Ano kayang itsura namin ngayon habang sumasayaw kami ngayon? Mga mukha na ba kaming mga artista? Mga mukha na ba kaming mga dancer na kamukha ng taga ibang bansa?

Syempre hindi.

♫♪ Sige sige... Sumayaw ka na
sige sige... Sumabay ka lang
sige sige... s-xyhan mo pa... Grabe Daleng dale... Sige sige... sumayaw ka na... sige sige... sumabay ka lang... sige sige... s-xyhan mo pa... tayo'y magsasaya... lahat ng s-xy... itaas ang kamay... Itaas ang kamay.. Itaas ang kamay♫♪

Malapit ng matapos.

'Yan ang tinatak ko sa utak ko. Ilang beses na hahakbang tapos na. Konting push na lang, tapos na. Kaya pa naman, pasimple kong pinunasan ang pawis ko sa noo ko, nasa likod na rin naman ako kaya alam kong hindi na nila ako makikita ngayon.

Katabi ko na si Eiya, bumalik na rin naman kami sa mga pwesto namin kanina. Kahit siya, alam kong hinihingal na rin siya pero patuloy pa rin siya sa pagngiti sa iba. Ang ganda pa rin niya kahit na mukha na siyang losyang.

Kaming mga babaita, lahat kami parang babagsak na. Hindi ko inaasahan na ganito pala kami mapapagod kapag nasa stage na talaga kami. Lamya-lamya lang ako kapag may practice kami e. Alangang gawin ko rin 'yon ngayon.

Wala sina Shikainah at Xavier dahil nag-aayos na sila para sa sinalihan nilang parang isang beauty contest. Bagay naman silang dalawa, matalino rin kaya hindi na kami kinakabahan sa kanila. Pero bakit gano'n... pakiramdam ko may nakatingin sa 'min... ng masama.

♫♪tara na't sumayaw
kahit na kilikili mo pawis na
wag mainis pa
lahat magsaya
kaya wag ka ng masunget
mukha ay pumapanget
haypa!
luzon visayas mindanao
ipakita ang galing
sa pagsayaw
bata man o matanda
may buhok man o wala
ang lahat ay sumigaw
hayup ah! ♫♪

Bahagya pa kaming sumigaw habang kinakanta 'yung kanta na 'yon. Hindi na ako sumabay, makaubos energy pala ang sayaw na 'to. Kung noon sa practice hindi na namin sineryoso ang sayaw na 'to, ngayon hindi na pwede 'yon. Humino kami atsaka namin ginawa ang pose namin.

Basta ako, kahit ano na lang ang ginawa ko. Nakahakbang isa kong paa, nakacross arm ako at hinintay na magsalita ang emcee. Dapat pala hindi ako nagsisisigaw kanina para hindi ako hiningal ngayon.

Naghawakan kami ng mga kamay at sabay-sabay na nag-bow. Tapos na, tapos na ang torture namin, nag-appear-an kami ng mga hudlong dahil sa wakas, hindi na kami mapapagod dahil sa practice namin.

"Thank you, Twenty-third Section for your wonderful performance. That was great... yet tiring dance. Kahit kami ng mga teachers ay nadadala dahil sa mga energy niyo. I didn't expect you to dance like this... a very good dance. Wala ba kayong mga kamay!" Sigaw ng emcee sa paligid.

Nung walang pumalakpak sa 'min. Kami na ang gumawa no'n, pinakalakas na namin 'yon tsaka naghiyawan, gano'n din tuloy ang ginawa ng mga tao sa paligid. O 'diba, nakakadala ang energy ng mga hudlong.

Bumaba kami sa stage. Lumabas muna kami tutal tapos na rin naman ang sa 'min. Maggagabi na rin naman, maya-maya niyan ay sina Shikainah at Xavier na ang sasalang. Ano kaya ang gagawin ng kumag na 'yon sa may stage niyan?

"Ang galing mo kanina, Kenji. Buti na lang hindi mo ginawa ang birdie dance mo?" Tanong ni Trina, tumawa kaming lahat.

Si Kenji kasi ang palaging nasa gitna kaya naman kitang-kita ang batang hapon. Parang nalalasak na ang mga buto at kalamnan niya kanina e, pero panay lang ang papogi niya sa iba. Baka nga siya ang nagdala ng audience impact e.

Kinamot niya ang ulo niya, pawisan ang hudlong. Tinawanan ko siya, inaantok na ata siya dahil sa mga mata niya. Inabutan ko na lang siya ng panyo, babaho siya kapag nagpatuyo siya ng pawis.

"Yakie, punasan mo nga ako." Utos niya sa 'kin.

"Ay, wow. Sa 'kin na nga ang panyo, ako pa ang magpupunas sayo? Ano ka, prinsipe?" Nakangiwing tanong ko sa kaniya.

"Binigyan mo nga ako ng panyo, hindi mo naman ako binigyan ng tagapunas. Ang pangit mo kabonding." Nakasimangot na sagot niya tsaka niya ako binelatan.

May kinuha ako sa bulsa ko tsaka inabot sa kaniya. "Oh ito, piso..." Abot ko sa kaniya, kinuha niya naman 'yon at kunot-noong tinignan ang nasa palad niya, inilapit niya pa talaga sa mukha niya 'yon.

"Anong gagawin ko rito?" Tanong niya sa 'kin.

"...Bili ka ng magpupunas ng pawis mo." Sabi ko sa kaniya tsaka ko siya nilapasan.

"Pa'no ako makakabili gamit 'to? Wala ng taong nabibili ng piso! Yakie, dagdagan ko!" Hirit niya pa pero kinawayan ko lang siya habang nakatalikod.

Pumasok kami sa room, nadatnan namin sina Xavier na may ginagawang kakaiba... kakaiba talaga dahil si Xavier na mismo ang nagmamake-up kay Shikainah.

Ano bang nangyayari sa mga hudlong ngayon? Nagkajowa lang naging make-up artist na sila ng mga babaita. Tumingin sila sa 'min pero ngumiti lang sila, hindi raw kasi pwedeng masira ang make-up ni Shikainah, papangit daw siya.

Lumapit na lang ako sa may cooler, kinuha ko ang isang bottled water tsaka uminom do'n. Nakalahati ko na dahil sa pagod. Hindi ko naman mauubos 'to, baka masuka ako.

"Kio!" Sita ko sa kapatid ko, kinuha niya kasi ang hawak kong bote tapos ininom niya hanggang sa maubos.

"What?" Supladong tanong niya, pinagtaasan niya ako ng kilay bago niya ibato sa 'kin ang boteng wala ng laman.

"Sa 'kin 'yun e! Dapat kumuha ka na lang sa cooler, mero'n pa naman do'n!" Inis na sabi ko sa kaniya tsaka ko pinukpok ang ulo niya ng bote. Sarap sapakin ng paulit-ulit.

"I don't care. Tinatamad akong kumuha e, may angal ka ba?" Nakangising tanong niya sa 'kin.

"Mama mo angal. Napakawalang hiya mong bwisit ka! Kailan ka pa ba naging masipag ha?!" Sabi ko sa kaniya.

"Palagi naman akong masipag." Pagmamayabang niya.

"Asa ka! Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan e brief mo nga lang hindi mo alam labhan!"

"Hoy! I know how to wash my underwears!" Angal niya sa 'kin. "Ikaw nga r'yan e! Hindi ka rin naman marunong maglaba ng -!"

"Ano sige, ituloy mo?" Pinankitan ko siya ng mata, nasa paligid ang mga hudlong, subukan niya lang na sabihin 'yung word na 'yun. "Babasagin ko 'yang kilay mo kapag tinuloy mo 'yan."

"Hindi ka rin naman marunong maglaba ng... ng medyas mo!" Sagot niya na lang niya, pinitik niya ang noo ko bago umalis sa harapan ko.

"Bwisit ka! Mero'n naman ako ng video mo habang sumasayaw! Ipapadala ko 'yun kay Tia-!"

"Heira, pasuyo naman ako ng mga hindi lutong shanghai sa may cooler oh!" Sabat ni Trina kaya naman natigil ako sa pang-aasar sa kapatid kong sumobra sa turnilyo.

"Sige, teka lang!" Sagot ko sa kaniya, binalingan kong muli ng tingin ang kapatid ko, ngumuso na lang ako dahil tutok nananaman siya sa cellphone niya.

Kinuha ko ang mga shanghai na hindi ko alam kung kailan pa nila binalot. Lumabas ako ng room tsaka binigay kay Trina 'yon. Nagluluto na pala siya ng pagkain namin.

"Ako na rito sa mga shanghai, sige ikaw na lang magbantay sa may kanina, baka masunog." Sabi niya sa 'kin, nagsaya naman ang mga kidney ko, atleast kahit tagapagbantay lang ako ng kanin.

"Maganda ba 'yung ginawa namin kanina?" Tanong ko sa kaniya, nakasandal ako sa pader habang pinapanood siyang ipirito ang mga shanghai.

"Syempre magaling kayo, gaga! Grade energy niyo, to the highest level na talaga, kung kumembot-kembot kayo parang wala kayong mga buto, lalo na si Fafa Kayden tsaka si Babu, ikaw naman panay ang pagngiti mo, may nagpapangiti na ba sayo?" Sumesenyas pa siya habang sinasabi 'yon.

Ngumiwi ako. "Wala... masayahin lang talaga ako."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now