Chapter 226

Depuis le début
                                        

"Kasi kasama ko siya."

"Sa'n kayo nagkakilala?" Tanong naman ni Aiden sa 'kin.

"Doon sa may canteen."

"Bakit kayo nagkakilala?" Walang kwentang tanong ni Mavi sa 'kin.

"Kasi nagkakilala kami." Walang kwentang sagot ko sa kaniya.

"Kaano-ano mo 'yon?" Tanong ni Xavier.

"Wala. Nakilala ko lang siya basta-basta."

"E bakit dito mo siya dinala?" Tanong naman ni Maurence.

"Kasi hindi ro'n." Sarkastikong sagot ko.

Hindi naman kasi matatapos ang interview na 'to kung hindi ko sila sasagutin ng pabalang, alam ko na ang iniisip ng mga 'to. Ang daming tanong e, nakakapagod sumagot.

Ang dami pa nilang tanong sa 'kin pero agad akong umupo sa upuan ko, dumating na ang teacher namin kaya naman hindi na nila ako natanong pa. Napangisi na lang ako, mukhang late ang kapatid ko. Baka nasurprised siya sa pagdating ng kaibigan niya.

Huminga ako ng malalim. Para tanga naman ang utak ko ngayon e. Paano naman siya malelate kung wala naman kaming pasok ngayon? Foundation day ngayon e. Nawala na sa isip ko 'yon.

Nag-congradulate lang sa 'min si Sir Almineo at sinabing proud siya dahil nakamit sa 'min 'to. Siya ang advicer namin kaya naman alam kong masaya siya para sa 'min.

"Good job, class. You did a great thing. You even won. Hindi ko inaasahan mananalo kayo, pinahanga ninyo ako ng lubos." Sabi niya, nakaupo siya sa teacher's place, pinagsiklop niya ang mga daliri niya saka binaba 'yon sa may lamesa.

"Syempre, kami pa ba?"

"Dalawang champion na, wooohooo!"

"This call for a celebration!"

"I know that you all prepared for this. Alam kong pinaghirapan niyo ito kaya naman masaya akong nanalo kayo ngayon, ito ang unang pagkakataon na nanalo kayo sa patimpalak, hindi ba?"

"Oy, sir. Nanalo kaya kami dati, nung nasa grade 8 kami!"

"Oo nga, sir. Fourth placer nga lang."

"Atleast nanalo, pwede na 'yon."

Natawa na lang si Sir Almineo dahil sa mga pinagsasabi ng mga hudlong. Nakitawa na lang ako sa kanila kahit na hindi ko alam kung saang lupalop na napunta ang topic nila.

Hindi naman namin sila kaklase nung grade 8 kami e. Ngayon pa lang na year na 'to kaya naman ang mga hudlong lang ang may alam no'n at si Sir Almineo. Sige lang, hayaan muna namin silang mag-usap.

"I think... these ladies made the all of you to change." Aniya tsaka sumulyap sa 'min. "Thank you for them, and also, thank you for Dean Lucencio for making a decision that gave you a lot of good effect."

"Sir, hindi naman po ako lady e. I'm a gentleman." Angal ni Kenji, oo nga pala, kasama nga pala namin siyang napunta rito.

"Yeah, I'm sorry, I forgot. Kenji is one of the girls nga pala." He chuckled and shooked his head. "Take two." Dagdag niya kaya naman tumawa kaming lahat, may pagkasiraulo rin minsan si Sir Almineo, lumalabas 'yon kapag kami-kami lang ang magkakasama. "I think... these ladies and gentleman made the all of you to change." Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

"Hindi naman siya gentleman, sir." Angal ni Xavier, mukhang babarahin niya nananaman si Kenji.

"Then what?"

"Gentledog."

"Hoy! Anong gentledog ang sinasabi mo?" Sabat ni Kenji, hindi tanggap ang sinabi ng hudlong. "Ang ganda ng mukha ko tapos sasabihan mo lang ako ng gentledog?" Ngumuso siya at marahas na kinamot ang ilong niya.

"Ano, sige umangal ka? Gwapo ka pero mas gwapo ako."

"Mama mo gwapo."

"Ikaw mukha aso!"

"Ay, arf arf."

Humalaklak na lang kaming lahat. Ayaw niyang sinasabihan ng gentledog pero tumahol. Gago talaga.
Pumunta kami ulit sa gymnasium pagkatapos no'n. Awarding na pala para sa contest nina Kayden, at nung apat na hudlong.

"Our second placer for our special contest category is the... FIRST SECTION!" Naghiyawan ang lahat ng sabihin ng emcee ang panalo, may pag-asa pa kami nito, mero'n pang pangchampion.

Hinawakan ko ang kamay ni Kio at pumikit ng mariin, gano'n din si Asher. Syempre pinapanalangin ko na sana manalo kami ngayon. Tumunog ulit ang sound effects kaya namam mas kinabahan ako.

"And the champion!" Pagdidiin niya. "The champion for our special contest category is the..."

TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!
TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!
TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!

"No other that, TWENTY-THIRD SECTION!"

"Wooooohoooo!" Hiyaw namin! Tatlong sunod-sunod na panalo namin ngayon. Kung hindi namin pinagtukan ang mga hudlong na 'yon, baka hindi na sila bumaba.

"Wow. Amazing. I can't... unbelievable! You got the 3x champion, congratulations, Twenty Third Section!" Sabi nung emcee kaya naman nagsigawan kami.

Ilang saglit lang ay sina Xavier at Shikainah na ang lumabas ng stage para sa coronation day. Kaniya-kaniya kami ng mga cheer para sa mg kakampi namin. Syempre bawal kumampi sa iba, mga balimbing.

"And to recieve a sash and a prize with a bouquet of flowers. Our 3rd Runner up... is the... FIRST SECTION."

Natahimik ang lahat ng magulat si Queen Bobowyowg, hindi ata tanggap ang nakuha niyang panalo pero sa huli ay kinuha niya rin ang prize niya at nagmadaling bumaba.

Nagkibit balikat na lang kami ng sinundan siya ng kaparner niya. Naghawakan sina Shikainah at 'yung babae sa Fifth Section para sa champion.

"Kung sino man ang tatawagin ko ngayon... she would be our Ms. Foundation day." Anang emcee. "...Our Ms. Foundation day is... Ms. Shikainah Gomez!"

Nung una ay parang tumigil ang mundo dahil sa sinabi nung emcee, ang ibig sabihin...

"Champion kami!" Sigaw ni Kenji at nagsasayaw na parang ibon.

Natawa na lang kami. Pumalakpak na lang kami sa abot ng makakaya namin. Kumaway si Shikainah, nasa tabi niya si Xavier habang kinokoronahan siya.

Sa sobrang saya namin ay hindi ko na namalayan na nasa room na pala kaming lahat. Pero nawala ang mga tawa na 'yon ng makita ko si Hanna na nasa sahig, yakap ang mga tuhod niya...

At umiiyak.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant