'Zycheia Velasquez added Lady Trina Ramirez to the group'
Ngumiwi ako ng isend niya sa group chat na ginawa niya ang mga picture ng lalaking nasa gilid ko ngayon. Hindi talaga papaawat ang babaeng 'to. Hindi talaga siya mapipigilan ni Elijah kahit kailan.
"Ayan, nadelete ko na." Rinig kong sabi ni Eiya.
"Fine. Never do that again or else... I will break your cellphone together his bone." Alam kong itong lalaking 'to ang tinutukoy niya.
Kawawa naman siya, pati siya nadamay sa gulo nilang dalawa.
"Pwede ka bang maghintay, saglit?" Tanong ko sa kaniya.
"Of course. I don't have a place to stay now either." Sagot niya sa 'kin.
"Pabalik na rin naman si Kio niyan. Hintayin mo na lang siya." Sabat ni Shikainah.
Akala ko ba nag-aayos sila para sa coronation day? Pero pwede na, suot niya ang panibagong gown niya, mukhang nainip siya sa back-stage ah.
Kinindatan ako ni Eiya, alam kong pinapahiwatig niya ay 'yung pictures na sinend niya. Kami lang nung mga babaita nasa group chat. Kung ako sa kanila, hindi sila papahuli sa mga hudlong, grabe pa naman sila magalit.
"Can I ask?" Tanong ni Alzhane sa lalaki.
"Uhm, yeah." Nagkibit balikat ang lalaki. "What is it?"
"What's your name? I mean... uhm, do you know each other?" Turo niya sa 'ming dalawa at ngumiti ng nakakaloko, narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Kayden.
"I'm Rhysth Moreilance Davies." Sagot niya tsaka inilahad ang kamay niya kay Alzhane.
Nakangiting tinanggap naman 'yon ni Alzhane. Friendly talaga si Alzhane kahit kanino. Mukhang pati silang dalawa ni Timber friends pa rin ang kalagayan.
"I'm Alzhane Reyes." Pagpapakilala niya, susme. Ang batang 'to talaga oh!
Hindi lang halata pero kaedad lang siya nina Kenji at Hanna. Matangkad kasi ang isang 'to tapos medyo mature pa ang mukha niya kaya naman napagkakamalan siyang kasing edad namin.
Ngayon ko lang naalala 'yon ah. Parang kailan lang nung nagpakilala kami kay Dean Lucencio, ro'n kami unang nagkakilala-kilala. Time flies so fast.
“I'm Heira Yakiesha Sylvia, grade 11, 1st Section, dean.” Nakangiting pakilala ko, tinanguan niya ako saka bumaling kay Eiya.
“Zycheia Velazquez, grade 11, 1st Section, I'm her bestfriend, dean.” Sabay turo sa 'kin, nginitian siya ni Dean, bumaling siya sa tatlong bata.
“Kenji Itzuki Tanaka, grade 9 student, 1st Section po, dean.” Kumurap - kurap pa.
“I'm Alzhane Reyes, grade 9 student, 1st Section po, dean...” Saka siya luminga - linga “...ano ba 'yan gutom na 'ko.” Bulong niya kaya tinawanan siya ni dean.
“Hanna Elyze Olivares, grade 9 student, 1st Section po, dean.” Mahinanang pagpapakilala nila.
Bumaling si Dean Fernandez sa dalawa pang students.
“Shikainah Gomez, 2nd section, grade 11, huwag na kayong magtaka, masyadong masikip ang 1st Section sa 'kin kaya nagpalipat ako sa 2nd Section.” Sabay irap sa 'min.
Tusukin ko mata mo!
“Lady Trina Ramirez, 2nd section, grade 11, dean.” Nakangiting sagot naman nung huli.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 226
Start from the beginning
