Nakaputing sando siya, nakapants, may nakapalupot na puting panyo sa kamay niya at may bahid ng dugo dahil sa bakas ng mga 'yon. May iilan din siyang sugat sa mukha at kalmot sa braso.

"Nakipag-away ka ba?" Tanong ko kaniya, kumunot ang noo niya tsaka siya tumikhim.

Sinamaan niya ako ng tingin bago niya ako tuluyang nilapitan at sapilitang tinayo, hinila ba naman niya ang kwelyo ko at tinaas na parang isang aso. Muntikan na akong masakal.

"Aray! Ano ba!" Daing ko, inayos ko ang suot ko, tumayo na rin si Kenji saka tumakbo papunta sa upuan niya.

Pipigilan ko na sana siya pero humarang sa harapan ko si Kayden, kinamot ko ang batok ko at sumimangot, ano bang masama kung umupo ako sa lapag? Bawal ba 'yon?

"Uupo na ako, Kayden. Magriring na niyan ang bell." Sabi ko sa kaniya, akmang lalagpasan ko na siya pero humarang nananaman siya.

"Ano?" Nakasimangot na tanong ko sa kaniya. "Tatayo na lang tayo rito—!"

Natigilan ako ng bigla niya akong hinalikan, nakatalikod ang lahat ng mga hudlong at babaita kaya walang nakakita no'n pwera kay Kenji na ngayon ay nakatingin sa 'min na para bang kinikilig dahil sa nakita.

Ang init sa leeg ko ay parang umakyat sa mukha ko. Mabilis lang namang dampi 'yon pero ang laki ng epekto sa 'kin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglabas ng mga ngiti na pilit kumakawala sa mukha ko.

"Next time. Sit properly, you're a woman, no one can see your body... except you, don't let anyone to overview you." Aniya bago siya tumalikod saka umupo sa pwesto niya.

Umawang ang labi ko at kumurap-kurap, a-ano raw? Parang nalutang na lang ako dahil sa sinabi niya. Tulala at napirmi ang mga mata ko sa mukha niya.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng pumasok ang teacher namin. Yumuko ako buong oras ng klase namin, ayaw kong makita ng iba na namumula ang mukha ko. Siguradong manghihinala sila.

Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kami ng canteen para kumain. Ayaw ko mang pumunta ro'n pero pinilit kong inalis sa utak ko 'yung masama at mabigat na pakiramdam sa loob ko. Hindi naman siguro sila gagawa ng kahit na ano ngayong araw na 'to? 'Diba?

Pagkapasok namin ng canteen, normal naman ang lahat. Kung ano ang palagi kong nakikita, gano'n pa rin naman ngayon pero ewan ko ba, pakiramdam ko ay may mga mata ma matalim ang titig sa 'kin, sa sobrang talim ay gusto na akong tusukin.

Tumingin-tingin ako sa paligid, nagbabakasaling may makita akong kakaiba. Naiwan na 'ko sa gitna, nakatayo at parang gagong naghahanap ng taong pwedeng mapagkamalan.

Nasa pila na ang mga kasama ko, tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinakinggan. Tumama ang mga mata ko sa dulo ng canteen kung saan mayroong mga estudyanteng kumakain.

Hindi naman sila nakatingin sa 'kin pero kakaiba ang aura ng lamesa nila. Bakit kaya gano'n? Umiling na lang ako at sumunod sa pila. Siningit lang ako ni Kenji dahil ako ang magbabayad sa pagkain niya.

Pagkatapos no'n ay pumunta kami sa tambayan, bumuga ako sa hangin dahil hindi talaga mawala sa dibdib ko ang bigat ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay napakalapit lang nung taong sumusunod sa 'kin.

Ngumiti ako sa kanila tsaka ko binaba ang hawak kong tray sa lamesa. Umupo ako, syempre katabi ko si Kenji, kailan ba ako nilubayan ng batang 'to? Si Kayden naman wala pa.

Palaisipan pa rin sa 'king kung saan niya nakuha 'yung mga sugat, pasa at kalmot na nasa katawan at mukha niya. Halatang ngayon niya pa lang nakuha 'yon dahil sa sariwa pa ang 'yon. Isama mo pa 'yung mga kamay niyang puro dugo.

Wala kaming kasama ngayon, kami-kami lang pero hindi ako mapakali lalo na nakita ko kanina 'yung lalaki sa may 4th building, ang ibig sabihin no'n ay nasa malapit lang siya.

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong sa 'kin ni Chadley, nasa harapan ko na pala siya.

