Ilang saglit lang ay binitawan niya rin ako, umayos ako ng upo at isa-isa ko silang tinignan. Si Jaxon ay walang emosyon ang mukha, nakalagay sa tuhod niya ang mga siko niya, ginulo niya ng marahas ang buhok niya.

Si Kio naman ay nakatayo, nakapamewang at ramdam na ramdam ko ang galit niya. Iniwas ko ang mga paningin ko sa mata niya dahil sa nag-aapoy ang mga 'yon, ang hirap labanin.

Sina mommy at tita... hindi ko pa alam ang pangalan nila. Parehas silang parang stress, panay ang pagsuklay nila sa mga buhok nila at parang takot na takot.

Pumasok si daddy at si tito, may dala silang martilyo, baka 'yon ang ginamit nilang panira sa kabaong. Parehas na mabilis ang paghinga nila, alam kong galit din sila pero agad na lumambot ang reaksyon ng mukha nila ng makita nila ako.

"Anak..." Tawag din sa 'kin ni daddy, lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"‘Wag kang matakot ha... Daddy and Kio are here to protect you." Aniya, tumango na lang ako sa kanil, pumipikit na ang mga mata ko kahit na maaga pa lang.

Ngumiti ako ng tipid sa kanila. "Aakyat na po ako sa kwarto ko. Gusto ko na pong matulog." Paalam ko sa kanila.

"Sleep well... my princess." Ani daddy at hinalikan ang noo ko, kita ko kung paano umiwas ng tingin si tito, 'yung tatay ni Kio.

Tumayo ako at tumango sa kanila. Gusto man akong lapitan nung babae pero nalampasan ko na siya. Hindi naman sa pagiging bastos pero hindi pa rin ako kumportable na nasa paligid sila kahit na magaan pa ang loob ko.

Pumunta ako sa loob ng kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama ko, tinignan ko lang ang kisame. Walang butiking gumagawa ng milgaro ngayon, himala. Tumuyo na rin ang mga luha sa mata ko.

Unti-unting bumagsak ang mga talukap ng mata ko at nilamon na ako ng antok. Nalingat na lang ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit, naka-uniform pa ako.

Tumayo ako at nakitang alas dyes na ng gabi, siguradong tulog na ang mga kasama ko sa bahay, pumunta muna ako ng banyo para maglinis ng katawan. Bumaba ako at dumeretso sa kusina.

Binuksan ko ang ilaw at naghanap ng pagkain sa loob ng ref. Tangging palabok lang ang nando'n at 'yung ibang gulay. Kung mero'ng palabok, baka mero'n ding mango graham cake.

Pumayagpag ang mga bituka ko ng makitang mero'n pa nga, nakita ko sa freezer. Inilabas ko 'yon, pati na rin 'yung natirang palabok. Inilagay ko sa microwave ang sauce para hindi malamig.

"Are you feeling well?" Napatalon ako ng makitang nasa tabi pala ng ref si Kio, may hawak na kape, teka, gabi na ah!

"Oo, ayos lang naman ako palagi." Ngumiti ako sa kaniya saka ko sinara ang tupperware na pinaglagyan ng mango graham cake. "...Ako pa ba? Si Yakiesha mo ata 'to!" Pagmamayabang ko sa kaniya, ngumiwi lang naman siya.

"Hindi mo kailangang magpanggap. I know that you're still scared because of what you saw." Aniya bago si umupo sa pwesto niya, inabutan ko si nung pagkain pero tumanggi siya.

"Syempre matatakot talaga ako dahil 'yung itsura pa lang nung manika, matatakot ka na talaga." Sinubukan kong magbiro, ng tumunog ang microwave ay saka ko binuhos ang sauce sa noodles.

Umupo ako sa tabi niya, inilagay ko ang kalamansi at 'yung bawang na pinirito, pati na rin 'yung chitcharon. Inalok ko ulit si Kio pero sa pangalawang pagkakataon ay tumanggi siya. Bahala na nga siya.

"Kailan ka pa nakakatanggap ng mga gano'n?" Seryosong tanong niya sa 'kin, sumagot muna ako bago kumain.

"Ang alam ko..." Nag-isip pa muna ako, hindi ko na alam kung kailan ba talaga. "...Nung pumunta kami sa lockers. Oo ro'n." Inisip ko muna kung doon ba talaga.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now