"Ha? 'Diba, kasama ko lang kayong pumasok sa mga sleeping bag kagabi? Anong nangyari?" Takang tanong ko, sumimsim ako sa kape na ginawa ni Lucas. "Masarap naman pala e, pa'no mo nagawa 'to?" Tanong ko sa kaniya.
"Secret, baka gayahin mo pa ako." Tugon niya.
"Grabe ka 'te. Natulog ka lang, nawala na agad ang ala-ala mo?" Natatawang tanong sa 'kin ni Trina. "Pagkapasok na pagkapasok natin sa room natin, agad ka ng pumasok sa sleeping bag mo, gumaya lang kami sayo dahil gusto naming magpahinga."
"Ilang saglit lang, knocked out ka na." Sabat ni Aiden tsaka siya tumawa. "Ginigising ka namin para sana makapaglaro ka rin ng uno pero hindi ka na namin malingat."
"Antok na antok ka na, siguro kagabi 'no?" Tanong naman ni Shikainah. "Sorry... If I made you sleepy, I just really want you to watch my ramp."
"Ano ka ba, ayos lang 'yon. Pagod lang siguro ako kaya ako nakatulog, 'wag ka ng mag-alala. Ang ganda kaya ng sagot mo kagabi." Pampalubag loob ko sa kaniya, baka magalit pa siya sa sarili niya dahil sa pagkaantok ko.
"Yeah. It's okay, hayaan niyo na si Heira. Antukin lang talaga siya." Bigla na lang akong inakbayan ni Axl, oo ni Axl!
Biglang sumulpot sa harapan naming lahat. Takang-taka ang mga hudlong kung sino siya, ako lang pala ang nakakakilala sa kaniya.
Sinubukan kong tanggalin ang braso niya sa may leeg ko pero hindi ko magawa, inipit ba naman niya ako sa kili-kili niya.
"Ano ba! Bitaw!" Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
"How have you been?" Tanong niya sa 'kin. "Ang tagal na nating hindi nagkita ah!"
Parang nabuhusan ako ng malamig ng tubig ng malala kung saan kami huling nagkita. 'Yon ay sa... canteen nina Alexis, 'yung kasama niya si Zoenrox, humabol pa nga siya sa tinitinda namin... may ginawa pa siya pero ayaw ko ng alalahanin pa.
"Malamang, alangang araw-araw kitang kikitain. Wala akong oras sayo kaya tigilan mo ako! Bibitawan mo ako o sasapakin kita?" Pagbabanta ko sa kaniya.
"Ang sama mo pa rin pala." Animong nasasaktan siya sa sinabi ko.
"Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya. "Layuan mo nga ako! Ang bigat ng braso mo e!" Sita ko sa kaniya.
"Visiting a friend, I guess?" Nagkibit balikat siya bago niya ako abutan ng isang tinapay. "Good morning, eat your breakfast!" Sabi niya bago siya tumakbo papalayo.
Sa'n naman ang punta no'n?
Hindi na nagtanong ang mga hudlong dahil pinapabilisan na nila ang mga estudyante na mag-uumpisa na raw ang pag-aannounce sa mga nanalo. Mamayang hapon pwede na kaming umuwi.
Pumunta kami sa gymnasium. Kanina pa kami kinakabahan dito habang hinihintay ang sasabihin ng emcee. Isama mo pa 'yung intense na tunog mula sa speaker.
Ang daming umaasa na manalo rito, sino nga bang hindi, 'diba? Pinahirapan namin ang araw na 'to e. Mas kinabahan pa ako dahil sasabihin na nila kung sino ang nanalo sa "Hips and Steps of the Dark."
"For our third placer... we have the... Thirteenth section!" Sigaw ng emcee, nagsihiyawa naman ang mga kaklase nila.
Kaya pa 'to, hawakan na lang kami ng kamay ng mga hudlong at babaita habang nakayuko at nakapikit. Kaya namin 'to. Huminga ako ng malalim. Kahit ano man ang maging resulta nito, tatanggapin namin.
"For our second placer... we have the... First section!" Mas lumakas pa ang hiyawan dahil do'n, sina Eugine, Chloe, Nathan at Oliver ang iba sa kanila, pumalakpak din ako, deserve nila 'yon.
"And for the champion..."
TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!
TENTENTENTEN! TENTENTENTEN! TENTENTENTEN! TENTENTENTEN! TENTENTENTEN! TENTENTENTEN! TENTENTENTEN! TENTENTENTEN!
"Third section!"
"Fifteenth section!"
"Kami na 'yan, kami na 'yan!"
"Mahal namin ang lahat kaya alam naming kami na ang panalo niyan!"
Kinakabahan talaga ako ngayon, baka kasi hindi magbunga ng hindi maganda ang practice namin. Pumikit na lang ako at pinigilan ang paghinga ko.
"The champion for Hips and steps of the dark category... is the TWENTY-THIRD SECTION!"
Nagulat na lang ako, kami 'yon! Kami ang panalo! Kami ang campion! Napatalon na lang ako dahil sa tuwa. Hindi ko na napigilan na yakapin ang nasa sa tabi ko.
Wrong move, Heira.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 224
Comenzar desde el principio
