"Cheesy." Parinig ni Kio.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Nawala na 'yung pagkabilaok ko pero masakit pa rin ang lalamunan ko, bwisit kasi 'yung Theo na 'yun e. Mas matino pa ata ang utak ni Kenji kaysa sa kaniya.

Tumayo si Theo. "I am tall. Tallest among the rest." Sabi niya habang nakatingin sa mga kasama niya.

Sa bagay, siya nga talaga ang pinakamatangkad sa kanila. Nahiya ang height ko sa kaniya, hanggang balikat niya lang ako.

"Yes." Simpleng sagot ni mommy.

"I am white."

"Yes."

"I am caring."

"I don't know."  Natawa ako dahil sa sagot ni mommy. "It's my first time to see you in person." Dagdag na paliwanag ni mommy, tumango naman sa kaniya ang lalaki.

"Look at this, tita." May pinakita siya sa cellphone niya, pati ako nakichismis na rin.

Muntikan ko ng maibuga sa harapan ang kinakain ko ng makita ko ang picture nilang tatlo na lasing. Si Rhysth lang pala, buhat ni Kio ang isa niyang braso, inaalalayan atang makaayos ng higa sa kama.

Si Theo naman may hawak na palanggana ng tubig, may nakalagay na bimpo sa may balikat niya, mukhang pupunasan niya ang walang malay na Rhysth.

"Theo, damn it." Inis na sabi ni Rhysth sa kaniya. "Hide that." Mariing utos niya, nakakatakot naman pala magbanta ang lalaking 'to.

Tinago naman ni Theo ang cellphone niya. Pero bakit gano'n? Tatlo silang nasa picture na 'yon, lahat sila kita ro'n. Sinong nanguha ng picture? Weird. Baka may iba pa silang kasama ro'n.

"Okay, if you say so." Nagkibit balikat sila.

"I'm kind." Pagmamayabang ni Theo.

"God-damned it." Natampal na lang ni Kio ang noo niya dahil sa pinagsasabi ng kaibigan niyang kumag na 'to.

"So... tita, Am I right for Heira... I mean, pasado na ba ako para sa anak niyo?" Nagpuppy eyes pa siya kay mommy.

"I don't know. You can ask your tito Korbin for that... and of course consult Kio. Baka ayaw niya rin sayo para kay Heira." Natatawang sagot ni mommy sa kaniya.

"So, Kio? How about you? Do you want me for Heira?"

"No. As in N.O. Don't you dare to mess up with her. I don't care about you. 'Wag mong isasali ang kapatid ko sa kalokohan mo." Mariing sagot ni Kio, napalunok na lang ang kaibigan niya, kawawa naman.

Napasimangot na lang si Theo atsaka humarap kay mommy. Umiling na lang si mommy sa kaniya kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

"Fine. You won... but, I still have a crush on her."

"Mattheo!"

"Why the hell are you smiling? Are you crazy?" Parang nabalik ako sa kasalukuyan ng sigawan ako ni Kio. Tumango na lang ako, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o ano.

"Kio, watch your mouth." Saway ni mommy sa kaniya, ayan sige mura pa.

"Tss. Your daughter is crazy. Ipagamot niyo na siya sa mental."

"Grabe ka naman sa mental ha!" Singhal ko sa kaniya.

"Tao po." Napalingon kaming lahat ng tumunog ang doorbell ang kasunod no'n ay ang pagpasok ng mga hudlong sa loob ng bahay namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now