Lumapit ako sa kanila, kahit na anong gawin ko, hindi ko maitago ang inis ko kaya naman pinitik ko ang noo nung lalaki, napangiwi naman siya.

Pitik pa lang pero hindi na umuubra, pa'no pa kaya kapag sinapak ko na siya? Baka naman tumakbo na ang kaluluwa niya.

"Magsasalita ka o magsasalita ka?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

"Wala akong maibibigay na sagot sa inyo." 'Yon lang ang sinagot niya sa 'min, parang pagod na pagod pa siyang sabihin ang pitong salitang 'yon

"Darn it. Who are you?! And who's your fucking stupid bullshit boss?" Galit na talaga si Kayden ng itanong niya 'yon.

"Sa tingin mo ba magsasalita ako dahil nahuli niyo na ako?" Ngumisi ang lalaki na siyang nagparamdam sa 'kin ng matinding kalabog sa puso.

"Yes." Sagot ni Kayden, kinagat ko ang ibabang labi ko, ngayon ko lang siyang nakitang ganito ang gigil at galit. "...I will fucking kill you... the all of you kapag hindi ka nagsalita." Parang pulis siya kung magtanong.

"Hindi ako takot sa inyo." Sulyap niya sa 'kin.

"At kanino ka takot? Sa boss mong gago?" Inis na tanong ko sa kaniya, sumama naman ang tingin niya sa 'kin. "'Wag mo akong tignan ng ganiyan, tusukin ko mata mo r'yan." Pagbabanta ko sa kaniya, mukhang natakot naman siya dahil umiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Anong dahilan niyo at bakit niyo siya sinusundan?" Tanong ni Kayden.

"Itanong niyo sa boss ko, 'wag ako, napag-utusan lang ako." Sagot naman nung isa.

"Alam ko! Gago ka pala e." Bulong ko sa kaniya, library 'to, baka ma-ban pa kami rito kapag narinig nila ang malulutong kong mura. "Ikaw ba ang nananakot sa 'kin? Sabihin mo sa 'kin kung sino ang nagbibigay sa 'kin ng mga death threats?!" Hindi ko na mapigilang sumabog.

Ngumisi siya, pero mas nakakatakot ang itsura niya ngayon, naging madilim ang mga mata niya. Napalunok ako pero pinaalis ko rin ang kaba at takot na namumuo sa loob ko dahil kasama ko si Kayden.

Ligtas ako kapag siya ang kasama ko.

"Hindi ako 'yon. Ilusyon mo lang ang lahat ng mga sinasabi mo, babae." Sagot niya sa 'kin, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabatukan ko na siya. Nakakabwisit kasi.

"Ano 'yon ha?! 'Yung kabaong? 'Yung patay na uwak, 'yung mga bulaklak? 'Yung mga pictures? 'Yung sa cr? Gawa-gawa lang ng illuminati 'yon ha? Gunggong!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Humalaklak siya pero agad na tinakpan ni Kayden ang kaniyang bibig, napapikit ako ng mariin ng may tuminging mga estudyante sa gawi namin.

"Marami kami. Marami kaming sumusubaybay sayo. Lahat... lahat ng galaw mo ay alam namin... alam ko." Tumawa muna siya bago nagpatuloy pero naging seryoso siya at madiin pa. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'min. Kulang ang buhay mo para pamalit. Kulang ang buhay mo para ibalik lahat ng nawala... para ibalik lahat ng mga nangyari." Aniya, nagtaka ako, walang reaksyon ang mukha ko ng tinignan ko siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko sa kaniya.

"Lahat ng mahal mo sa buhay... ay gagalawin namin, lahat ng malapit sayo, papahirapan namin... wait for our vengeance." Sagot niya, napahawak ako sa pader dahil sa panglalambot ng tuhod ko.

Umawang ang labi ko at kumurap-kurap, ibig sabihin no'n ay hindi lang ako ang puntirya niya, hindi lang ako kundi ang pamilya ko... ang mga kaibigan ko. Ayokong mangyari 'yon, hindi pwedeng mangyari 'yon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now