Kinusot ko ang mga mata ko at umiling-iling ng ilang beses. Hindi ko na ata kaya ang nakita ko kanina. Nakalapanghina ng tuhod. Ang tanga kasi e. Sabi ng 'wag papasok do'n pero pumasok pa rin ako.

Si Jharylle, nakaupo siya sa isang upuan, at may nakaupo sa harapan niyang isang babae. Parehas silang may pangtaas at pang-ibaba pero kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano... kung paano kabayohin nung babae si Jharylle.

Nalukot ang mukha ko. Tangina buong buhay ko ngayon pa lang ako nakakita ng gano'n, buong buhay ko hindi pa ako nahiya ng ganito para sa iba. Paano na niyan ako haharap kay Jharylle.

Bakit ba naman kasi hindi sila marunong maglock ng pintuan kung gagawa sila ng kababaghan? Nakataas ang palda nung babae tapos nakabukas ang zipper ni Jharylle, ayaw ko mang isipin pero pabalik-balik 'yon sa memorya ko.

Kinuyom ko ang mga palad ko at napahiga na lang, pakialaman ko ba sa mga nakakita sa 'kin. Sasabihan lang nila akong baliw kahit hindi naman. Nasabunutan ko ang sarili ko ng ilang beses. Naiinis ako sa sarili ko.

King ina. Ayaw ko na sa buhay ko. Pupunta na lang ako sa mars at hanapin ang mga kaibigan kong aliens. Baka nando'n sila kaya bigla na lang silang nawala.

"Isha." Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang boses na 'yon, isang kaltok lang, isa lang talaga.

"Oh, my god. What are you doing there?" Tanong sa 'kin ni Alzhane, nakahiga pa rin ako, sila naman nakatayo at nakatingin sa 'kin, kita ko tuloy ang mga butas ng ilong nila.

"Bakit bigla ka na lang nawala?" Tanong naman sa 'kin ni Shikainah.

Umupo ako at pinagpagan ang suot ko. Kumunot ang noo ko. Anong ibig nilang sabihin no'n?

"Kayo kaya ang bigla na lang nawala, kaya nga hinanap ko kayo e." Sabi ko sa kanila at ngumuso.

Inabot sa 'kin ni Hanna ang kamay niya na para bang inaanyayahan akong tumayo. Inabot ko naman 'yon tsaka tumayo ng maayos. Pinagpagan ni Trina ang likod ko.

"Ha? E pumasok lang kami saglit sa janitor's room para ibalik 'yung mga walis na nagkalat sa paligid." Sabi niya sa 'kin.

"Hindi ko kayo napansin, akala ko pinagtataguan niyo ako." Tugon ko sa kanila, mas humaba pa ang pagnguso ko.

Malapit lang kasi sa locker ang janitor's room, kabaligtaran nung bodega na pinasukan ko. Agad naman akong pumikit ng mariin. 'Wag ng iisipin 'yon, bawal 'yon, ang sama no'n sa mata. Wala na, hindi ka na inosenteng babae.

"Tara na nga, baka hinahanap na ako ni Kio e." Sabi ko na lang sa nila, tinignan ko muna ang pasilyong nilabasan namin bago kami pumunta sa parking lot.

Gaya ng sinabi ko, hinahanap na nga ako ni Kio. Nakasandal siya sa kotse niya at tumitingin sa relo niya. Kumaway ako sa kaniya at nauna pang pumasok sa kotse niya. Nang makita niya ako ay sumunod din siya.

"Where have you been? Sabi ko naman sayong 'wag kang uuwing mag-isa." Inis na sabi niya sa 'kin, binuksan niya ang makita at pinaharurot paalis ang sasakyan niya.

"Hindi naman ako umuwing mag-isa. Kung umuwi na ako edi sana wala ako rito." Sarkastikong sagot ko sa kaniya, ang tanga rin minsan ng kapatid ko na 'to e.

"'Wag ka ngang pilosopo." Gigil na sabi niya sa 'kin, matalim niya akong tinignan.

"Psh, nagsasabi lang naman ako ng totoo." Ngumuso ako.

"I said, where have you been? Paano kung may sumunod sayo at pagbantaan nananaman nag buhay mo?"

"'Wag ka ngang advance mag-isip d'yan. Galing ako ng locker ko, nagpalit ako ng gamit, kasama ko sina Eiya at sina Trina kaya 'wag kang mag-alala r'yan."

