Yumuko muna siya saglit, kita ko kung paano niya punasan ang luha sa mga mata niya. Hindi niya hinayaang umagos 'yon pababa ng mukha niya dahil masisira ang make-up niya.
Ngumiti siyang muli para tanggalinb ang namumuong tensyon sa sarili niya. Kaya mo 'yan, Shikainah.
“... I can also join my new friends especially if they have already done well in my life. Sila ang naging dahilan kung bakit ako matapang ngayon, sila ang nagturo sa 'kin kung paano magbago." Dagdag niya habang nakatingin sa 'min, lahat kami gusto ng pumalakpak pero hindi pa tapos ang sinasabi niya.
"...Honestly, I've experienced those two so I know what to answer. What happened in my past has been a lesson to me... that I shouldn't immediately trust. Ngayon nasa hinaharap na ako, natuto akong mahalin ang mga kaibigan ko na sa una ay palagi kong tinatarayan... sa una ay hindi ko sila kasundo." Dagdag niya, para namang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"...To all my friends, from past or from the present. You have done a lot in my life... I will never forget you. I have already forgave those..." Hindi niya na maituloy ang sinasabi niya dahil naging emosyonal na siya. "...Those girls na una kong nakilala sa university na 'to." Sagot niya atsaka tumingin sa kawalan... sa gawi pala nina Violet. "That's all, thank you!" Huling sinabi niya bago siya ngumiti, kumaway, rumampa at bumalik sa pwesto niya.
Nahugot ko naman ang paghinga ko, nag-appear-an kami ng mga babaita at hudlong. Sabi na e! Hindi talaga kami binigo ni Shikainah, alam kong kaya niya, alam kong magagawa niya.
Makikipag-appear na sana ako sa katabi ko pero naiwan sa ere ang kamay ko ng tumayo siya dahil may tumawag sa cellphone niya. Nagmamadali pa talaga siya. Sayang naman, mukhang importante pa 'yon.
Nang matapos ang pageant ay bumalik na kami sa room. Tinulungan na namin si Shikainah sa mga dala niyang damit. Wala namang question and answer para sa mga lalaki dahil nagsisilbi lang silang mga escort ng mga candidates na babae.
Nakita ko pa nga si Shikainah kung paano niya yakapin si Madison ng mahigpit sa backstage. Niyakap din siya pabalik ni Queen Bobowyowg, iba ang aura niya nung ginawa niya 'yon, para bang naging maamo na lang mukha niya.
Sabagay, mukhang matagal na silang hindi nagkakasamang dalawa. Hinayaan muna namin sila dahil kaibigan pa rin siya ng babaita. Nakasimpleng white t-shirt na lang si Shikainah ngayon pero ang ganda niya pa rin.
Kung ako ang mag-wa-white t-shirt, baka magmukha lang talaga akong white lady no'n. Isama mo pa 'yung medyo sabog kong mukha. Medyo pa lang naman.
-
"Good morning." Bati ko sa kanila, kagagaling ko lang sa banyo, kasama ko si Eiya, ayaw ko ng magpunta sa banyo na 'yon ng mag-isa.
Parang may sumpang dala ang banyo na 'yun e. Kapag pumasok na ako ro'n, hindi ako pwedeng lumabas ng walang dalang pasa o kaya naman sugat. Isama mo pa 'yung mga naririnig ko palagi.
"Good morning din, buti naman maaga ka ngayong nagising." Bati ni Lucas sa 'kin pabalik. May dala siyang mga styro cups, mukhang nagtitimpla siya ng kape.
Hindi naman siguro 'to, burol 'no?
Tumawa ako ng bahagya. "Ang aga kaya nating natulog kagabi kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit maaga rin akong nagising." Sagot ko sa kaniya bago kumuha ng isang baso ng kape na tinitimpla niya.
"Anong maaga tayong natulog?" Tanong ni Jharylle, kakalabas niya lang sa pinto. "Ikaw lang ang maagang natulog sa 'tin, oy. Lahat kami mulat ang mata kahit na alas dose na ng hating gabi." Sabi niya sa 'kin at pinitik ang noo ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 224
Start from the beginning
