masasalimuot pa ang lahat ng iyon. Away, gulo, sina Savini at Ryu. Alam kong kahit na nananahimik na sila ay... mayroon pa rin silang galit sa akin.
Ginawa ko naman ang lahat para iwasan ang gulo. Basag-ulo lang talaga ang lumalapit sa akin. Ngayon, lahat ng mga ginawa kong hindi maganda noon sa ibang tao ay bumabalik na sa akin. Karma ko ba 'to? I am that unlucky to experience this kind of... physical pain and emotional anxiety?
Sa tuwing titignan ko ang mga mahal ko sa buhay ay natatakot ako para sa mga kapakanan nila. Paano kapag sila na ang nadamay? Paano kapag sila na ang nakita kong nasasaktan dahil sa mismong kagagawan ko? Lahat ng mga kasalanan ko noon... gusto kong itama ngayon. Gusto kong ayusin ang lahat ng ito. Alam kong matatapos din ito.
DomTak
Hindi ko na rin masisisi si Dominic kung hindi niya ako mapapatawad. Base sa kaniyang galit, alam kong ako ang may magagawan kung bakit hindi normal ang ayos ng katawan niya ngayon. Mahirap ang gumamit ng saklay, mahirap ang hindi makagalaw ng maayos yet I did that to him.
Alam kong wala siyang nagawang kasalanan sa akin noon. Kaya ko lamang iyon nagawa dahil sa siya ang trip ko... o kaya naman ay badtrip ako noong mga araw na iyon. Wala ako sa tamang pag-iisip noon dahil binabalot ako ng takot... tumatakbo sa isipan ko ang mga masasamang panaginip ng nakaraan ko.
Ngayon ay alam ko na... naiintindihan ko na ang mga sinasabi sa akin ng pamilya ko na nagbago na nga talaga ako. Nagbago ako noon... I became a warfreak little woman with a brave heart but now... I've been doing anything to change myself again. I am having my brave heart but I am not the warfreak girl... gusto ko ng tumino, gusto ko ng ibalik ang lahat ng katangian ko noon.
Pero anong magagawa ko? Paano ko iyon gagawin, e nakilala ko ang mga hudlong. They are gangsters, may mga gulo silang sinasalihan at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na huwag makialam sa kanila. We're friends, kahit na sa bingit pa ng kamatayan ay lalaban kami para lang matulungan namin ang isa't isa.
That night, they didn't give us food. They're just watching us suffering from hungriness until be fell asleep. Naawa na ako kay Kenji. Hindi naman niya dapat maranasan ang ganito. Hindi siya nakakakain kagabi, iniisip ko pa lang na tiniis niya ang gutom ay... nagi-guilty na ako. I always think of... paano nga ba kami napunta sa sitwasyon na ito but I always end up with... ako 'yong may kasalanan, sa akin sila galit.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 244
Magsimula sa umpisa
