"Let's go. Wala na siya." Sabi niya, sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya gano'n ang ginawa ko.

Nakahinga ako ng maluwang ng makalabas kami ng banyo. Hindi kami nagsalitang pareho habang papunta kami sa room, panay ang paglinga namin sa paligid, baka bigla na lang may magtakip ng bibig ko.

Pumasok kami sa room at parang nawala ang kaba ko ng makitang wala pang teacher. Sabagay, hindi ko rin pala narinig ang pagtunog ng bell. Kunot-noo nila akong tinignan, pabalik-balik ang tingin nila sa 'kin at kay Adi.

Salubong naman ang kilay ni Kayden habang tinitignan ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya, umupo. ako sa pwesto ko, bumuga ako sa hangin ay pinasadahan ng palad ang buhok ko.

"Oh? Saan kayo galing?" Tanong sa 'kin ni Eiya sa 'kin, medyo nakatagilid siya para makatingin siya sa 'kin, nasa harapan kasi siya.

"D'yan lang." Walang kwentang sagot ko sa kaniya, marahas kong kinamot ang ulo ko, oo nga pala, dapat nandito na rin kami kanina pa.

"D'yan lang? Maraming d'yan lang." Pilosopong tugon niya.

Sumulyap siya kay Adi na ngayon ay nakaupo na rin sa pwesto niya, ngumiti si Eiya ng nakakaloko na para bang may kalokohang sumagi sa isipan niya. Bumuntong hininga ako saka ko siya tinignan ng masama.

"Sa banyo." Sinserong sagot ko sa kaniya, nagulat naman siya, muntikan pa ngang nahulog sa upuan niya.

"Sa banyo?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin, tumango na lang ako. "Anong ginawa niyo sa banyo?"

Ngumiwi ako at binigyan siya ng hindi maipaliwanag na itsura. Anong klaseng tanong 'yan, Eiya?

"Malamang umihi, anong gusto mong gawin namin sa banyo? Kumain?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, pwede naman kayong magkainan do'n." Sagot niya saka tumawa pero nawala rin 'yon nang makarinig kami ng isang malakas na buntong hininga.

Nakita ko ang takot sa mga mata niya, buong akala ko ay sa 'kin siya nakatingin pero nagkamali pala ako. Tumagos ang tingin niya sa 'kin, sa likod ko siya nakatingin kaya naman lumingon ako roon.

Kitang-kita ko sa mukha ni Kayden ang galit. Pulang-pula ang mukha niya hanggang sa tenga, nag-igting ang panga niya, madilim at matalim niya akong tinignan, todo kuyom pa ang mga palad niya.

"Mukhang mali ata ang sinabi ko." Bulong niya saka humalukipkip.

"Hayaan mo siya. Wala naman kaming ginawang masama ni Adi." Paliwanag ko sa kaniya, siguro pwede kong sabihin sa kaniya ang nakita namin ni Adi.

"Umihi lang kayo pero ang tagal niyo, anong inihi niyo? Isang balde?" Nakangiwing tanong niya sa 'kin, inilapit ko sa kaniya ang mukha ko para bumulong.

"Sa totoo lang, nagbawas ako." Sabi ko sa kaniya, napahalakhak na lang siya kaya naman sinenyasan ko siyang tumahimik, gano'n din naman ang ginawa niya. "Mero'n pa kasi, 'wag ka munang tumawa r'yan." Dagdag ko pa.

"Ano naman 'yon."

"Kanina, parang may nakita akong nakaitim na jacket na palaging nakatingin sa 'tin, ang hinala ko ay siya 'yung isa sa mga taong nagpapadala sa 'kin ng death threats."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi ko, parang tumitindig ang balahibo ko kapag sinasabi ko ang salitang 'death.' Hindi pa rin pala talaga ako handa.

Inilapit niya rin ang mukha niya sa 'kin. Ngayon ay naging interasado na siya sa mga sasabihin ko. May kaniya-kaniyang ginagawa ang mga hudlong kaya naman kaming dalawa ni Eiya ang nag-uusap.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt