Chapter 222

Mulai dari awal
                                        

Nagpitan kami ng mga pwesto. Ako naman ay napunta sa gilid. Pumikit na lang ako dahil ramdam ko na ang pagod kahit na umpisa pa lang ang kanta na sinasayaw namin. Pumunta kami ulit sa kanan ang kalahati. Nanatili naman 'yung iba sa pwesto nila.

Kunwari pinapanood namin sila at kunwari sila ang mga kalaban namin dahil nagt-thumbs down kami. Sumali na lang ako sa kanila kahit hindi ko alam kung pa'no ko gagawin 'yon. Ang mahalaga, buhay pa rin naman ang mga atay ko.

♫♪Simulan ang araw ng masaya
tara sumayaw na pampasigla
hindi mahalaga anong suot
kahit na gusot... Dali dalian mo na... Sige't tayo na't magparty party... Para ang lahat ay happy happy... Oh kahit na anong problema pa... Isayaw mo lang... Sabayan pa ng ngiti... Haypa!♫♪

Tinaas namin ang mga kamay namin tsaka pinagalaw ang mga bewang namin. Kahit na matigas ang katawan ko, sige lang. Eenjoyin ko na lang 'to, lulubus-lubusin ko na 'to, tutal ito ang una at huling beses na sasayaw ako.

Nagstep-in kami, una ang isang paa at sunod naman ang isa. Hindi lang basta step-in 'yon dahil pabigla ang ginawa namin, 'yon kasi ang totoong hip-hop step. Umalis muna kami sa may gitna at gumilid dahil nag-head-spin si Maurence.

Ngumiwi na lang ako. Hindi ba nahihilo ang lalaking 'to sa ginagawa niya? 'Yung ulo niya ang nasa sahig at pinapaikot niya ang katawan niya. Baka mamaya niyan kalog na ang utak niya dahil sa ginawa niya.

'Wag naman sana.

♫♪Sige sige... umayaw ka na... Sige sige... Sumabay ka lang... Sige sige... s-xyhan mo pa... Grabe daleng dale... sige sige... Sumayaw ka na... sige sige... Sumabay ka lang... Sige sige... s-xyhan mo pa... Tayo'y magsasaya... ♫♪

Ginawa naming muli ang ginawa namin sa chorus kanina. Kunwari ay inaaya namin ang mga tao na sumabay sa 'min. Kunwari lang naman 'yon pero nagawa pa rin namin silang kumbinsihin, ayan sumabay tuloy sila sa 'min.

Mga uto-uto.

Natawa na lang ako. Parang kanina lang ang sama ng tingin nila sa 'min dahil kami na ang sasayaw pero tignan mo naman ngayon, parang nagkaroon ng zumba dance tutorial ngayon. Sumisigaw na rin ang mga hudlong, sumasabay sila sa kanta.

Parang nangyari 'yung nangyari kanina habang kumakanta si Kayden at sumasayaw ang mga hudlong na 'yon. Kunwari pa silang ayaw nila sa 'min pero kung makajamming wagas ah. Kami naman ngayon ang pumunta sa isang gilid at sumayaw habang parang nilalait kami ng kalahati.

Habang tinitignan ko sila. Nawala ang kaba ko at napalitan ng tuwa dahil sa saya nila. Parang wala silang nakikitang iba, parang wala lang sa kanila ang mga tao sa paligid. Ako lang talaga ang pumapansin sa kanila.

♫♪ Wagawag
mo ng pigilan pa
kung nais sumayaw
wag ka ng mahiya
sigurado na ika'y matutuwa
tala-talagang nakakabata
dito ang lahat pwedeng sumali
kahit na feeling mo
hindi ka s-xy
basta lagi mong isipin
na ang mahalaga
ikaw ay masaya
haypa... ♫♪

Nagpalitan kami ng mga pwesto, kami naman ngayon ang nasa harapan. Bumuga ako, kaya ko 'to. Hindi kami pwedeng matalo rito. Pero kahit anong mangyari, manalo o matalo, ang mahalaga naipakita naming kaya namin.

Ngumisi ako sa mga audience. Patay ang ilaw, kami lang ang nasa spotlight. Parang mga artista kami sa isang stage habang live kaming nag-peperform sa may tv. Natawa ako ng wala sa oras pero hindi naman naapektuhan no'n ang sayaw ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang