"Paubos na e, 'yung sayo naman ang ubusin natin." Sabi niya naman, aba nangatwiran pa siya ah.
"Bili ka na lang, 'wag mo akong idamay sa kagutuman ng mga bituka mo." Sambi ko saka ako humigop sa juice ko na parang sumobra sa tubig kaya walang lasa, puro pakla lang ang nalalahan.
"Pera." Pumalad siya sa 'kin saka pinataas-taas ang kilay, abot langit pa ang ngiti niya ngayon.
"Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" Maang-maangang tanong ko sa kaniya.
"Sabi mo bumili ako e. Bigyan mo ako ng pambili." Aniya, hinila-hila niya pa ang manggas ko.
Inilapit ko sa kaniya ang hawak ko. "Kuha ka na lang, hindi ko alam kung anong pera ang tinutukoy mo, wala sa bokabolaryo ko 'yon." Anong akala niya sa 'kin? ATM?
"Wow, bokabolaryo, what a word." Pang-aasar niya sa 'kin, sinagi ko na lang ang balikat niya para patigilan na lang siya.
"Pasok na tayo sa loob, baka hinahanap na tayo ng mga kaklase natin." Pang-aaya ko sa kaniya.
Ang totoo, ayaw ko pang pumasok ngayon dahil mero'n pa akong kinakain pero mabigat kasi ang pakiramdam ko sa paligid.
Parang mero'ng nakatingin ngayon sa 'min, dumilim ang aura ng paligid, nandito lang sa paligid ang sumusunod sa 'min, paano ba siya nakakapasok dito sa Brently Autria University?
"Ayoko, Yakie. Ang init do'n." Angal niya sa sinasabi ko.
"Lima ang electric fan natin do'n, kung gusto mo, lahat buksan mo, basta ikaw ang magbabayad ng kuryente natin."
Oo totoo 'yon, iba pala ang electric bill namin sa mga nasa ibang grade at section. Nabigla na lang kami nung isang buwan dahil may binigay sila sa 'ming papel na nagsasabing bayaran daw namin ang kuryenteng nagamit namin.
Buti na lang talaga may pondo kami, kahit tig-iisang daan lang ang bayad namin nagkasya na, may sumobra pa, baka 'yon ang ipambabayad namin ngayong buwan.
Gusto naming magreklamo dahil masyado na nila kaming pinapahirapan ngayon. Oo, hindi kami tinuturing na kabilang sa B.A.U. dahil nga parang basura lang kami sa kanila, pero bakit naman mero'n pang ganito? Parang sumusunod na ata sila ah.
Ayaw lang naming magkagulo kaya naman hindi na namin tinuloy, kaya pa naman 'to, ilang buwan na lang baka aalis na kami sa section na 'yon. Pero para sa 'kin, kahit na gano'n ang sitwasyon namin, do'n ko pa rin gustong manatili.
Napalingon ako sa kanan ko, sa gawi ni Kenji pero sa likod niya. Kumurap-kurap ako, umawang ang labi ko saka kinusot ang mga mata ko. Nanananginip ata ako?
Parang namalik-mata ako ng may nakita akong parang dumaan sa may papunta sa likod ng 4th Building, halos katabi lang namin 'yon, may daanan kasi ro'n.
Hinila ko ang kamay niya, nakaitim 'yung nakita ko. Imposible namang black lady ang nakita ko dahil hindi naman dress ang suot niya.
"Bakit ba?" Ngumuso siya. "Gusto kong dito muna, ikaw nanghila sa 'kin e." Reklamo niya sa 'kin.
"Sige, kung ayaw mong pumasok, d'yan ka na lang, may multo r'yan." Pananakot ko sa kaniya, kumaripas na ako ng takbo para takutin pa siya.
"Yakie! Hala! Teka, 'wag mo akong iwan dito!" Sigaw niya sa 'kin saka siya sumunod. Tinawanan ko lang siya, ayaw niya palang sumunod ah.
Pumasok kami sa room, muntikan pang matapon ang hawak kong pagkain ng hablutin na lang bigla ni Vance 'yon saka ako tinakbuhan. Oo nga pala. Hindi ako pwedeng magdala ng pagkain dito, auto ubos.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 237
Start from the beginning
