"Sino ka ba? Bakit bigla ka na lang sumusulpot? Manood ka na lang ng practice-game kaysa sa magsalita ng kung ano-ano." Sabi nung matangkad. Kulang na lang ay irapan ko siya, napakasungit niya.

"Sabi niyo kailangan niyo pa ng mga members?! Talaga bang tataasan niyo pa po ang mga pride ninyo? Bahala kayo... baka hindi niyan kayo mabuo kapag nasa laban na kayo." Pananakot ko habang nakangiti ng malawak.

"Ikaw? May kilala ka ba?" Sabi nung isang lalaki, mukhang mabait naman siya, napakaamo ng mukha. Marahas akong napapikit at kinagat ang ibabang labi ko. Bakit ko ba pinupuri ang mga masusungit na 'to.

"Opo! Mayroon nga! Magaling siya. Kaya niyang buhatin ang laban. Matagal na nga po siyang gustong sumali sa varsity team kaso... ayaw niyo siyang tanggapin." Pagkukwento ko. I did not drop the name of Maurence, baka wala pa nga ay hindi na siya tanggapin.

"Paano namin masisiguro na magaling nga siya? Baka sinasayang mo lang ang oras namin ngayon ah." Ani Coach Val. Huminga ako ng malalim. Sila na nga itong tinutulungan, sila pa ang nagrereklamo. Pilit at malawak akong ngumiti sa kaniya, ang butas ng ilong ko ay nanlalaki na.

"Masisiguro niyo po! Kahit ipakita ko pa sa inyo ang skills niya ngayon. Mabibilib kayo sa kaniya." Sagot ko. I promised that I will do everything just to make Maurence to be part of the varsity team. Narito na, ito na ang magiging solusyon ko.

"Pwede mo ba siyang tawagin ngayon? Maghihintay kami sa 'yo ng sampong minuto, kung hindi mo siya nadala rito ay pasensyahan tayo, baka mapahiya ka lang sa amin." Utos nung captain nila. Tumango ako at mabilisang nilisan ang lugar na 'yon.

Tumakbo ako pabalik sa tambayan pero wala roon si Maurence, tinatanong pa ng iba kung saan ako nanggaling at kung bakit hinihingal ako. Hindi ko muna sila sinagot, wala akong panahon para makipagchismisan sa kanila. Nagtungo naman ako sa room pero walang tao roon kaya sa canteen naman ako pumunta. Sa dinami-rami ng mga tao roon, ni gahibla ng buhok ni Maurence ay wala akong nakita.

"Punyetang lalaking 'yon. Saan na nagpunta 'yun?" Bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ko ang sarili kong pawis. Inilagay ko ang mga palad ko sa aking tuhod at nagpahinga saglit bago naghanap muli. Bakit ngayon pa nawala anv hudlong na 'yon?! Pinapahirapan talaga ako ng mundo.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay nakarating ako sa isang parte ng university kung saan madalas tambayan ng mga estudyante, roon ko siya nakita, kaakbayan at kalampungan ang isang babaeng... ewan ko kung anong mukha 'yon. Maganda naman siya pero mas maganda ako.

"Nandito ka lang pala, bwisit ka." Inis na sabi ko sa kaniya saka hinila ang kamay niya. Nang maglalakad na ako ay hindi siya nagpatianod sa hawak ko. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Teka lang, Heira. Saan mo ba ako dadalhin at bakit parang hingal na hingal ka pa?" Tanong niya at kinamot ang kaniyang sentido. Binitawan ko ang kamay niya at nagpamaywang sa harapan niya.

"Kanina pa kita hinahanap. Mamaya ko na lang sasabihin kung saan tayo pupunta dahil kailangan na tayo roon." Sampong minuto lang, Maurence. Kapag hindi tayo umabot at masasayang lang ang pagod at pride ko. Hinawakan ko muli ang kamay niya at hinila siya, pero sadyang gago siya, nanatili siyang nakaupo.

"No, I don't want to. I am having a good time with my girl." Aniya at humalukipkip. Sinamaan siya ng tingin. Ngunit natakot ako nang sumama rin ang tingin sa akin nung kasama niyang babae, parang gusyo niya akong kalmutin gamit ang matatalas niyang kuko.

"Uupo ka na lang d'yan o kailangan pa kitang itumba sa kinauupuan kasi hindi ko ako sinamahan?" Pagbabanta ko sa kaniya. Isang sipa lang naman ang bench na gawa sa bato ay tutumba silang dalawa.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now