Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Ramdam ko ang galit na nasa dugo ko. Ayos lang naman sa 'kin kung ako ang pagbantaan nila. Ayos lang sa 'kin kung ako ang saktan nila. Ayos lang sa 'kin kung ako ang takutin nila.
Basta 'wag lang ang mga kaibigan ko dahil alam kong walang laban ang dalawang 'yon sa kanila. Subukan lang nilang saktan ang mga kaibigan ko, hindi ko lang alam kung anong magagawa ko kapag nangyari 'yon.
Kung kaya ko silang patayin, gagawin ko. Kapag may nangyaring hindi maganda sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na labanan sila kahit alam kong isang malaking kasalanan ang pwede kong magawa.
Muli kong minulat ang mga mata ko, tumama 'yon sa huling litrato kung saan nakasakay ako sa bike ko at may nakasalpak na earphones sa tenga ko. Matagal na 'to, mga noong unang araw pa namin sa B.A.U.
Ibig sabihin ay mula noon pa minamanmanan na nila ako. Ibig sabihin isa sila sa mga taong palagi kong nahahalata na sumusunod sa 'kin. Isa sila sa mga taong palaging nakamasid sa 'kin at ginagawaran ako ng isang masamang tingin.
May bahid ng itim na tinta at pulang dugo ang nakalagay do'n. Ang klaro ng pagkakakuha sa picture kaya alam kong ako 'yon. Binaligtad ko ang mga pictures at nakitang may mga nakasulat na mga menhase.
Isa-isa kong binasa ang mga 'yon gamit ang mga mata ko. Ayaw kong marinig pa ng mga magulang ko ang mga ganitong pang-yayari. Baka mag-alala lang sila, ayos na sa 'kin na galit si Kio basta 'wag lang silang matakot at kabahan para sa pwedeng mangyari.
Heira Yakiesha Sylvia,
What now? How are you? Are you living quietly now? I heard that you are no longer in Sta. Luiciana. You ran away from the sins you committed. You have no mercy so you should just be punished. Akala mo kung sino ka, babalikan kita. Remember that.
-DomTak
Heira Yakiesha Sylvia,
Mahal mo pa ba ang buhay mo? Akala mo ba hindi kita masusundan? Kahit na magtago ka pa sa loob ng pesteng unibersidad na 'yan ay mahahanap kita. Kahit saang lupalop pa ng mundo ka magtago ay hihigalapin kita, malaki ang kasalanan mo, magbabayad ka.
-DomTak
Heira Yakiesha Sylvia,
Kita mo nga naman. Mero'n ka na palang bagong mga kaibigan. Ang ganda ng mga ngiti mo, mawawala rin 'yan kapag binalatan na kita ng buhay. Kung makangiti ka parang nakalimutan mo na ang mga kasalanan na ginawa mo sa mga inosenteng estudyante sa dati mong eskwelahan.
-DomTak
Heira Yakiesha Sylvia,
Wait for my vengeance, Heya. I will make you pay for all the things you have done not just to me but also to those person na walang ginaw kung hindi ang mag-aral lang at manahimik lang. Sinira mo ang buhay namin kaya sisirain ko rin ang sayo."
-DomTak
Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa kaba. Kung sino ka mang tangina kang nagpapadala ng ganito, tigilan mo na kami dahil hindi uubra sa 'kin ang mga ganiyang pagbabanta mo sa 'kin. Kung gusto mo akong patayin, bakit hindi mo pa gawin? Sa tingin mo ba matatakot pa ako sayo ngayon?
Kinuha ko ang mga pictures, nilukot ko 'yon hanggang sa hindi ko na makilala ang mga itsura ng mga 'yon. Pinagpupunit ko 'yon sa pira-piraso, napasampak na lang ako sa sahig, nakatingala akong humagulgol. Nakakarating na sa 'kin ang mga ganito, baka may makuha pa akong nakakatakot pa, higit dito.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 235
Start from the beginning
