"Anong gwapo ang pinagsasabi mo r'yan?" Binitawan ko si Eiya ng nasa hallway na kami.
"Wala lang. Baka lang naman 'diba. Mero'n ka bang kilala?" Tanong niya sa 'kin, hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya na para bang kinikilig pa dahil sa sinabi niya.
Bahagya siyang binatukan ni Alzhane, napanguso na lang siya at kinamot ang noo niya.
"Do you want me to tell this to your little boyfriend?" Nakangising sabi niya, si Vance ang tinutukoy niya.
"Wala. Wala akong kilala." Sagot ko sa kaniya, pangit lahat sila. Ako lang ang maganda. Charot.
"Talaga lang ha?" Ngumiti si Shikainah na may halong kapilyuhan.
"Oo naman! Wala naman talaga." Taas noong sagot ko sa kaniya.
Tumawa naman siya tsaka tumango. "Okay, if you say so. Wag mo ng babawiin 'yan ah."
"Sinong nagsabing babawiin ko ang sinabi ko? Wala naman talagang gwapo sa paningin ko kung hindi si Daddy."
"Wow, ulirang anak." Parinig ni Trina.
"Gaga." Singhal ko sa kaniya bago ko binuksan ang locker ko.
Nakahinga ako ng maluwang ng amoy mabango na 'to. Wala na ring kakaiba sa laman no'n. Wala na akong nakitang black box. Walang death notes. Walang kahit na ano kung hindi libro at mga notebook ko.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa bag ko at pinalitan ang mga 'yon ng mga gamit na gagamitin ko bukas. Tinignan ko ulit ang locker ko kung may nakalagay ba na kakaiba ro'n pero wala talaga.
Nilock ko ulit 'yon at siniguradong hindi na mabubuksan ng iba. Nagulat na lang ako ng pagkaharap ko sa mga babaita ay wala na sila. Nasa'n na ang mga 'yon?
Luminga-linga ako sa paligid. Sobrang tahimik, parang may dumaang malakas na hangin na naging dahilan para mawala lahat ng tao sa may locker namin. Ako lang ata ang hindi nahanginan.
"Eiya! Nasa'n kayo?" Tanong ko, sumigaw na ako para marinig ako ng iba pero walang sumagot.
Naglakad ako papunta sa kanan kung saan makikita ang dulo ng pasilyo na 'to. Nagsimula na akong kabahan dahil bigla na lang silang nawala na parang bula.
"Eiya, Trina, Alzhane, Shikainah, Hanna." Tawag ko sa kanilang lahat, baka naman pinagtataguan lang nila akong lahat kaya sila nawala.
"Magpakita na kayo oh, aalis na niyan ako, bahala kayo." Pagbabanta ko sa kanila pero hindi ko naman gagawin 'yon, sabay-sabay kaming pumunta rito kaya naman sabay-sabay din kaming aalis.
"Eiya, may ice cream ako, magpakita na kayo, 'wag niyo akong pagtaguan!" Inis na sabi ko, nakahawak ako sa pader at binuksan ang isang pintuan dahil parang may naaaninag akong tao sa loob.
Kinakabahan pa akong hinawakan ang doorknob, nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba 'yon at papasok do'n dahil baka nandoon ang mga babaita o hindi na lang at aalis na lang ako dahil wala naman akong mapapala.
"Ay, tangina." Naisara ko na lang ng wala sa oras ang pintuang binuksan ko ng magulat ako sa nakita ko.
Tumakbo ako agad papalayo ro'n at bumuga sa hangin. Kailangan ko ng panghilamos, kailangang mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Ang sakit sa mata no'n. Ngayon pa lang ako nakikita ng... ng kababalaghan.
Akala ko banyo 'yon pero nagkamai ako, parang isang bodega pala 'yon, bodegang ginagawang lugar kung saan nangyayari ang mga kababalaghan. Napasalampak na lang ako sa damuhan at napangiwi.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 233
Start from the beginning
