"Saan mo nakuha ang mga 'to? Bakit napakarami mong pasa at sugat ha?!" Tanong ko sa kaniya. Imposible namang siya ang gagawa noon sa sarili niya. Umiling lang siya at sinubukang bawiin ang kamay niya pero hinigit ko iyon at mahigpit na hinawakan ang kaniyang palapulsuan.

"Aray... masakit, Yakie." Reklamo niya at napapapikit pa.

"Tinatanong kita Kenji, saan mo nakuha ang mga 'yan? Kahapon ay wala kang mga ganiyan." Kaya pala parang nahihirapan siyang humawak ng kutsara at iba pang bagay kanina dahil mayroon siyang mga sariwang sugat. "Nakipag-away ka na naman ba o..." Sana ay mali ang naiisip ko tungkol dito. Sana lang talaga. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata.

He may be look rough in the outside but he's totally a lost and little boy in the inside. Nakikipagbasag-bungo man siya at sumasali sa mga mas matatanda sa kaniya. Mayroon pa rin sa parte niya ang pagiging bata. He shooked his head. Galit akong tumingin sa kaniya, kung hindi siya magsasabi sa akin, paano ko siya matutulungan?

"Magsasalita ka ba o dadagdagan ko ang mga sugat mo na 'yan?" Pagbabanta ko sa kaniya kahit wala naman talaga akong balak na saktan siya. He's my little brother, tinuturing ko na siyang kapatid kahit hindi kami magkadugo. Kaya nga ginagawa ko ito kasi importante siya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha. Marahas niyang inalis sa kamay ko ang mga kamay niya saka mabilis na tumakbo. "Kenji!" Tawag ko pero hindi siya lumingon sa akin.

"What happened to that boy? Bakit umalis?" Tanong ni Maurence sa akin, nasa tabi ko na pala siya dala ang barbecue na binili niya. I shooked my head, tutal ay nakabalot naman na ang mga 'yon kaya naman binitbit ko na ang mga barbecue saka sumunod kay Kenji. "Heira, teka lang!" Sigaw niya. Sumunod din siya sa akin.

Nagliko ako kung saan ko nakitang lumiko si Kenji. Ilang beses ko siyang tinawag, sa mga galaw niya ay nasasabi kong umiiyak siya. Hindi ko naman sinasadyang masermunan ko siya kanina. And I am not mad at him, I just wanted to know what happened to him. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, baka hindi ko na siya maabutan. Bahala na si Maurence, kaya niya na ang sarili niya. Inilagay ko ang mga barbecue sa mini backpack ko bago ako nagpatuloy.

Sa isang iskinita siya dumaan kaya naman doon din ako pumasok. Nakakatakot dahil malayo na ito sa main road. Hindi na rin nakasunod si Maurence sa amin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang tumakbo ni Kenji ngayon, pwede naman siyang sumakay na lang ng tricycle pauwi pero pinili niyang pumunta sa madilim na lugar na 'to. Sa tingin ko ay ito ang dating palengke ng lugar namin, ngayon ay mga nagkalat na mga dyaryo at mga kariton na lang ang nandito.

"Yakie! Tulong! Ah... Tulong! Ayaw ko na!" I heard Kenji shouted my name. Ngayon ay hindi ko na alam kung saan ba nagmumula ang boses niya. Ang dami kasing papasok at labasan dito! Sinabutan ko ang sarili ko.

"Ji! Nasaan ka ba?! Bakit ka sumisigaw d'yan. Bumalik na lang dito." I shouted back. Luminga-linga ako sa lugar na ito pero kahit anino niya lang ay hindi ko makita.

"Yakie..." Pahina ng pahina ang mga tinig niya. Nagsimula na akong kabahan. Muli akong pumasok sa isang iskinita at tinignan ang mga pwedeng lusutan.

"Kenji! Nasaan ka na?! Sumigaw ka ulit kung naririnig mo ako!" Halos maiyak na ako para lang makita ko siya. "Kenji? Kenji... Kenji!?!" Paulit-ulit na tanong ko sa kaniya, nagbabakasali akong marinig niya ako dahil sa hindi ko na siya marinig pa. Pumasok akong muli sa isa pang daan. But it was a wrong move. Mayroong humapit sa aking braso at tinakpan ang aking bibig at ilong.

Nagpumiglas ako pero nang maamoy ko ang panyo ay unti-unti akong nahilo at nanlabo ang aking paningin. I called Kenji once again before I got to the darkness. I can see blankness. Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay mayroong mga bisig ang humawak sa aking baywang at isa lang ang alam ko... nasa peligro ang buhay namin ni Kenji ngayon. Kahit ako na lang... huwag lang siya, huwag lang siya ang sasaktan nila.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now