Hindi ko naman alam na bawal pala akong lumabas ng kwarto ngayong araw na 'to. Hindi niya sinabi sa 'kin na dapat pala akong magkulong do'n kasi ayaw niya akong makita.
"Can't you see? I have visitors."
"Aba malay ko bang may bisita ka pala. Hindi mo naman sinabi sa 'kin e." Sagot ko tsaka ako sumimangot.
"Hey, Akio, it's fine. I want to know more about your sister." Sabat ni Rhysth. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil sinalba niya ako sa isang matagalang gyera.
"Tss. Rhysth, don't you dare to messed up with my sister. I swear, I will forget you were my friend." Pagbabanta ni Kio.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, tinaas ko ang dalawang kilay ko at tinignan siya na para bang nagtataka. Kasi nagtataka naman talaga ako e.
Tinaas niya ang dalawang kamay niya na animong sumusuko na. Tumawa siya, sinabayan naman nung isa. Kumpara kay Rhysth, may pagkabadboy ang isang 'to.
Mahaba ang buhok niya tapos mero'ng panyong nakalagay sa noo niya. Makapal din ang kilay niya, isama mo pa 'yung tattoo niya sa kamay, sakto lang ang laki no'n pero halata.
Si Mang Kepweng nung bata pa siya.
Siguro nga sila 'yung mga kaibigan na sinasabi sa 'kin ni Kio na kasama niya sa New York, buti naman may kaibigan siya ro'n. Dito kasi wala. Lahat kaaway niya pati na rin ako.
"Oh, bro. C'mon. i won't do anything to her... I just want to be her friend."
"Friend your face." Pambabara sa kaniya ni Kuyang badboy.
"Psh. Don't make me look like you. You're playing to those cheap girls." Sabi naman nung isa.
Foul'yon ah.
Akmang aalis na sana ako at pupunta sa kusina ng tawagin ako nung lalaking may tattoo. Gutom na ako e! Pwede naman sigurong mamaya na siya makipagchikahan sa 'kin 'no?
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya, bahagya kong hinimas ang tyan ko dahil sa pagtunog no'n.
"Where are you going?" Mahinahong tanong niya saka ngumiti sa 'kin ng matamis.
"Sa kusina. Kakain. Bakit, makikikain ka rin?"
"No. Of course not. I am already full."
"Ah, sige. Magkwentuhan lang kayo r'yan, bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin, feel at home—!"
"Aren't you going to introduce yourself to me?" Nakangising tanong niya, binatukan naman siya ni Rhysth, isang malakasang batok, hindi pa kaya nakulog ang utak ng lalaking 'to?
Introduce raw? Ano 'to, first day of class? Alam niya naman siguro ang pangalan ko, sigurado akong sinabi sa kaniya ni Rhysth at ni Kio.
"Heira." Simpleng sagot ko sa kaniya. "Kapatid ko si Kio." Dagdag ko, tumango naman siya, sabagay, gwapo rin pala siya 'no.
Ang galing maghanap ng kaibigan ni Kio, talagang gwapo ang mga 'yon. Lumapit siya sa 'kin, pansin ko lang, mero'n siyang panyo na nakatali sa kamao niya. Galing sa boxing ang lalaking 'to.
"I'm Mattheo Lonzano Hughes." Pakilala niya tsaka niya inilahad ang kamay niya sa 'kin. Syempre nakipagshake-hands ako sa kaniya gaya ng ginagawa ko palagi.
"Gandang pangalan, sige, una na 'ko, gutom na 'ko e." Sagot ko sa kaniya tsaka kumaripas na ng takbo, baka kasi tawagin niya nananaman ako.
Kumuha ako ng plato ko. May ulam ng nakaluto sa may kalan. Bagong luto pa 'yon dahil umuusok pa sa init. Siguro kumain na rin ang mga 'yon, bisita pala sila ni Kio.
DU LIEST GERADE
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
JugendliteraturPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 227
Beginne am Anfang
