"Hoy!" Pamimigla ko sa kaniya, napatalon naman siya sa gulat.

"Nakakabigla ka naman, Yakie. Parang nawala ang puso ko ng three seconds."  Madrama niyang hinawakan ang dibdib niya at namimilog pa ang mata.

"Kanina ka pa kalabit ng kalabit d'yan e. Bumabaon pa naman ang mga kuko mo, ayaw mong mag-nailcuter?" Nakangiwing tanong ko sa kaniya, umiling naman siya sa 'kin. Sumama ang itsura ng mukha ko.

"Ayaw ko nga. Ang tagal kong pinahaba ang mga kuko ko, bakit ko puputulin ng nailcuter?" Tanong niya, iniangat niya sa ere ang kamay niya at pinakita ang mga kuko niya. "...Pwede namang kagatin, kuko crunch." Dagdag niya, akala ko talagang nangangatngatin niya e, binaba niya lang pala 'yon.

"Sana lahat mahaba ang kuko, 'yung sa 'kin kasi... nevermind." Parinig ni Mavi, nasa harapan namin siya at nakatagilid.

"Anong sinasabi mo ulit?" Baling ko sa kapatid ko, kinamot ko ang ulo ko, wala naman akong kuto, talagang trip ko lang mangati.

"I said... where the hell have you been?" Mariing tanong niya sa 'kin, ang lamlam ng mga mata niya at ang dilim ng mga 'yon na tila bang may nagawa akong napakalaking kasalanan sa kaniya.

"Ah, 'yon lang pala." Sagot ko, kunwari wala lang sa 'kin 'yung nangyari kanina. "Hinatid ko si Theo sa classroom niya, baka raw kasi maligaw lang siya kapag siya ang naghanap ng classroom niya." Sagot jo sa kaniya, tumikhim naman siya.

"Hinatid mo si Theo?!"

Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng sabay-sabay na sumigaw ang mga hudlong. Sa tingin ko umabot 'yon hanggang sa labas dahil sa lakas no'n. Si Kenji nga talagang bumagsak na sa sahig e.

Tumayo siya ng taas noo, patay malisya ang gago. Akala mo naman walang nakakita sa kaniya. Hinila niya saglit si Mavi at pumunta sa harapan para magdrawing sa black board.

"Oo. Hinatid ko si Theo." Pangungumpirma ko sa kanila, baka kasi hindi nila naiintindihan ang sinabi ko e.

"Bakit mo naman siya hinatid? Wala ba siyang paa?" Tanong ni Alexis sa 'kin.

"Meron naman. Gusto ko lang siyang ihatid."

"What do you mean?" Mahinahong tanong ni Asher sa 'kin.

"Kasi, sabi niya..."

"Ah..." Pagsang-ayon ko na lang bago binasa ang papel. "Room 1, main building. Ibig sabihin no'n sa first section ka." Sabi ko sa kaniya, 'yun ang section na una naming pinasukan ni Eiya.

"Can you send me there? I don't where I can find that room." Sabi niya sa 'kin, napatingin ako sa mata niya, kahit pala mukha siyang bad boy ay malambot naman ang reaksyon ng mga mata niya.

"Oo naman. Pero hindi kasi ro'n ang room ko, ayos lang?" Tanong ko sa kaniya.

"Psh. Edi sana siya na lang mag-isa ang naghanap ng classroom niya, hindi ba siya marunong magbasa?" Nanunuyang tanong ni Jharylle.

"Ewan ko. Iba ang university nila sa university natin. Baka kasi hindi niya alam kung saan siya pupunta." Paliwanag ko sa kanila.

"Kahit na! Pwede naman siyang magtanong-tanong na lang sa mga tao sa paligid. Gwapo naman siya, kaya sigurado akong makapagtanong siya." Sagot naman ni Eiya.

"Teka nga!" Kunwari kong hinawi ang hangin sa ere. "Bakit ba parang ayaw niyong ihatid ko si Theo?! E hatid lang naman 'yon, wala namang malisya kung gano'n." Nakasimangot na sabi ko sa kanila. Anong masama ro'n?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now