Tumango si Shikainah. "Good evening too, Sir. And of course, thank you." Sagot niya pa bago kumaway, grabe!
Pati pala pagkaway kailangang artehan. Dapat parang telang sumasayaw sa hangin ang mga kamay mo kapag kumakaway ka. 'Yung sa 'kin kasi parang nagpalara ako ng jeep sa may kanto.
Ang ganda niya ngayon, mas gumanda pa siya lalo dahil inayusan siya ni Alzhane kanina bago raw siya sumalang para sa long-gown category. 'Yan ang sinasabi sa 'kin ni Eiya habang nanonood kami.
Hindi niya talaga mapakali ang bunganga niya.
Hinilot ko ang mga talukap ng mga mata ko. Hindi pa muna ako pwedeng matulog dahil gusto ko pa siyang mapanood. Syempre, kahit naman ganito ako, sinusuportahan ko sila.
May kumalabit sa likod ko kaya naman lumingon ako sa kaniya. Si Asher pala 'yon. At mukhang tamang-tama lang ang dating niya ngayon, at tamang-tama rin ang dala niya.
"Coffee?" Tanong niya sa 'kin at inabot ang isang cup ng maiinit-init na kape.
Kinuha ko naman 'yon at agad na sumimsim do'n. Napadaing na lang ako dahil napaso na lang bigla ang dila ko. Anak ng tae! Ang init pala no'n, parang bagong gawa pa lang ah.
"Hey, be careful! It's hot." Paalala niya tsaka tumawa pa.
"Sa'n ka nakakabili ng ganito?" Tanong ko sa kaniya, parang kanina ko pa siya nakikitang umiinom ng kape ah. "...Hindi naman pwedeng lumabas, 'diba?" Tanong ko pa sa kaniya habang tinitignan ang binigay niya, galing sa tindahan sa labas 'to ah.
"Deliver." Simpleng sagot niya.
"Pwede pala 'yun?"
Tumango naman siya agad. "Uhm... May ginawa lang ako para makuha 'to sa may labas." Sagot niya sa 'kin.
"Pa'no naman 'yon?"
"Pinagbabawal na teknik." He answered, kinindatan niya pa ako.
Para namang nalamutak ang mukha ko. Tamo oh, kinakausap ko siya ng maayos tapos gano'n ang isasagot niya sa 'kin, ang sarap niyang ihampas sa pader ng sampong beses.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan dahil kinakausap na ng mga judges si Shikainah. Kulay pulang long-gown ang suot niya. May bahagyang slit sa may kaliwang binti niya. May mga glitters pa 'yo kaya naman kumikinang talaga siya ngayon.
"Here's your question, Ms. Gomez."
Paunang sabi ng babaeng judge na kamukha ni Angelina Jolie dahil sa kapal ng lipstick niya tapos may korte pa 'yon, may malaking tv naman kaya kita ko pa rin sila kahit nakatalikod sila.
"...if you have to choose between you will go with your friends you have been with for a long time but they did something that made you hurt or go with your new friends who are already helping you a lot now?" Tanong ng judge kaya naman natahimik ang buong paligid.
Nakita ko pa ang pagkalaglag ng panga ni Shikainah. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Napapikit na lang ako, hindi 'to pwede. Kaya 'to ni Shikainah, may tiwala kami sa kaniya, magagawa niya 'to. Hindi dapat siya magpaapekto.
Tumingin siya sa gawi namin. Marahan akong tumango sa kaniya atsaka ngumiti ng matamis. Nag-fighting-sign pa ako para magaanin ang loob niya. Para namang nabunutan ako ng tinik ng tumango rin siya.
Ngumiti siyang muli sa 'min bago niya ilagay sa bewang ang isang kamay niya, nagliliwanag ang mga mata niya habang nakatingin sa mga hurado na ngayon ay naghihintay sa sagot niya.
"It doesn't matter who I go with because first of all, they are my friends. I can go with my friends who have done bad things to me because I know how to forgive, everybody deserves a second chance..." Sagot niya bago siya huminga ng malalim, mukhang may tumatakbo ngayon sa isipan niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 224
Start from the beginning
