"Punyeta kayo. Magbantay kayo, 'wag puro sugal ang inaatupag niyo." Iyan ang narinig ko nang bumalik na sa dati ang aking paghinga. Nahihilo pa rin ako kaya hindi ko maimulat ang aking mga mata pero nararamdaman kong nakatayo ako ngayon ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan. Mga paghalakhak ang umugong sa aking mga tainga.

"Boss naman. Tulog naman 'yang dalawang peste kaya wala kang dapat ipag-alala." Sagot noong isa. Nalalaghap ko pa ang usok ng sigarilyo kaya napakasakit no'n sa ilong. "Hayaan mo muna kaming magpahinga. Ang hirap kaya nilang hulihing dalawa. Kahit ikaw pa ang tumakbo at maghanap ay mahihirapan ka." Dagdag pa niya.

Sumusunod? Tumatakbo? Naghahanap? Mahuli? Anong ibig sabihin ng lalaking iyon? Mayroon ba silang... ginagawang masama noon pa? Minamanman ba nila kami? Isa ba sila sa mga kaaway ng mga hudlong na 'yon? Nawala ako sa pag-iisip ko nang maramdaman kong mayroong sumisipa sa aking binti. Sinikap kong buksan ang aking mga mata. Masakit pa rin ang mga talukap ng mata ko at parang bumabagsak ang mga iyon. Sinubukan kong kusutin pero may pumipigil sa kamay. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang mga mata ko ay nagulat na lang ako sa nakita ko.

"Kenji..." Nanginginig ang labi ko habang sinasabi ko iyon. Walang masakit sa katawan ko pero pakiramdam ko ay wala akong lakas para sigawan siya. Parehas kaming nakatali ang kamay habang nakatayo. Ang mga braso namin ay nakaangat sa ere, ang mga paa naman namin ay mayroon ding mga gapos.

"Yakie... huwag kang masyadong maingay, baka... marinig nila tayo." Paalala niya, kaagad naman akong tumango. Ang mga lalaking nag-uusap ay nasa isang gilid, madilim na sulok habang kami ay narito sa gitna ng isang malaking bahay, nasa amin ang liwanag. Ano na namang pakulo ito? Bakit may spotlight?

"A-ayos ka lang ba? S-sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at ngumisi. Nagagawa niya pang magyabang sa ganitong sitwasyon ha. Wala kaming laban, kulang na lang ay magmukha na kaming mga mummy dito dahil sa mga lubid na nasa katawan naming dalawa.

"Nasaan kaya tayo?" Bulong na tanong niya sa akin. Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang paligid. Mukhang isang mansyon ito dahil sa lawak ng espasyo. Kumpleto ang gamit at mayroong grand staircase ang nasa harapan namin. Ayos na ang lahat, ilaw na lang talaga ang kulang. Nakakasilaw naman, kami lang ang mayroong liwanag.

"Kailangan nating makatakas agad, Ji. Baka kung ano pa ang gawin nila sa 'yo... sa 'tin." Nahihirapang sabi ko. Pakiramdam ko kasi nanunuyo ang lalamunan ko. He tried to untie the rope pero sadyang mahigpit ang pagkakatali noon at marami ang knots na ginawa nila kaya pahirapan din niyang matanggal ang mga 'yon.

"Kasalanan ko 'to e..." Iyon ang nasabi niya ng makita kong sumuko na siya sa pagkalag sa tali. "Kung hindi sana ako tumakbo palayo e 'di sana ay hindi tayo nakuha ng mga zombies na adik na 'yon. Kainis." Paninisi niya sa sarili niya.

"Hindi ito ang oras para sisihin mo ang sarili mo, Ji. Saka ka na magpaliwanag kapag nakaalis na tayo sa lugar na 'to." Sagot ko sa kaniya at kumawag-kawag, sinubukan ko ring kalagan ang paa ko gamit ang paggalaw pero sakit lang ang nakuha ko, ang gaspang ng mga tali.

"You're alive... Buti naman at nagising ka na..." Parehas kaming napalingon ni Kenji sa nagsalita. Isang lalaking may suot na eye mask, nakaitim na tuxedo at slacks at mayroong hawak na parang saklay. Pilay ba siya? Pinanood namin ang kaniyang pagbaba sa hagdan, ganoon din ang kaniyang mga bawat galaw. Mukhang binata pa siya dahil hindi ganoon kalaki ang kaniyang katawan tapos ay hindi pa siya ganoon katangkad.

"S-sino ka?" Iyan ang lumabas sa aking bibig kaya naman narinig ko ang mga pagtawa niya. "Baliw," I whispered to myself. Tanong 'yon tapos tatawanan niya, siraulo ba ang lalaking 'to?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now