"I can leave now. I'm sorry for bothering 'you, Heira. Maybe I can wait him outside." Napapahiyang sabi niya, hinarang ko ang isang paa ko para hindi siya makaalis.
"D'yan ka lang, 'wag mo na lang silang pansinin." Sabi ko sa kaniya, mabilisan akong umalis sa pagkakahawak ni Kayden, kumuha ako ng isa pang upuan tsaka ako tumabi sa kaniya.
Kinindatan ko siya. "Wala naman silang gagawin sayo kaya 'wag kang matakot. Hindi naman nila papatayin." Sasapakin pwede pa. Charot.
"Uhm, okay. Thanks." Sagot niya, sumandal siya sa upuan, kung ano-ano na lang ang ginawa niya para alisin ang inip niya.
Akmang lalapitan siya ni Kayden kaya naman agad kong hinarang ang kamay ko, baka bigla niya na lang banatan ang lalaki sa harapan ko.
Ewan ko ba rito sa kumag na 'to, wala namang ginagawa sa kaniya ang lalaki pero ang laki ng galit niya, konti na lang parang mapupuno na siya e.
"Tabi." He said coldly.
"Ayaw ko, babangasan mo lang siya e!" Pagmamatigas ko pa.
"Buti alam mo." Matunog siyang ngumisi. Sinubukan ko siyang sipain pero hindi umabot ang paa ko.
"Tumigil ka, Kayden. Masasapak talaga kita." Pagbabanta ko sa kaniya.
"As if you can." Paghahamon niya pa sa 'kin.
"Gagawin ko talaga 'yun kaya 'wag mo akong punuin."
"I don't care about what you want. Get away from that man before I can stop myself from hurting him. "
"Ang yabang mo talaga kahit kailan! Bwisit ka!" Sagot ko sa kaniya, kinuha ko ang kamay ni Rhysth, nakita ko ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin'yon.
Hinila ko na siya, muntikan pa nga siyang hindi makatayo e. Akmang kukunin ni Kayden ang isa ko pa nga kamay pero agad kong naiiwas 'yon kaya naman hindi na niya ako napigilan.
Lumabas kami ng room, rinig ko pa ang mga nagbabantang tawag ng mga hudlong sa 'kin pero hindi ko sila pinansin o tinignan man lang. Bahala sila sa mga buhay nila.
Wala namang ginagawa sa kanila ang lalaking kasama ko ngayon pero gano'n na lang sila kung makapagsalita. Nakakahiya sa kaniya dahil naiintindihan niya ang mga sinasabi nila, hindi lang talaga siya kumikibo.
"Uy, pasensya ka na sa kanila ha. Hindi lang talaga sila sanay na may ibang tao sa loob ng room namin pwera sa 'min." Sinserong sabi ko sa kaniya.
Nakahinga ako ng maluwang ng ngumiti siya sa 'kin, inayos niya ang damit niya at bahagyang pinasadahan ng palad ang buhok niya.
"No. It's okay. I should be the one to apologize to you for disturbing your class."
"He!" Saway ko sa kaniya. "‘Wag ka sanang magalit sa kanila, gano'n lang talaga ang mga 'yon."
"Yeah. No worries."
"Ayun pala 'yung kapatid ko e." Turo ko kay Kio na ngayon ay nakasandal sa isang puno at may kausap sa cellphone niya.
Tinapik niya ang balikat ko tsaka kumaway para lapitan ang kapatid ko. Pinanood ko muna silang dalawa kung paano sila mg-away silang dalawa. Natawa na lang ako ng akbayan niya ang kapatid kong gulat na gulat dahil sa paglitaw ng kaibigan niya.
Bumalik ako sa room naming nagkakagulo nananaman dahil sa kaingayan ng mga hudlong. Sinalubong ako ng iba't ibang tanong nila, hindi muna nila ako pinaupo 'no.
"Sino 'yon?" Tanong sa 'kin ni Vance.
"Si Rhysth." Sagot ko sa kaniya.
"Bakit mo siya kasama?" Tanong ni Lucas.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 226
Start from the beginning