"Damn..." Bulong niya sa sarili niya, bumuga siya sa hangin para pakalmahin ang puso niyang nagliliwaliw ngayon sa inis.

"Magdrive ka na lang d'yan. Baka mabangga pa tayo kakahampas mo sa manibela e."

Ligtas naman kaming nakauwi sa bahay namin. Akmang bababa na siya ng hinila ko ang kwelyo niya dahilan para masakal siya at mapaatras.

"Ay." Binitawan ko agad siya at nagpeace sign.

"What? May sasabihin ka pa ba o d'yan ka na lang hanggang bukas?"

"Kio," tawag pa lang 'yon pero napanguso na agad ako. "‘Wag mo ng sabihin kina mommy 'yung nangyari ha." Pakiusap ko sa kaniya, inilagay niya ang dila niya sa pisngi niya at marahang umiling.

"No. They need to know this." Pagdidiin niya.

"Kio naman ih... mag-aalala lang sila kapag nalaman nilang may nagbabanta sa buhay ko."

"I don't fucking care. It is all about your fucking life. Damn it. Sino nananaman ba ang nakabangga mo at ganito na lang sila kung makaganti sayo?" Galit na sabi niya, kung malapit lang ako sa kaniya, baka nabatukan niya na ako ng malakas-lakas.

Kinagat ko ang ibabang labi ko atsaka umiling. "Hindi ko alam. Hindi ko na alam dahil hindi naman pamilyar sa 'kin ang pangalan." Sabi ko sa kaniya.

"Okay, Yakiesha. I will not tell them about those shits you received. Pero kapag sila na mismo ang nakaalam, wala na akong magagawa ro'n."

Ngumiti ako sa kaniya at agad na tumango. "Oo, sige, sige. Salamat, Kio. Ge, pasok na tayo." Nagmadali akong bumaba at tumakbo papunta sa loob ng bahay.

"Mommy nandito na po kami— Jaxon?!" Gulat na tanong ko.

Hindi ko napansin na nasa sala pala sila. Nagtatanggal kasi ako ng sapatos kaya hindi ko sila nakita. Napakurap-kurap ako ng makita ang isang pamilyar na mukha ng babae pero hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mukha niya.

"Hi, sistereret." Kinawayan ako ni Jaxon.

Napapahiyang ngumiti ako at kumaway sa kaniya, ang lakas pa naman ng pagkakasabi ko no'n tapos may bisita pala sina mommy ngayon.

"Ay, bilako!" Napaayos na lang ako ng tayo ng itulak ako ng bagong pasok na magaling kong kapatid.

Hindi ko pa nga naaalis ang isang medyas ko e. Sinimangutan ko lang siya. Tinanggal ko ang medyas ko tsaka sumunod sa kanila na lumapit sa kina mommy na ngayon ay parang hindi mapakali.

"Mommy!" Sabi ko sa kaniya, agad ko siyang niyakap at hinalikan siya sa pisngi. "Hi, daddy, pogi as always ha." Kinindatan ko si daddy na ngayon ay seryoso ang mukha.

Ginaya naman ni Kio ang ginawa ko pagkatapos no'n ay bumaling siya sa mga bisita ni mommy. Nahihiyang kumaway ako sa kanila dahil si Jaxon lang ang kilala ko.

"Ma." Nakipagbeso si Kio sa babae. "Pa." Nakipagyakapan naman siya sa lalaki. "Kuya." Ani naman ni Kio sa isa pang lalaki na malamig na nakatingin sa 'kin.

Ma, pa, kuya.

Oo nga pala, ngayon naalala ko na kung sino nga ba sila. Sila 'yung mag-asawang magkasama nung nakipagkita sa kanila si Kio. Napasinghap ako sa hangin, nandito na ba sila para kunin si Kio?

Hindi, hindi ko pa kaya. Oo palagi akong binubwisit ni Kio pero ayaw ko namang magkahiwalay kami. Dalawa na nga lang kami tapos kukunin pa nila siya.

"Heira..." Tawag sa 'kin ng babae. Akmang lalapit siya sa 'kin at bibigyan ng yakap ng umatras ako at lumayo sa kaniya, nakikita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Kumunot ang noo ko. "Akyat pa muna po ako, magpapalit lang ako ng damit, mapawis po ako." Palusot ko na lang pero ang totoo, ayaw ko lang talaga silang makausap, ayaw ko munang kunin nila si Kio.

Wala akong pakialam, basta sa 'min lumaki si Kio kaya rito siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon