Gumagalaw ang Adam's apple niya habang lumulunok siya. Mero'n din namang Adam's apple sina daddy at Kio pero bakit parang iba 'yung sa kaniya. Kakaiba 'yung kagandahan ng mukha niya habang nakikita ko 'yon.

"Stop staring. 'Wag mong pagpantasyahan ang lalamunan ko." Aniya bigla naman napalunok na lang ako at nabulunan.

Umubo-ubo ako at sinapak-sapak ang dibdib ko para matanggal ang bara ro'n. Kinuha ko ang chuckie ko at ininom 'yon pero hindi man lang guminhawa ang pakiramdam ko. Inabutan niya ako ng bottled water, nakahinga naman ako ng maluwang pagkatapos no'n.

Inis niya akong nilingon ng makitang nakalahati ko ang tubig na binigay niya, ngumiti ako ng alanganin sa kaniya at nagpeace sign na lang, baka awayin at utusan nananaman ako ng lalaking 'to kapag nagalit na. Nandito ako para kumain, hindi para magpakaalalay sa kaniya.

"Why the hell you eat a lot?" Tanong niya sa 'kin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. "...Try to do diet, masyado ka ng mabigat." Dagdag niya pa.

Ngumuso ako at bumuga sa hangin. "Anong pakilam mo kung marami akong kinakain? Ako naman ang magbabayad nito kaya 'wag kang mag-alala." Sabi ko sa kaniya, kinuha ko ang isang hotdog.

Natigilan ako sa pagkain ng makitang nakatingin siya sa 'kin, kinuha ko ang isa pang hotdog at inilapit sa kaniya. Nagtataka naman niyang tinignan 'yon. Lumunok ako bago nagsalita.

"Sayo na 'yan. Sabi mo gutom ka, hindi ka naman mabubusog sa beer at chitchirya." Sabi ko sa kaniya, pumikit ako habang ngumunguya para inggitin siya.

"Damn." Bulong niya at nag-iwas ng tingin. "Stop it. Ang pangit mo."

Nalaglag ang panga ko atsaka ko siya pinanlakihan ng butas ng ilong. Sino siya para sabihan niya ako ng gano'n?
Kinuha ko ang kutsara at tinutok sa mukha niya, tinigna niya lang naman 'yon saka niya ako pinataasan ng kilay.

"Ikaw! Nandito ka ba para kumain o nandito ka para insultuhin ako?" Tanong ko sa kaniya, kumagat ako sa hotdog na hawak ko, walang makakapigil sa pagkain ko.

"To eat." Simpleng sagot niya, binaba ko ang hawal kong kutsara ng abutin niya ang beer niya. "I didn't know you were here either, if I only knew I would have just went to another convenience store."

"Anong sinabi mo?!" Gigil na tanong ko sa kaniya. "Ikaw na nga lang ang nakikiupo rito tapos ikaw pa choosy." Nanunuyang dagdag ko.

"Tsk. Stop this nonsense conversation." Utos niya, binuksan niya ang chitchirya na baka pulutan nga niya.

Pinagpatulay ko na lang ang pagkain ko. Nawala naman ang topic namin sa pag-aaway. Hindi rin ito ang oras na pwedeng magsaya dahil seryoso siya kung kausapin niya ako.

"Why are you here? Alam mo ba kung anong oras na?" Seryosong tanong niya sa 'kin, umihip ang hangin papunta sa kaniya kaya naman parang nagslow-mo ang lahat ng nasa paligid ng mahulog ang hoodie niya at matanggal sa pagkakasuot sa ulo niya.

Nagulo naman ang buhok niya ng hangin, pero bakit gano'n? Paano niya nagagawang maging gwapo kahit na wala naman siyang ginagawa. Binaba ko muli ang tingin ko sa pagkain ko. Baka akala niya nananaman ay pinagpapantasyahan ko nananaman siya. Masyado pa naman siyang determinado sa saili niya.

"Tignan mo na lang sa cellphone ko. Wala naman akong dalang orasan." Sagot ko sa kaniya kaya naman ginawaran niya ako ng isang matalim na titig.

"I'm talking to you... not to your bullshits." Seryosong sabi niya kaya naman napanguso na lang ako at tinitignan sa cellphone ang oras.

"Mag-aalas nuwebe na, bakit?" Ako naman ngayon ang nagtanong sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now