"Kio... sabihin mo sa akin, mayroon bang problema?" Tanong ko muli sa kaniya. Baka mayroon na naman siyang tinatago sa akin... tungkol sa akin. I got traumatized about his true family, ano sa tingin niya ang mararamdaman ko kapag nagtago siyang muli sa akin? "Hoy—!"

"Can you please shut up for a while? Hindi mo ba kayang patahimikin ang bibig mo, Yakiesha?" Mariing sambit niya, hinampas niya pa ang manibela ng sasakyan. Tuloy ay natigilan ako sa pagsasalita.

"Okay, easy ka lang." Bulong ko sa sarili ko pero sinadya ko talagang iparinig sa kaniya. I act like as if I am zipping my mouth. Baka dakulin niya na lang ako bigla dahil sa kadaldalan ko.

Hindi na ako nagtaka noong madatnan ko sa bahay ang Mama at Papa ni Kio. Palagi naman silang narito. I hugged and kissed my Mom as I opened the door. Inalis ko ang sapatos at medyas ko, sinigurado ko munang wala sa likod ko si Kio, biglaan na lang kasing nanunulak ang kumag na 'yon. I smiled at Kio's parents, may galang naman ako kahit papaano. Umakyat muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit ko.

Nang bumaba na ako ay nakita kong nasa sala silang apat at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Wala si Kio, maybe he's taking a bath. I shrugged, bababa rin ang lalaking 'yon. I'm about to approach them but my mind says that I need to give them a private conversation. Sa tingin ko ay kakarating lang din nila, ang ginawa ko na lang ay nagpunta na lang ako ng kusina para maghanap ng makakain. It surprised me when I saw Jaxon is there. Sitting at my own chair. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ginagawa mo rito? Bahay mo ba 'to?" Pasiring tanong ko sa kaniya. Sanay na kami sa ganitong usapan, minsan ay maghahampasan pa kaming dalawa, lalo na kapag napipikon ako sa mga pang-aasar niya sa akin.

"Oo, angal ka?" He fired back.

"Nakikikain ka na lang, inaangkin mo pa 'tong bahay namin." Sabi ko naman bago ako kumuha ng pizza at juice saka inilapag sa may counter top. Kaysa naman sa samahan ko sa lamesa itong lalaking 'to, hindi kami matatapos sa pagkain kapag ginawa ko iyon.

"E 'di angkinin mo rin ang bahay namin, hindi naman ako aangal do'n." Aniya saka kumagat ng hawak niyang chocolate cupcake. Teka, saan niya nakuha 'yon? Wala akong nakitang ganoon sa ref ah!

"Ayoko nga, baka umuwi lang ako ng wala sa oras. May bahay naman ako, bakit ko pa aangkinin ang sa inyo?" I smirked and winked at him.

"Mag-stay ka ro'n." He uttered.

"Anong gagawin ko naman doon?" My forehead creased. Muli kong kinagatan ang pizza ko, mainit pa... baka binili nila iyon.

"Gagawin kitang alila. Yaya Heira Yakiesta Sylvia. Oh, 'di ba, puro ah ang tugma." Hinawi niya pa ang hangin. Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ay marahil nabato ko na siya ng kutsara o kaya naman sandok para mas malaki.

Sasagot pa sana ako nang pumasok din si Kio rito. Ni hindi siya nagsalita, bahagya niya lang kaming tinapunan ng tingin bago binuksan ang ref at uminom ng tubig doon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jaxon, I shrugged, nagtataka rin ako sa mga inaakto ni Kio ngayon.

"Baka may regla siya ngayon." Jaxon whispered nang makaalis na si Kio. Mayayari ang lalaking 'to kapag narinig siya ni Kio. Sabay kaming napatawa sa sinabi niya. Baka wala lang sa mood si Kio kaya siya ganoon.

"Kanina pa siya ganiyan, hindi ko alam kung bakit ang sungit niya. Ikaw ba? Walang nasasabi ang kapatid mo sa 'yo? Kuya ka naman niya... baka may naiikwento siya sa 'yo." I saw him stilled. Siguro ay nagulat siya dahil alam ko ang totoo sa pagitan nila. No need to hide it. Masyado silang halata. I act normal kahit na ang totoo ay kinabahan ako, paano ayaw niyang ipaalam sa akin ang totoo? Pakialamera ka kasi, Heira.

"You know the t-truth?" Nag-aalangang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango habang tumatango. Ang totoo nito ay tinatago ko lang sa pag-inom ko ang panginginig ng labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Para bang may sasabihin siyang ayaw kong malaman... ayaw kong marinig.

"Oo..." Nag-iwas ako ng tingin. He's looking at me intensely!

"You know that... Mommy is the true mother of Kio? You already knew that... we're his family?" Tanong niya pa sa kaniya. Natawa pa ako sa kaniya. Bakit ba parang gulat na gulat siya? Parang naalala ko noon na... tinawag ni Kio si Tita Hazel. Doon pa lang ay malalaman mo na ang totoo.

"Oo nga, ang kulit." Natatawang sabi ko, sinubukan kong magbiro dahil mayroon ng namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Well, Jaxon is a jolly person, he can laugh while we're all having a hard time with solving some problems, he alleviates difficult situations with only his flowery words.

"Ano pa ang nalalaman mo bukod sa kami ang totoong pamilya niya?" He asked me. For a reason, nagtaka ako sa tono ng pananalita niya, ang dalawang palad niya ay nakalapat sa lamesa, ang pang-upo niya naman ay bahagyang nakaangat. Aatakihin ba ako ng kwago este ng agila na 'to?

"Uhm..." Hinaplos ko ang baba ko, pinikit ko ang isa kong mata para maging makatotohanan ang pag-akto kong ito. Nakita ko ang pamumutla niya, mayroon pang pawis sa kaniyang noo habang nakatingin sa akin. May multo ba sa likod ko? "Wala naman... 'yon lang ang alam ko tungkol sa inyo. Bakit? May dapat ba akong malaman?" Ngumisi ako.

Nakahinga naman siya ng maluwang. Nasapo niya ang dibdib niya habang naghahabol ng hangin. Hindi ba siya humihinga kanina habang hinihintay akong sumagot sa kaniya? Hindi siya nagsalita, we waited for a while bago niya ako iniwan doon ng wala man lang pasabi. My lips parted, napakurap-kurap ako habang tinignan ang dinaanan niya.

"Hoy! 'Yung mga pinagkainan mo rito, iniwan mo! Bumalik ka rito, Jaxon! Hugasan mo ang mga 'to!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now