"Baka lagnatin ka niyan, Heira. May sakit ka ba? Baka naman tinatrangkaso ka na." O.A na saad niya, inilagay niya pa ang palad niya sa aking noo at sa leeg ko. Yinapos ko naman 'yon, may kiliti ako sa leeg. Kung sakaling sakalin man ako, baka matawa pa ako.
"Siraulo. Baliw." Sabi ko sa kaniya. "Huwag na lang kaya kitang ilibre? Tutal nagrereklamo ka rin naman. Pwede namang ikaw na lang ang magbayad ng bibilhin mo."
"Joke lang naman. Napaka-bipolar mo, Heira. Parang binibiro ka lang naman, mare." Niliitan niya pa ang kaniyang boses at pinalupot ang kamay niya sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman lumayo siya sa akin. "Oo nga pala. Baka mabugbog ako ng wala sa oras kapag sumakbit ako sa 'yo."
"Ha?" Takang tanong ko sa kaniya. Umiling-iling lang siya habang kinakamot ang kaniyang noo habang nakangisi. Siraulo ba siya? Para ganoon lang mabubugbog na siya?
Gaya ng sinabi ko, ako na lang din ang nagbayad, saglit lang kaming kumain sa canteen, nakakawalang gana kasi roon. Palahi kaming napapangiwi kapag nakikita namin ang mga estudyanteng naglalampungan, nagsusubuan pa ng mga pagkain nila. Mabilaukan sana kayo! Sa huli ay mas pinili na lang naming kumain habang naglalakad kami pabalik ng room. Lumayo pa ako kay Kenji, alam kong kapag naubos ang pagkain niya, 'yung sa akin naman ang dadaldakin niya.
"Ang sarap!" Sabi niya saka nginuya ang burger na kinakain niya. Daig pa niya ako, dalawang burger ang hawak niya samantalang ako, isang corned hotdog at hotdogs on buns lang ang binili ko, ang liliit pa.
"Halata namang nasasarapan ka, ang dungis mong kumain." Komento ko saka kumagat sa kinakain ko. "Ji, dahan-dahan naman, kapag ikaw nakarma! Wala pa namam tayong dalang tubig." Sabi ko tsaka tumingin kay Maurence, agad naman niyang tinago ang softdrinks na iniinom niya.
"Akin lang 'to. Walang makakapigil sa akin, walang hihingi." Ang boses niya parang nagbabanta. Sayang naman, hindi na ako nakabili ng inumin dahil may hawak na ako sa magkabila kong kamay.
"Sinabi ba naming hihingi kami?" Tanong ni Kenji. "Pero... painom nga ako! Kanina pa ako nauuhaw!" Sinubukan niyang abutin ang hawak ni Maurence kaso tinaas naman nung isa sa ere ang softdrinks niya. "Ang damot mo ah! Isang sipsip lang naman! Pangako, hindi ko uubusin!"
"Promise are meant to be broken!" Angal naman nung isa at tinapik ang noo ng batang singkit. "Isang sipsip lang? E, kakaiba 'yang lalamunan mo. Kulang na lang pati straw lunukin mo." Aniya saka nagtago sa likod ko.
"Yakie, oh!" Kenji complains to me. Akala mo naman ay magagawa ako, nagmamaktol pa ang isip bata. Hindi ko siya pinansin. Naglakad na lang ako habang kumakain ako.
Kumakain ako habang silang dalawa ay nagtatalo dahil sa softdrinks. Gusto pala niya ng gano'n, e 'di sana nagpabili siya ng gano'n. Buti na lang at mayroon akong chuckie sa bag ko. Bahala siya sa buhay niya. Habang nagkaklase kami ay patago kaming kumain ni Kenji, hindi naman kami nahahalata sa ginagawa naming dalawa. O kaya, nakikita nila kami pero hindi nila kami binabawalan kasi sanay na sila sa amin. Sa kotse ni Kio ako sumakay, bubwisitin ko pa sana siya pero nakita kong napakaseryoso niya ngayon.
Sanay naman ako sa palaging salubong na kilay at kasamaan ng titig niya dahil palagi ko iyong nakikita pero kakaiba ang aura niya ngayon. Halos magdilim ang kotseng sinasakyan namin ngayon dahil sa dilim ng mukha niya. Nagliliyab ang mga mata niya. Halos lumubog na ako sa kinauupuan ko ngayon. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya. Missiom accomplished, he glance at me.
"Nakakatakot ka naman, Kio!" I tried to say it jokingly, tumawa-tawa pa ako para madala siya sa sinabi ko pero nabigo ako. Saglit niya lang akong sinulyapan pagkatapos ay binalik niya na ang mga mata niya sa daan. "Anong problema natin r'yan, brother?" Tanong kong muli. I swallowed hard when I saw his grip on the steering wheel tightened. May nasabi ba akong hindi maganda?
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 241
Magsimula sa umpisa