Lumunok ako at tinignan ang mga kasama naming nag-aabutan na ng mga C2, juice at kape, pati na rin mga kutsara. Kumakain na pala sila. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya, bumuga ako ulit at umiling-iling.

"Kakain na." Sagot ko sa kaniya, pilit kong pinasigla ang boses ko.

Kinuha ko ang plato kong may lamang kanin. Nasanay na kasi 'yung tindera sa 'min na kapag ako ang bumili, nakahiwalay na agad ang dalawang kanin pati na rin ang dalawang ulam dahil alam niyang hati kami ni Kenji

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Natatawang tanong niya pero madilim ang mga mata niya.

"Wala. Iniisip ko lang kung anong ulam mamayang gabi." Sabi ko sa kaniya, rinig ko ang pagbuntong hininga ni Kio.

Tumawa na lang si Chadley. Alam nilang lahat na nakakakuha ako ng mga death threats pero ayaw kong malaman nila ang tumatakbo ngayon sa utak ko. Pagkatapos naming kumain ay kaniya-kaniya sila ng ligpit.

Pinauna ko na sila, sumasakit kasi ang tyan ko, baka call of nature na 'to. Nagpapahinga lang ako saglit, magliligpit na rin ako. Nauna na silang pumunta ng canteen para ibalik ang mga pinagkainan nila.

Ilang saglit lang ay sumunod na rin naman kami ni Adriel, ayaw niya akong iwanang mag-isa rito dahil baka mawala raw na lang ako bigla. Pumunta kami sa canteen at binalik ang mga plato namin.

Napansin ko rin na kagaya ko, hindi rin siya mapakali, seryoso ang mukha niya at nag-iigting ang panga niya. Pagkalabas namin ng canteen ay sinabi kong tulungan niya muna akong pumunta ng banyo dahil kumakalam talaga ang tyan ko.

Hanggang sa labas lang naman siya, hindi ko naman siya papasukin sa loob. Buti na lang at walang tao sa loob ng women's restroom, hindi nila maaamoy ang... 💩.

Nakahinga ako ng maluwang ng mailabas ko na 'yon. Nakasara ang pinto, nakakapagtaka lang dahil may naririnig akong mga kalabog sa labas. Heto nananaman po tayo, kaya ayaw kong pumupunta rito sa cr na 'to e.

Naghugas at nag-alcohol ako ng kamay bago ako lumabas. Kumunot ang noo ko ng wala na sa labas si Adriel. Walang tao rito sa pasilyo ng cr. Tinawag ko siya ng ilang beses pero hindi siya sumagot.

Dahan-dahan akong lumapit sa men's restroom. Pinikit ko ang isang mata ko dahil baka may makita akong hindi dapat makita. Kumatok ako.

"Adriel!" Tawag ko sa kaniya. "Nandiyan ka pa ba, Adi?" Tanong ko pero walang sumagot, may narinig akong buntong hininga.

Baka wala nga siya ro'n. Sumulyap muna ulit ako sa pinto bago ko napagpasyahan na tumalikod na pero nagulat ako ng may humila sa 'kin at pinasok ako sa banyo na 'yon, tinakpan niya ang bibig ko kaya naman hindi ako makasigaw.

Nag-umpisa na akong kabahan ng isara niya ang pinto gamit ang paa niya, nasa tapat kami ng pader kaya hindi ko pa siya makita sa may salamin. Sino kaya siya?

Siya na ba 'yung palaging sumusunod sa 'kin? Namumuo na rin ang pawis ko sa noo ko, nanlalambot ang tuhod ko. Alam kong handa ako sa kamatayan ko pero bakit ang aga naman ata? Ayaw ba nilang i-extend muna ang buhay ko?

Naramdaman ko na lang na binitawan niya ang bibig ko, pati na rin ang hawak niya sa braso ko. Sisigaw na sana ako ng itulak niya ako kaya naman napadikit ako sa pader, tumama ng malakas ang likod ko kaya napapikit ako.

"H-hey... I'm sorry." Binuksan ko ang isang mata ko, 'yung isa ay nakapikit pa rin.

"Adi?" Tanong ko sa kaniya, mas lalong dumikit ang katawan at ulo ko sa pader ng makitang sobrang lapit niya sa 'kin, ramdam ko ang mabibigat na paghinga niya.

Wala namang tao sa loob ng banyo, kami lang. Napalunok ako, sinenyasan niya akong tumahimik gamit ang hintuturo niya, tumango na lang ako sa kaniya.

"May susunod sa 'tin... sayo."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now