"Isha, question and answer na, gising ka na!" Marahang tinapik-tapik ni Eiya ang pisngi ko, kahit hindi ko naman makita alam kong si Eiya 'yun, boses pa lang e, alam na alam na.
Binuksan ko ang mga mata ko, hindi ako nasilaw dahil madilim pa rin naman. Pinunasan ko ang bibig ko, baka kasi may tulo laway ako. Napansin ko lang na parang may nakapatong sa ulo ko.
Napaayos ako ng upo ng makitang si Kayden 'yon, ulo ni Kayden. Nakatulog din pala siya! Wala sa sariling ngumiwi na lang ako, ang tanga mo, Heira. Nakatulog ako tapos nahulog ang ulo ko sa balikat niya?
Ano 'yan? Mala jeepney love story, gano'n ba 'yon?
Tinignan niya ako na may pumupungay na mata niya dahil bagong gising lang siya. Pero bakit gano'n? Paano niya nagagawang maging gwapo kahit na kakagising lang niya?
Hinawakan ko ang bandang dibdib ko, bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin naming dalawa. Umayos na lang ako ng upo at umiling.
Napahawak ako sa pisngi ko, pakiramdam ko ay namula na agad ako sa gano'n pa lang. Aissssh! Ano ba kasi 'yang mga sinasabi mo, Heira? Erase! Erase! Erase! Bawal 'yan, mababaliw ka lang.
Pero nagtataka lang ako, kahit na anong gawin kong pag-iisip sa panaginip ko kanina, hindi ko magawa. May humawak daw sa pisngi ko tapos hinahaplos niya pa 'yun. Naramdaman ko rin na may humawak sa kamay ko.
Hindi ko alam kung totoo ba 'yun o sadyang panaginip lang talaga kaya hindi ko na maalala, mero'n naman kasing gano'n na panaginip. Kinamot ko na lang ang ulo ko, bakit ba kasi nakatulog pa 'ko e!
Mero'n ng nakasalang sa stage at tinatanong siya ng mga judges. Gising na gising na ang diwa ko pero humihikab pa rin ako, yinakap ko ang sarili ko, naramdaman ko kasi ang isang malamig na hangin e.
Kiniskis ko ang mga palad ko sa mga braso ko. Ilang sandali na lang sina Shikainah na ang sasagot. Hindi na ako kinakabahan dahil alam kong makakaya ng utak niya na sagutan ang tanong na ibibigay sa kaniya.
Si Xavier din, kahit na gunggong ang hudlong na 'yon. Kapag seryosohan na, seryosohan na talaga. Magpapakaseryoso siya kapag may nakasalalay na isang bagay sa sitwasyong ginagalawan niya.
Ilang saglit lang naman 'yon dahil nakakasagot din agad ang mga candidates na 'yun, mukha namang kumbinsido ang mga judges sa kanila dahil may patango-tango pa silang nalalaman. Si Shikainah ang magpapabilib sa inyo, 'yan ang tandaan niya.
"Next, our candidate no. 5, from Twenty-third Section, Shikainah Gomez." Tawag ng emcee kaya naman napadasal ako ng wala sa oras.
Lahat kami nakahinga ng maluwang ng lumapit sa harapan si Shikainah, dala ang isang matamis na ngiti na palagi naming nakikita. Ang higpit ng hawak sa 'kin ni Eiya.
Napansin ko lang, Si Trina nakahawak sa kamay ni Alzhane, si Alzhane naman nakahawak sa kamay ni Eiya tapos si Eiya nakahawak sa kamay ko. Ako... sinong hahawakan ko? Ang ibig kong sabihin, kaninong kamay ang hahawakan ko?
Wala sa sariling tumingin ako sa katabi kong prenteng nakaupo at nakasandal sa upuan niya. Nakacross arm siya pero ang isang kamay niya ay ginamit niya para haplusin ang ibabang labi niya, nakatingin siya sa harapan.
Hahawakan ko ba ang kamay niya?
Hindi ah! Hindi ko hahawalan ang kamay niya, bahala siya r'yan. May kamay naman ako, bakit ko pa hahawakan ang sa kaniya? Inismiran ko lang siya tsaka tumingin ulit sa harapan.
"Good evening, Ms. Gomez. You're stunning tonight." Papuri sa kaniya nung emcee, bago ang emcee na 'to, mukhang inarkila pa siya mula sa ibang lugar dahil hindi ko siya palaging nakikita rito sa university namin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 224
Start from the beginning
