Ang galing magkwento ng lalaking 'yon.

"No. Open this fucking door." Inis na sabi niya sa 'kin. Nilock ko kasi ang pinto kaya hindi siya makapasok, pinipilit niya akong pumasok ng university.

Pwede naman siyang umalis na lang, may bike naman ako sa may garahe. Kaya kong pumasok pero pang-late lang talaga ako. Sanay naman akong malate.

Pero hindi gaya ng dati na takot ako dahil si Sir Raquesta ang teacher namin, ngayon parang hindi na. Siya pa rin naman ang teacher namin ngayong araw pero parang hindi ko na iniintindi ang mga sermon na ibibigay niya sa 'kin.

"Ayoko!" Pagmamatigas ko. "Kung gusto mo ng pumasok edi pumasok ka." Dagdag ko.

Napaigtad ako ng malakasan niyang kinalabog ang pintuan. Buong kwarto ko parang dumadagundong na. Parang nagba-vibrate na. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan ko. Buo na ang desisyon ko. Hindi na talaga ako papasok.

"Papasok ka, Heira. You can't miss the lessons."

"Manghihiram na lang ako ng notes kay Eiya."

"Ibibili kita ng isang malaking galon ng chuckie."

Agad akong tumayo at inayos ang suot ko. Hindi na ako nagsuklay pa kahit na mukha akong aswang ngayon. Agaran akong lumabas ng room at ngumiti sa kapatid kong salubong ang kilay.

"Tara na?" Tanong ko sa kaniya.

"Tss. Kapag sa pagkain talaga ang bilis mo." Gigil na sabi niya tsaka niya ako kinaltukan, kagat niya pa ang labi niya dahil sa inis niya sa 'kin.

"Aray ko naman, Kio!" Daing ko sa kaniya, ang bigat ng kamay niya tapos ikakaltok sa ulo ko, nasa'n ang hustisya ro'n?

"D'yan ka na nga. Sabi mo ayaw mong pumasok, fine. Hindi namann ako ang mapapagalitan, ikaw 'yon." Mabilis na sabi niya tsaka niya ako iniwanan do'n.

Sumunod na lang ako sa kaniya, halos tumakbo na ako pababa para lang makasabay sa kaniya. Nang nasa huling hakbang na ako ay buong pwersa akong tumalon sa likod niya.

Muntikan na kaming matumba pero nakahawak siya sa pader. Nasakal ko na ata peri bahala siya. Ang sabi niya sa 'kin bibhan niya ako ng isang galon ng chuckie. Dapat tumupad siya sa usapan namin.

"Damn it, Heira. Bumaba ka r'yan. You're fucking heavy!" Reklamo niya, pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa may leeg niya.

"Ayoko, sabi mo bibilhan mo ako ng isang galon ng chuckie!" Sabi ko sa kaniya at mas kumapit pa sa leeg niya.

"Yes. I will do that. Wala namang tindahan dito, pa'no kita ibibili no'n?!" Inis na sabi niya sa 'kin, kinurot niya ang kamay ko at hinila ang balbon ko.

"Araaaaay!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko, grabe naman kasi mangurot ang lalaking 'to, pati laman nasasama.

"Sumunod ka na sa kotse." Sabi niya sa 'kin at nagpaunang lumabas ng bahay namin.

Hinawakan ko ang pwetan ko dahil 'yon ang tumama sa sahig ng mahulog ako mula sa pagkakakapit ko sa kay Kio kanina. King ina lang talaga. Tumayo ako saka inayos ang gamit kong muntikan ng magkalat.

Sumunod ako sa kotse niya, sa harap ako sumakay. Bahala ba siya kung ayaw niya akong katabi, ayaw ko rin naman pero baka hindi niya ako bilhan ng chuckie kung hindi ako sasakay dito.

"Ang sakit no'n..." Bulong ko sa sarili ko habang hawak ang bewang ko.

Napuruhan nananaman siya ng wala sa oras, kawawawa naman siya. Hindi naman nagsalita ang magaling kong kapatid pero bakas pa rin sa mukha niya ang inis, salubong na salubong ang kilay niya konti na lang magdikit niya ang mga 'yon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now