Chapter 233

Depuis le début
                                        

Your death is near, Heya.

Your death is near, Heya.

Your death is near, Heya.

Pero hindi e. Hindi naman siguro coincidence lang 'yon na pareho kami ng palayaw. Ngayon, may umiigting ang mga naiisip ko, iilan lang naman ang mga taong Heya ang tawag sa 'kin at ang mga 'yon ay ang mga nasa Sta. Luiciana.

Ngumuso ako. Kung susunduin na ako ni Kamatayan, sana 'wag muna ngayon, hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend, hindi pa nga ako nakakapunta ng ibang bansa, hindi ko pa nakikilala ang mga kamag anak ko at hindi pa nga ako nakaktapos ng pag-aaral ko tapos kukunin niya na ako.

'Wag gano'n, 'wag kang maging pangit na kabonding. 'Wag muna, kung gusto niya, magpahinga muna siya. Mukhang pagod na siya dahil sa dami ng sinusundo niya. Pwede na siyang magpahinga at 'wag ng tutuloy pa. Nakakatakot siya kapag siya ang sumundo.

"'Wag kang uuwing mag-isa, Yakiesha." 'Yung boses ni Kio parang nagbabanta na.

Tumango ako sa kaniya saka ngumuso. "Oo, wala naman akong sasakyan kaya paano ako makakauwi ng mag-isa?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"I'm not jokin' here. 'wag mo akong sabihan ng ganiyan, sinasabi ko talaga sayo." Pag-uulit niya pa kaya naman kinamot ko na lang ang ulo ko at sumang-ayon sa kaniya.

Nalaman niya kasi 'yung sa black box, hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon pero ang alam ko ay galit na siya sa 'kin ngayon dahil hindi ko sinabi sa kaniya. Kasalanan ko bang wala siya at kasama niya 'yung mga kaibigan niya nung nakita ko 'yon?

Kahit na anong sabihin niya sa 'kin, hindi naman talaga ako uuwing mag-isa, natatakot kaya akong mag-commute tapos ngayon hindi ko dala ang bike ko, nakisabay lang ako sa kanilang tatlo.

"Alam ko naman na hindi ka nagbibiro, sinabi ko bang nagjojoke ka?" Pang-aasar ko sa kaniya, ginawa ko 'yon para pagaanin ang atmosphere sa paligid, masyado na kasing mabigat.

Parang may napuputol na pisi ng tensyon at ng pasensya na. Magkalapit pa naman ngayon 'tong dalawang 'to. Hindi pa sila nagkakaengkwentro pagkatapos nung kahapon.

Halatang napikon si Kayden nung binangga siya ni Kio. Pinigilan niya lang ang sarili niyang sapakin ang kapatid ko. Ayaw ko naman na mag-away silang dalawa. Ang akin lang naman, kung mag-aaway man sila, dapat makapili na ako ng manok ko.

Ay ewan. Masyado ng lumilipad ang isip ko ngayon at kung saan-saan na napupunta. Ang kaninang sabog na utak ko, ngayon naman lutang na. Ayaw ko ng kalikutin pa ang cellphone ko, baka kasi may magtext nananaman sa 'kin na unknown number.

Bumalik kami sa mga pwesto namin ng dumating na ang teacher namin na walang ibang ginawa kundi ang magpasulat ng magpasulat. Matanda na kasi, iilan lang naman kaming nagtetake-down-notes ngayon dahil sa
dami ng dapat kopyahin.

Mas mabuti na 'to, basa-basa na lang talaga ako kapag may quiz tapos maaga rin ang dismissal namin kapag siya ang teacher namin. Kahit na mahirap, kakayanin basta 'wag lang maglesson.

Inayos ko ang gamit ko at dire-deretsong lumabas ng room, baka may humarang nananaman sa daraanan ko at pigilan ako sa pag-alis.
Hinila ko si Eiya, hinila niya naman 'yung iba. Parang mga tanga kaming naghihilahan paputa sa locker.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa lockers, sabihin niyong hindi kayo magpapalit ng gamit niyo?" Paghahamon ko sa kanila.

"Oo, magpapalit ng kami pero 'wag mo naman kaming hilahin, nakakabigla ka e." Ani Trina. "Kung makahila akala mo naman may pupuntahang gwapo tapos patago e."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant