"Ahitin kaya natin 'yan?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

Napasimangot na lang ako ng hindi man lang niya ako tinignan. Padabog niyang binuksan ang radio at pinakalakas niya ang tugtog no'n. Masisira ang tenga ko sa kaniya.

"Putcha! Hinaan mo naman 'yan kahit konti lang!" Reklamo ko sa kaniya, nakatakip na ang mga palad ko sa tenga ko.

Nakita ko ang matunog na pagngisi niya. Ah talagang ginagantihan ako ang lalaking 'to e. Hindi niya alam na pwede kong masira ang player niya. Isang hampas lang putol ang mga chords niya.

"Putangina ihinto mo ang sasakyan!" Utos ko sa kaniya, hindi ko na talaga kaya ang lakas no'n, hindi kaya ng eardrums ko.

"What?" Kunwaring hindi narinig ni Kio ang tanong ko sa kaniya.

"Ang sabi ko, ihinto mo ang sasakyan!" Ulit ko, mas nilakasan ko na 'yon, baka hindi niya pa narinig, masasampal ko na lang siya ng nakasakmal.

"Why? Sasakyan mo ba 'to para utusan mo akong pahintuin 'to?" Sagot niya, hinaan niya ang tugtugan niya pero sakop pa rin no'n ang buong kotse.

"Baba nga kasi ako!" Pangungulit ko sa kaniya at tinanggal ang mga kamay ko sa may tenga ko.

Pinikit ko ang isang mata ko at kinalog-kalog ang isang tenga ko. Linshak naman! Parang sira na talaga ang tenga ko dahil sa rock na pinatugtog niya.

"Hey, hey, hey! What the hell are you doing?!" Tarantang tanong niya sa 'kin.

Tinanggal ko ang pagkakalock ng pintuan atsaka patalong bumaba. Sumabit pa ang paa ko kaya naman pagkatapon ko ay deretso ang katawan ko sa may gilid ng daan.

Mabagal lang naman ang pagmamaneho niya dahil may traffic. Isa pa, malapit na kami sa university namin. Isang liko at ilang hakbang na lang nando'n na kami. Hindi ko na kakayanin ang kotse niya.

Kaya pala mukhang mahal dahil sa lakas ng speaker no'n. Kung may kasama pala kaming bata no'n baka hindi na siya nakamarinig pagkababa niya ng sasakyan.

"Hey! Come back here! Pumasok na na rito!" Tawag niya sa 'kin, nakababa ang bintana ng sasakyan niya.

Hindi ko siya pinakinggan, tumakbo na lang ako hanggang sa makarating ako sa harapan ng university. Hinihingal akong yumuko atsaka naghabol ng hininga. Mamaya ko na lang iisipin 'yung chuckie ko sa kaniya.

Tumayo ako ng tuwid pero kasabay no'n ay ang pag-akbay sa 'kin ng isang mabangong lalaki. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Pa'no kung hold-upper pala ang lakaking 'to?

Subukan niya lang, naiisnis pa naman ako, kapag ginawa niya ang balak niya, babasagin ko talaga ang mukha niya. Pumikit ako ng mariin atsaka bumuntong hininga.

"Bitawan mo ako." Utos ko, nasa harapan pa rin ang tingin ko, ayaw ko siyang tignan, baka masumami lang ako sa mukha niya at masapak ko siya.

"What if I don't want to?" Alam kong nakangisi na siya ngayon, pinigilan ko ang sarili ko na sapakin siya ngayon.

"Theo 'wag mo akong punuin ngayon, sasapakin talaga kita kahit na kaibigan ka ng kapatid ko." Pagbabanta ko sa kaniya.

Alam kong siya si Theo. Sa amoy pa lang niya alam ko na. Namukhaan ko rin siya gamit ang boses niya. Isama mo pa 'yung tattoo na nasa kamay niya. Nakita ko 'yon e.

Binitawan niya ako tsaka ngumiti. Ay hindi pala... humalaklak pala siya. Hawak pa niya ang tyan niya habang humahagalpak ng tawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"'Wag mo akong tawanan, Theo. Hindi mo ako kilala, baka masipa ko 'yang... 'yang mukha mo kapag hindi ka tumahimik." Gigil na sabi ko sa kaniya pero mas lumakas ang pagtawa niya, inambahan ko siya ng sapak kaya naman tumigil siya sa ginagawa niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now