"Bakit hindi mo na naman ako maalala?! Parang kailan lang noong huli tayong nagkita... oh, mali pala... matagal-tagal na rin." He laughed again. His laughs made me feel uneasy. Makapanindig balahibo ang boses niya. Pamilyar... sobrang pamilyar ng boses niya, hindi ko lang matukoy kung sino siya.

"Pagkilala ka para makilala kita." Matapang kong sabi sa kaniya. Mayroong sumunod sa kaniyang mga lalaking nakaitim din. Ganoon din ang mga tauhan niya. May libing ba ngayon para mag-itim sila? Mukhang mga bodyguards 'yong mga kasama niya. Mayroon din ako ng ganoon, nakagapos ang isa, 'yung isa naman ay nasa sakanila habang abala sa pagbabasa ng mga nobela.

"At bakit ko naman iyon gagawin? Baka umurong ang dila mo kapag nakilala mo ako." He smirked. Bumaba siya ng hagdan at lumapit sa amin. Huminto siya sa harapan ko, isang dipa ang layo niya sa akin. Kung hindi lang ako nakagapos ngayon ay kaya ko siyang sipain kahit malayo siya.

"Hindi ka naman multo para katakutan ko." Sagot ko. Nahihirapan man ako peri nagawa ko pa ring ngumisi sa kaniya. "Unless... kampon ka ni Satanas. Baka roon ay umurong na talaga ang dila ko." Kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya, nagtangis ang kaniyang panga at kumuyom ang kaniyang mga palad. Patay.

"Walang hiya ka pa rin talaga. Ilang beses ka ng binigyan ng mga buhay-panakot pero hindi ka man lang kinabahan. Ibang klase ka, Sylvia." Mariing saad niya. I frowned. Buhay-panakot? Death threats ba ang ibig sabihin niya roon? May sarili siyang salita ah.

"Ikaw ba ang hinayupak na nagpapadala sa akin ng mga death threats ha?!" Sigaw ko sa kaniya at nagpumiglas. Kapag ako nakatakas sa tali na 'to, talagang makakatikim sa akin ng isang sapak ang lalaking 'to. "Sumagot ka!" I shouted again. Hindi kasi siya sumagot kanina, nakangisi lang siya sa akin.

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Ang mahalaga ay hawak na naman kita at sisiguraduhin kong hindi ka na talaga makakawala." Sabi naman niya at tumingin kay Kenji na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya. "Nagsama ka pa ng asset mo. Nilagay mo lang din siya sa peligro. Anong klase kang kaibigan kung ganoon?"

"Huwag niyong sasaktan ang batang 'yan! Walang kinalaman si Kenji sa away na nasa pagitan nating dalawa!" I scremed. Kung ako ang kailangan nila, hindi na nila dapat pang galawin ang iba lalo na at wala namang alam si Kenji sa mga pinaggagawa niya. Sa akin siya may galit, hindi sa kaniya, hindi sa mga hudlong.

"Oh... Well, you put him in this situation. Ikaw rin ang may kasalanan kapag nasaktan siya o sabihin na nating... kapag namatay siya..." Palalim ng palalim ang kaniyang boses kaya naman tinamaan ako ng matinding kaba ng makita ko ang isang baril sa kaniyang bulsa, mayroon din siyang suot na knuckles metal. Nagsitawanan ang mga kasama niyang baliw.

"Sisiguraduhin kong mababaliw ka dahil napasama ang mga inosenteng tao nang dahil sa kagagawan mo." Lumapit siya sa akin at tinutok sa pisngi ko ang hawak niyang kutsilyo, I gritted my teeth. Napigil ko ang aking paghinga. Babalatan ba niya ako ng buhay?! "Iyon naman talaga ang palagi mong ginagawa, hindi ba?! Pati mga taong walang ginagawa sa 'yo... mga taong nanahimik lang ay sasaktan mo... gagawan mo ng masama pagkatapos ay aakto kang walang ginawa na para bang napakainosente ng dugo mo!" Gigil sa sabi niya, bahagya niyang diniinan ang kutsilyo.

"Huwag! Huwag niyong sasaktan si Yakie!" Rinig kong sinigaw ni Kenji. Hindi ko siya maaaring lingunin dahil kapag ginawa ko iyon... masusugatan ako ng malala sa kutsilyong ito.

"Manahimik ka na lang bata. Baka ikaw pa niyan ang unahin ni Boss D kapag hindi ka tumigil sa kakasigaw mo." Sabi nung isang mayroong hawak na tubo.

"Wala akong ginagawang masama sa 'yo! Alam mo 'yan. Kung sino ka man, iilang beses pa lang tayong nagkaengkwentro at sinasabi ko sa 'yo... hindi kita sinaktan!" Ni ang hawakan man lang ay hindi ko nagawa sa kaniya. 'Yong binibintang pa kaya niya?

"Akala mo lang 'yan dahil kinalimutan mo na ang nakaraan. Dahil umalis ka na sa dati mong nilulugaran pero ako?! Hanggang ngayon ay apektado pa rin ng katarantaduhang ginawa mo!" Pinili kong ipikit ng mariin ang mga mata ko habang sinasalo ang mga pambibintang niya. "Tapos na sana ang mga paghihirap ko noon e!" Lumingon siya kay Kenji. "Pero nangialam kayo! Nangialam ang mga pesteng kaibigan mo. Sinira nila ang plano kaya ngayon ay mayroon na naman akong nakitang pagbubuntungan ng galit ko!"

"Sinabing 'wag mo silang idamay!" Mariing sabi ko sa kaniya. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata, roon ko nakita ang repleksyon ko. Walang emosyon ang aking mukha pero sa loob ko ay unti-unting umuusbong ang galit. Umatras siya at may kinuha sa kaniyang bulsa. Iniangat niya ito at nakita ko ang isang susi, siguro ay susi ng bahay na ito.

"Walang madadamay kung hahayaan mo kaming pahirapan ka. Nakakulong ka na sa apat na sulok ng bahay na ito, hindi ka na makakaalis ng buhay." Sabi niya, isang masamang tingin ang tinapon niya sa akin bago sila umalis ng kaniyang mga tauhan, sa tingin ko ay nagpunta sila sa dinning area. Bumalik naman ang mga nagsusugal sa kanilang pwesto kanina. Mga audience amputa.

Ngunit ang aking mga mata ay may nakita. Mayroong isang school ID ang nasa lapag. Nanliit ang mga mata ko. Ito ang magiging sagot sa mga tanong ko sa kaniya. Sana... gamit ito ay makikilala ko na ang lalaking nasa likod ng gintong maskara.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now