Kung pwede lang akong gumawa ng bucket list ay ginawa ko na pero tamad pa akong magsulat kaya huwag na lang. At isa pa, hindi ko naman hahayaang barilin, saksakin o patayin man nila ako. Gusto ko pang mabuhay ng mas mahaba. Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend tapos titigukin na nila ako? Ang sama naman nilang nilalang. Bumuntong hininga ako, nababaliw na 'ata ako. Dapat chill lang, relax, Heira.

"Ji, sa tingin mo ba... anong magandang gawin bago ako mamatay?" I suddent blurp up. Hindi ko rin alam kung saan ko iyon nakuha. Tanga lang siguro ako ngayon kaya ganoon na lang ang nasabi ko. Hinaplos niya ang kaniyang baba na para bang nag-iisip siya ng sagot sa tanong ko sa kaniya.

"Mamatay agad? Hindi ba pwedeng maghirap ka muna? Ako na bahala sa kape kapag alam mo na. Basta ako na rin uubos sa zest-o." Sagot niya sa akin at nagkibit-balikat siya. Binatukan ko nga, kahit kailan talaga ay hindi siya matinong kausap. Napasimangot siya at tinago ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. "Yakie naman ih! Kapag talaga nawala ka, hindi kita iiyakan! Tatawanan pa kita kasi fuchsia pink ang lipstick mo." He mocked.

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inasahan na sasabihin niya sa akin ang mga salitang iyon. Well... alam kong nagbibiro lang siya pero hindi ko maiwasang malungkot. Parang kinurot ang puso ko hindi dahil sa sinabi niyang tatawanan niya ako kundi dahil doon sa pinahiwatig niyang hindi siya iiyak. Paano kung nawala na nga talaga ako? I will give pain to the people I love. They will cry and be miserable because of me. Hindi man niya sabihin ay alam kong iiyak siya kapag dumating ang araw na iyon? Sino bang hindi?

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo ko pang naisip na dapat mag-ingat ako. They all have an eyes on me... those men. Alam kong kahit saan man ako magpunta ay sinusundan nila ako. They all know I’m a brave woman but they don’t think I have weaknesses either. Those are the people I have come to love. Hindi pa ako handa sa panibagong sakit sa katawan kaya umiiwas muna ako sa gulo. Puro peklat na lang ang balat ko dahil sa mga natamo kong sugat sa pakikipagbasag-ulo ko.

"Oy, 'wag mong seryosohin, Yakie. Pumapangit ka na naman. Joke lang 'yon, syempre hindi ka pa mamatay. Mas mauuna pang mategi ang papatay sa 'yo kasi nasa malapit lang si Pareng Kayden." Bawi niya sa sinabi niya. Ang kaninang nakabusangot kong mukha ay napalitan ng ngiti.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. Tutal, mahaba pa naman ang oras namin, pwede pa kaming magpunta sa canteen. Nang marinig niya ang salitang 'pagkain,' agaran siyang tumayo. Nakasalubong pa nga namin si Maurence, at ang batang kumag, inaya pa talaga siyang sumama sa amin. Imbes na iisa na lang ang ililibre ko, nadagdagan pa.

While we're on our way to the canteen, I was wondering what will be our plans for this kind of situation. Alam kong may ginagawa na si Kayden, palihim iyon pero ako... nahahalata ko siya, hindi niya kailangang itago sa akin pero hindi ko rin naman siya tinanong. Magsasabi naman siya kung may ginagawa na siyang hakbang. Kayden is a mysterious man. Nakakatakot kapag siya na ang gumalaw.

"Libre mo ba, Heira?" Tanong ni Maurence sa akin habang nasa pila kami. Kinamot ko ang ulo ko. Sana ay sapat ang dala kong pera ngayon para sa aming tatlo.

"Oo pero huwag niyong damihan, baka kayo lang ang ipambabayad ko kapag nagkulang ang dala kong pera." Sagot ko sa kaniya.

"Kuripot ka." Aniya. "Minsan lang naman ako magpalibre sa 'yo, pwedeng palabok at softdrinks? Sawa na 'ko sa mga sandwiches e." Reklamo pa niya. Buti na lang at hindi nakikisali si Kenji sa usapan naming dalawa. Busy ang hapon sa kakapili ng gusto niyang kainin.

"Oh, siya. Ikaw ang bahala. Mag-order ka na lang ng sa 'yo, ako na lang ang magbabayad." Pagsuko ko, ngumisi naman siya ng nakakaloko. I frowned as I crossed my arms below my chest.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now