Chapter 242

Mulai dari awal
                                        

"Ito na nga e!" Pagmamaktol niya saka niya kinamot ang kaniyang ulo. Tumayo siya, bago pa siyang humakbang ay hinalikan niya muna sa labi ang babae. "I'll be back, babe." Sabi niya, nanunuyang tumingin ako sa kanila.

"Saan mo ba kasi dadalhin ang asawa ko? Hindi mo ba nakikitang nagsasaya kaming dalawa? Istorbo ka e!" Sabi nung babaeng mayroong eyebags. Baka tatlong araw siyang hindi natutulog.

"Huwag mo akong magawang sigaw-sigawan, baka masipa kita r'yan." Pananakot ko saka hinila na si Maurence, I don't have a time for her shits. Tumakbo kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa loob ng gymnasium.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya sa akin, kita ko ang saya niya sa mga mata niya. Wala pa nga ay natutuwa na. I tsk-ed. Tinabingi ko ang ulo ko at sinabi sa kaniyang sumunod siya sa akin. Ginawa niya naman iyon, Lumapit kaming muli sa team.

"You're two seconds late. Paano ba 'yan? Hindi ka umabot sa pinag-usapan?" Ngumisi ang pinakamatangkad na lalaki. Bakit ba ang yabang ng lalaking ito? Kanina pa siya ah! Para two seconds lang, napakalaking bagay na sa kaniya noon. Sapakan na lang oh! Bwisit na lalaking 'to.

"Two seconds lang pero nalaman mo pa. Binibilang mo ba ang bawat segundo ng pagkawala ko sa harapan mo?" Ako naman ngayon ang ngumisi, he looked directly to my eyes. He's looking at me sharply. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko, dapat maging mabait ako ngayon, hindi uubra sa kaniya ang mga pabalang kong sagot.

"Romero is the one you wanted to recruit?" Tanong ni Coach Val. Sinulyapan niya ang lalaking kasama ko na ngayon ay nakayuko lang at nakatingin sa ibaba.

"Opo. Siya nga po! Magaling po siya. He's a shooter. Kaya niya rin pong mag-defense. Kung mayroong pagkakataon ay ito na 'yon. He wanted to be part of you. Can you give him a chance?" Mahinahong sabi ko. Napapasabak ako sa english-an ah.

"Heira..." Pagpigil sa akin ni Maurence, umiling-iling siya at dismayadong tumingin sa akin.

"Hindi pumasa ang mga grades niya para pumasok sa varsity team, Miss." Sagot nung isang lalaki. Manahimik ka r'yan, busalan ko ang bibig mo e! I took a deep breath and gave him a faint smile.

"May magagawa ba ang grades sa laro? Paano kapag matalino ang sumali sa inyo, tatanggapin niyo na siya kahit hindi siya magaling? Wala naman pong mga magagawa ang nuwebe sa pagshoot ng bola, hindi ba?" I said logically. Siguro ay para na rin sa kasikatan ang mga grades, kailangan ay maganda ang mga grado mo bago ka makapasok sa varsity basketball team. Anong klaseng batas 'yon?

"Miss?" Tanong nung isa, tinatanong niya kung ano ang pangalan ko. Sikat na ang section namin sa buong university, may bago pa ba roon? Sabagay, ang mga hudlong lang pala ang alam nila rito.

"Yakiesha." Simpleng sagot ko sa kaniya bago bumaling sa iba. "Coach, Give him a try. Hayaan niyo siyang patunayan niya ang sarili niya sa inyo. He has the greatest skill that no one of you have. No offense po pero... parang gano'n na nga." Wala na akong masabing iba para lang mapapayag ko sila. Pinagsiklop ko ang dalawa kong palad. Si coach naman ay kinakamot niya ang kaniyang kilay habang nakapamaywang.

"Miss Sylvia hindi talaga pwede. Mababa ang mga grado niya nitong mga nakaraang taon. Kailangan muna  niyang pataasin ang mga iyon." Sagot niya saka tumingin sa kasama ko. "Ilang beses ko na 'yong sinabi sa 'yo, Romero. Hindi ba?" Tanong niya, tanging tango lang ang nagawa nitong kasama ko saka niya ako hinawakan sa braso.

"Heira, tara na... may pasok pa tayo." Sabi niya, gaya ng ginawa niya kanina, hindi rin ako nagpatianod sa mga hila niya.

"Nakita niyo na po ba ang mga grades niya last quarter?! Sir este Coach, kung ipapakita po ba namin ang nga 'yon ay tatangapin niyo na siya?! O gusto niyo pang tignan ko sa libro ang batas na sinusunod niyo?" I crossed my arms below my chest.

Huminga siya ng malalim. "You're stil a student at ganiyan ka na makapagsalita."

"Sorry po! Gusto lang po talagang matulungan ang kaibigan ko! Kaya niya po talaga ang maglaro. Wala naman po ang ibang mga members, baka naman pwede niyo na siyang ipasok." Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya para lang payagan niya ang kahilingan.

"Fine, we'll give him a try. Kung matatalo niya ang captain ng team ay pasok na siya, kung hindi naman ay mananatili siyang isang simpleng estudyante." Halos mapapalakpak ako sa sinabi niya.

Nang lingunin ko si Maurence ay nanalaki ang kaniyang mga mata, siguro ay hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ni Coach. Inalog-alog ko siya para bumalik siya sa kasalukuyan, parang natigilan kasi siya. Ngumiti ako sa kaniya. I told him to do his best and gave him my good luck to him. Pumasok silang dalawa sa court. Kami naman ay nanood sa kanilang laban. Nagdasal ako na sana ay makapasok na siya sa varsity basketball team. Kapansin-pansing nakatitig sa akin ang ibang members ng team, nailang ako dahil sa paraan ng pagngisi nila. I looked away, hindi naman ako narito para sa kanila. Nandito ako to cheer Maurence.

First to get fifteen points. Ang unang makakuha ay siyang panalo. The bell rang pero hindi ko na iyon pinansin, gusto kong makitang manalo si Maurence dahil ito na ang matagal niyang pangarap. Nang sumulyap siya sa gawi ko ay nagthumbs up ako sa kaniya. Roon na siya nagseryoso at naging maliksi. Mabilis ang mga naging galaw niya. Although his opponent is also a great player, mas nakikita kong mabilis at magaling si Maurence kaysa sa kaniya. Hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko siya, iyon ay dahil sa mga nakikita ko.

Naging sunod-sunod ang mga pagpuntos nila. Halos dikit ang laban nilang dalawa. Hanggang sa maging 14 points na si Brone, tapos siya naman ay mayroong 13 points. Isang shoot na lang nung kalaban ay talo na siya. Kinindatan ko siya at sinigaw ang 'Go, Maurence! Sasakalin kita kapag hindi ka nanalo!'

Tumakbo siya hanggang sa half court, doon sila nagtuos dalawa. Parehas silang nakatingin sa mata ng isa't isa. Maurence dribbled the ball, nag 360° step siya at mabilisang umiwas sa kalaban. Sa ilang segundong natitira ay nagawa niyang ihagis ang bola, napigilan ko ang paghinga ko at napapikit. Kasabay ng pagpito ni Coach Val ay ang pagtunog ng ring. Doon ko nakitang nahulog ang bola sa mismong ring. Napatayo ako dahil sa saya.

Maurence won! He's a part of the team now!

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang