Binuksan ko ang gate, nakahinga ako ng maluwang ng makalabas na ako. Gabi na, mga alas otso na ng gabi, marami pa namang tao sa labas lalo na 'yung mga dalaga at binata na kasing edad ko na naglalampungan sa gitna ng daan. Sagasaan ko na lang kaya sila?
"Aling Soling, pakitawag nga po ulit si Yakiesha." Rinig kong utos ni Kio. "Kakain na kami, kanina pa siya hindi lumalabas sa kwarto niya."
Bago ko pa man marinig ang isasagot ni Aling Soling ay sinoot ko na ang hoodie ng jacket ko atsaka pinaandar ang bike papalayo.
Lumabas ako ng subdivision namin, kilala naman ako ng mga guard kaya pinayagan nila akong lumabas. Nung una nagdadalawang isip pa sila dahil baka raw hindi ako nagpaalam kina mommy pero sinabi kong alam nila na umalis ako. Joke lang po 'yun, tinakasan ko nga po sila e. Pasensya na.
Pumunta ako sa pinakamalapit na mini mart, pinarada ko ang bike ko sa harapan no'n at pumasok sa loob. Kumuha ako ng tatlong hotdogs, dalawang sandwich na hindi ko alam kung ano ang palaman, ready to cook noodles at tatlong chuckie.
Binayaran ko 'yon, naghingi pa ako ng mainit na tubig para sa noodles ko, lumabas ako at umupo sa mga lamesa na nasa harapan no'n, pwede namang kumain dito hangga't gusto mo. Hinintay ko munang lumambot ang noodles bago ako kumain.
Tignan mo nga naman. Dati ayaw kong lumalabas, ngayon, dahil lang may bisita si mommy ay umalis ako ng bahay para lang kumain sa labas. Napailing ako, ang lamig ng hangin na humahampas sa mukha ko, buti na lang pala at nakajacket ako.
Nakatingin lang ako sa iba pang mga kumakain, may mga kasama sila ngayon, siguro mga jowa nila o mga kaibigan nila ang mga 'yon. E ano naman ngayon? Pwede naman akong kumain ng mag-isa, hindi naman required na may kasama kapag kakakain na.
Iniwas ko na lang ang tingin ko, bahala na nga. Mas magandang magsolo na lang kapag kumain. Binuksan ko ang sandwich na binili ko, ang liit naman nito kaya naman dalawahang kagat lang sa 'kin.
"Do you mind if I sit in front of you?"
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. Nasa bibig ko pa ang kutsara, istorbo naman kasi siya sa pagkain ko e. Tinanggal ko ang kutsara at umayos ng upo ng makitang nandito pala si Kayden sa harapan ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" Utal na tanong ko sa kaniya, hindi ko ala kung bakit kinakabahan ako dahil sa presensya niya.
"I'm hungry so that I went here to buy some foods... just like what you did." Sagot niya sa 'kin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa parehas kami ng suot na jacket, plain black na may hoodie. Sana lang hindi niya mapansin 'yon, baka asarin niya lang ako.
Tumango na lang ako at inilapit sa 'kin ang mga pagkain, sakop kasi no'n ang lahat ng pwesto sa may lamesa. Umupo naman siya at binaba ang mga dala niyang pagkain sa harapan ko.
Ngumiwi ako ng makita kung ano 'yung inalabas niya sa plastic na hawak niya. May dala siyang tatlong can ng beer at mga chitchirya. Nagutom pala pero ganito ang dala niya. Hindi man lang ako mabubusog sa mga dinala niya e.
"'Yan lang talaga ang binili mo?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga pagkain.
Binuksan niya ang isang beer at inuman 'yon. "Why? Do you expecting to buy a foods that... uhm, those..." Nakatingin siya sa mga pagkain ko na para bang sinasabi na hindi naman siya bumibili ng pagkain na singdami ng sa 'kin.
"Edi wow. Sige kumain ka na lang d'yan, 'wag mo na lang akong tignan habang kumakain." Sagot ko na lang, kinuha ko ang noodles, hinalo ko muna 'yon bago matunog na kumain.
Rinig ko ang pagtawa niya, kita ko pa siyang umiling-iling habang lumalagok sa beer na hawak niya. Naging dahan-dahan at mabagal ang pagnguya ko habang nakatingin ako sa kaniya.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 234
Começar do início
