"As long as... I am with you." Bulong niya ngunit hindi ko na narinig ng maayos dahil sa pagsigaw ni Kenji. Nang lumingon kami sa gawi nila ay nakita namin siyang tumatakbo sa damuhan, hinahabol siya ni Vance at Trina. "Gumawa na naman siguro siya ng kalokohan."

"Sinabi mo pa." I seconded.

Patapos na ang school year na 'to, dalawang buwan na lang ay grade 12 na kami, sana ay hindi nila kami paghihiwalay-hiwalayin. Hindi rin siguro magiging madali sa amin na mahiwalay sa kanila dahil naging malapit na kami sa mga pangit na hudlong na 'to. Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko. Binigay ko na lang kay Adriel ang stick-o ko.

"Where you going?" Tanong niya gamit ang matigas na ingles. Hindi ako sumagot sa kaniya, kumaway lang ako at nagsimulang maglakad papalayo. Nauuhaw kasi ako kaya naman nagpunta ako ng canteen para bumili ng chuckie.

Naisipan ko namang maglibot, kasi wala akong kasama ay magagawa ko iyon. Maaliwalas naman ang panahon. Habang naglalakad ako sa isang hallway ay nakita ko ang iba't ibang mga rooms kung saan nags-stay ang mga estudyante, bawat clubs ay mayroon. Sumilip ako sa table tennis room, may naglalaro roon, siguro ay pinaghahandaan na nila ang intramurals pero, ang alam ko ay matagal pa naman iyon ah. I don't want to try any types of sports. My hobby is... eating.

Luminga-linga ako sa palagid hanggang sa makarating ako sa basketball court. Minsan ay tinatawag ding gymnasium ito. Nang marinig ko ang mga dribble ng bola at mga langitngit ng mga paa ay agad akong napatingin doon. Sumilip ako sa may pinto at doon ko lang nakita na mayroon ngang naglalaro. I sip on my chuckie before taking a step in.

Mayroong iilang mga estudyante ang nanonood sa mga naglalaro. Is that the varsity team? Bakit parang kulang pa sila? Nasaan 'yung iba? Nakita ko pa ang coach nila na sapo-sapo ang kaniyang noo na para bang napakalaki ng problemang kinahaharap niya ngayon. Mas lumapit pa ako roon at umupo sa bench na pinakamalapit sa court. Nanood ako ng laban nila pero napapalya ang iilang galaw nila.

"Coach Val, kulang talaga tayo ngayon. Mas mauuna pa naman ang laban natin kaysa sa mismong end of class." Narinig kong sabi nung isang lalaking pinakamatangkad. Oo nga pala, tapos na ang intramurals, next year na lang ulit, may laban lang talaga sa ibang lugar ang mga nanalong team. 

Hindi ko rin alam kung bakit ba ako narito. May alam ako tungkol sa basketball pero wala akong balak na sumali sa team, hindi naman ako lalaki. Nanood kami noon. Mga grade levels lang ang naglaban-laban.

"Bakit ba kasi wala ang iba?" Inis na sabi ni Coach Val. "Kulang tayo ng tatlo. Kung hindi pa tayo magtetraining ngayon ay mahihirapan na tayong mag-ensayo sa mga susunod na araw." Napakamot ulo siya. Hindi ko alam kung ano ang kinakamoy niya e kalbo naman siya.

"They got on an accident, Coach. Matagal bago pa sila makarecover. Wala pa naman tayong makitang mga magagaling na basketball player dito." Anang isa pa. Napanting ang tenga ko sa sinabi niya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanila. "Ah... what the hell?" Gulat na tanong niya nang sumulpot ako sa gilid nila. Mayroong harang na mga bakal kaya roon ko ipinatong ang mga kamay ko.

"Kulang po kayo, hindi ba?" Tanong ko sa kanila. They all looked at me like I am not allowed to talk to them or asked them my stupid question. Anong pakialam nila? Bawal ba?

"Oo," tipid na sagot nung isa.

"Pwede po ba akong magpasok ng isa? Isang player po! May kilala ako." Sabi ko. Isa lang naman ang kilala kong gustong pumasok sa varsity team mula noon. Coach Val raised an eyebrow to me. "Magaling po siya! Mas magaling pa siya kaysa sa inyo." Taas-noong saad ko. Pero mali ata ang nasabi ko dahil biglang kumururot ang kilay niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon