"Hoy, Isha. Smile ka naman d'yan, baka hanggang sa sumayaw tayo nakasimangot ka r'yan ha!" Paalala sa 'kin ni Eiya, bahagya niya pang hinampas ang kamay ko.
"Eiya, takas na lang tayo, ayaw ko na rito." Sabi ko sa kaniya, nangangatog na ang mga binti ko.
Umiling siya. "No. Hindi pwede. Tutuloy tayo! Ayaw ko namang magkaro'n ng bagsak ngayong quarter na 'to." Sabi niya sa 'kin.
"Kasi naman ih!" Pagmamaktol ko. "Bakit ba kasi may ganito pa? Ang daming nakakakakita sa 'tin e." Reklamo ko.
"Malamang audience nga e. Anong gusto mo, 'yung tayo lang dito at sumayaw kahit walang nakakakita, gaga!" Sabi niya sa 'kin.
"Oo, pwede 'yun. Mas mabuti na 'yon, o kaya naman sa virtual na lang nila panoorin." Sabi ko sa kaniya bago ko sinabunutan ang buhok ko.
Pinindot-pindot niya ang pagitan ng mga kilay ko, salubong na kasi ang mga 'yon. Tumawa naman siya ng malakas. Binatukan ko nga siya.
"Manahimik ka, Eiya. 'Wag mo akong inisin ngayon, bastrip ako!" Sabi ko sa kaniya. I let out a heavy sight.
Ito na 'yon. Wala na talagang atrasan. Para sa grades, kekembot. Para sa grades, lulunukin ang pride. Para sa grades, sasayaw. Para sa grades, haharap sa harap ng maraming tao.
"Let's welcome, Twenty-third Section!" Tawag sa 'min ng emcee.
"Good luck, guys! We can do it! Ipapanalo na 'tin 'to!" Sabi sa 'min ni Alzhane, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
Nag-goodluck muna kami sa isa't isa bago sumalang sa apoy... sa stage pala. Pumwesto kami. Biglang tumahimik ang paligid. Sabi na e, kapag kami na ang sasayaw, ayaw nila.
Sa baba na lang ako tumingin para hindi ko na lang sila mapansin. Huminga ulit ako at bumuga sa hangin para ilabas lahat ng kaba. Pag-angat ng tingin ko, nagtama ang paningin namin ni Asher.
Kinawayan niya ako at ngumiti. Itinaas niya ang kapeng hawak niya. Ngumisi lang ako. Hindi na ata ako marunong ngumiti dahil sa pesteng sayaw na 'to. Hindi ko na talaga uulitin ko sa susunod. Bahala na kung bumagsak ako.
♫♪ Lhat ay sumayaw... sige walang t-tigil... halina't magsaya... sige walang pipigil... Tayo'y sabay sabay... Itaas na ang kamay... Lahat ay sumayaw... sige walang t-tigil... ♫♪
Inangat ko ang ulo ko dahil 'yun naman kasi ang unang step namin. Pumunta kami sa kanan at nag-sway, gano'n din ang ginawa namin sa kabila. Isang beses kaming umikot at sumenyas na 'wag titigil' tsaka ngumiti, 'yon ang dapat naming gawin.
Tumingkayad kami saglit bago binend ang mga tuhod namin tsaka pinagalaw ang bewang. 'Yun ang sunod. Unang stanza pa lang pero nahihirapan na kami, ang galing naman kasi ng mga mentor namin, nakakapagod.
Pinagalaw namin ang mga kamay namin sa ere. Habang sumasayaw kami ay iniisip ko kung tama ba talaga ang naging desisyon kong sumali sa ganitong contest. Ayaw kong tumingin sa mga audience, ang papangit nila. Joke.
♫♪ Boom na na e-o e-o
na na e haypa!
boom na na e-o e-o
na na e haypa!
boom na na e-o e-o
na na e haypa!
boom na na e-o e-o
na na e haypa!... ♫♪
Ginawa na namin ang pinakamahirap sa lahat. Tumalon kami ng bahagya tsaka bahagyang pinaghiwalay ang mga binti namin at kumembot-kembot pa, umatras ako ng bahagya, pumalakpak pa kami habang nasa taas ang mga kamay namin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 222
Start from the beginning
