Napatayo ako ng wala sa oras. Anong ginagawa ng mga kumag na 'to rito sa bahay namin? Mga trespassers sila ah! Sinong nagpapasok sa kanila rito?
"Fuck... what are you going here?!" Inis na tanong sa kanila ni Kio.
"Sinusundo namin si Heira." Sagot ni Eiya bago lumapit kay mommy at nagmano. "Hi tita. You look good." Pambobola ni Eiya sa kaniya, alam na ni mommy kung anong isasagot do'n.
"Uhm..." Nagpalabas ng hangin sa ilong si mommy. "May ice cream sa ref. Go ahead. Kuha ka na." Sagot ni mommy sa kaniya, napangiti naman agad si Eiya at tumakbo papunta sa kusina.
Napailing na lang ako. Kilalang-kilala talaga ni mommy si Eiya e. Kapag nambobola na si Eiya alam na alam na ni mommy na gusto niya ng ice cream. Mula pagkabata ba naman kasama ko na siya, sinong hindi makakakilala sa kaniya.
"Anong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ko sa kanila. Sakto ko pa lang nakakalahati ang ice cream na hawak ko e.
"Sinusundo ka nga namin. Hindi mo kami narinig kanina?" Sarcastic na sagot ni Vance.
Kumpleto silang lahat kasama ang mga babaita. Mukhang ayos naman na si Hanna pero mugto pa rin ang mga mata niya. Ngumingiti siya pero hindi na 'yon umaabot sa tenga niya.
"Bakit? May pupuntahan tayo?" Lumapad ang ngiti ko ng itanong ko 'yon, syempre makakatakas ako ng bahay nito.
"Tsk. We talked about going to the mall today." Sumulyap ako sa nagsalita. Si Kayden, nakasandal sa amba ng pintuan, ayaw atang pumasok sa bahay namin.
"Oo nga pala..." Bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa baba at umawang ang labi, bakit ko ba nakalimutan ang peste na 'yon?
"Sasama ka ba sa 'min? Mukhang may bisita ka." Sabi ni Shikainah, nakasimpleng pantalon siya at parang croptop na long-sleeves.
"Oo naman!" Agad na sagot ko sa kaniya. "Isa pa, hindi ko sila bisita." Bwisita pwede pa. "...Bisita ni Kio ang mga 'yan." Paliwanag ko sa kaniya.
"Hi, Rhysth!" Masiglang bati ni Alzhane sa lalaki, normal na lang sa kaniya 'yon. "Hi... uhm, mind if you tell me your name?" Baling niya kay Theo.
"Hello, I'm Mattheo." Nakakaloko sagot niya, akmang lalapit siya sa babaita ng hinila ni Timber si Alzhane saka inilagay sa likod niya.
Anong nangyayari sa mga hudlong na 'to ngayon? Parang ayaw na nilang palapitan ang mga babaita sa mga bagong dating na 'to. Siya ang nakipagshake-hands sa kaniya.
"Timber." seryosong sabi ni Timber, puro ngiti lang naman ang ginawa sa kaniya ni Theo.
"Bro... Don't worry, I will not steal your girlfriend. I am loyal to..." Pabitin na sabi niya saka niya ako hinapit sa tabi niya, pinalupot niya ang kamay niya sa bewang ko. "...Heira."
Hindi na ako makawala sa kaniya dahil natigilan talaga ako dahil sa ginawa niya. Namimilog ang mga mata ko at parang napako ako sa kinatatayuan ko.
"Bitaw." Do'n lang ako nagkaisip na dapat akong umalis sa tabi ni Theo.
Tinapik ni Kio ang kamay ni Theo kaya naman binitawan niya ako. Tinignan niya ng masama ang kaibigan niya pero pabiro lang naman 'yon dahil tumawa rin siya bago bumalik sa pwesto niya kanina.
"Alis na tayo?" Tanong ni Eiya sa 'min, may hawak na rin siyang ice cream. May nakuha agad siya e 'no?
"Sige, magbibihis lang ako." Sagot ko sa kaniya. Akmang hahakbang na ako ng malakasang hinatak ako ni Adriel pabalik atsaka binuhat na parang isang sako ng bigas.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 228
Mulai dari awal
