“So I guess, you are all agree with what we want, aasaha ko kayo.” Saka siya nakipagkamay sa 'min. “Miss Young, pakihatid sila sa bagong room nila.” Tawag niya sa kaniyang secretary.
Kung dati palaging gutom si Alzhane ngayon hindi na. Kung dati palaging tagalog ang ginagamit niya kapag nagsasalita siya, ngayon hindi na. Puro english na talaga. Nakakanose-bleed ang ate niyo.
Lumapit sa kaniya si Timber at hinawakan ang kamay ni Alzhane. Ay wow, may pagano'n pa? Ang galing naman no'n. May pahawak-kamay pa sila ah.
"I'm Timber Arlo Ponciano, bro." Pagpapakilala niya naman, wala na, gaya-gaya talaga siya. Charot lang, halatang ayaw niya rin sa lalaki dahil nakuha ni Alzhane ang atensyon niya.
Maka-bro naman 'to. Close kayo, Tim?
"Nice meeting you." Nakangiting tinanggap niya ang kamay ng hudlong. "And you, what's your name?" Baling niya sa 'kin.
"Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Heira." Simpleng sagot ko sa kaniya.
"Heira, thank you for your companion." Sambit niya sa 'kin.
"Ayos lang 'yon, hinahanap mo siya edi sasabihin ko sayo kung nasa'n si Kio, ang kaso, lumabas siya." Napayuko na lang ako pero ng iangat ko ang ulo ko ay ngumiti na 'ko. "Salamat pala rito." Sabi ko tsaka ko itinaas ang hawak kong chocolate.
"No worries."
"Hala, siya ang nagbigay sayo niyan?" Tanong sa 'kin ni Kenji, tumango naman ako. "Penge ako, patikim lang."
"Ayaw ko nga, bili ka na lang ng sayo."
"Psh! Ang damot mo naman!" Maktol niya.
Tinawanan ko lang siya tsaka binelatan. Nawala ang pagtawa ko ng hinila ako ni Kayden papalapit sa kaniya, agad niyang pinalupot sa bewang ko ang isang kamay niya. Tinignan niya ako ng matalim ng pagpumiglas ako sa kaniya.
"What are you doing here?" Mariing tanong niya kay Rhysth kaya naman bahagya kong sinapak ang tyan niya.
"I'm looking for Akio, she said that his here." Nakangiting tugon ng lalaki.
"Se came out so you come out here too, you are not welcome in our section." Ang dilim ng aura niya ngayon, humihigpit na rin ang hawak niya sa bewang ko.
"Hoy, Kayden, anong pinagsasabi mo r'yan?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
"I'm sorry. I didn't mean to... to enter your room. It's just... because I don't know the ins and outs of your university."
"I don't care. Just go. Kung wala ka mang mapupuntahan, umuwi ka na lang sa inyo."
"Ano ba, Kayden?! Bisita ko 'yan, hinihintay niya si Kio, pwede ba! 'Wag ka namang ganiyan!" Galit na sabi ko sa kaniya, kung makapagsalita siya akala mo naman sa kaniya ang room na 'to e.
"He's not a visitor, he's a janitor."
"Anong janitor ang pinagsasabi mo r'yan? Ang ganda ng damit niya tapos tatawagin mo lang siyang janitor? Anong tawag sayo, body guard?!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Tss. 'Wag mo siyang ipagtanggol, Heira." Mariing sabi niya. "...Maybe I will not let him to leave this room without any bruises."
"Gago! Inaano ka ba niya?" Gigil na tanong ko sa kaniya, sumusobra na siya sa mga sinabi niya ah. "Hinihintay niya lang si Kio. 'Wag naman kayong ganiyan sa kaniya." Mahinahong dagdag ko saka bumuga sa hangin.
Sinubukan kong lumayo sa kaniya pero hindi ko magawa. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko dahil bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kamay niya papunta sa bewang ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 226
Start from the beginning
